Episode 26

1933 Words

Maagang bumangon si James para pumunta sa bahay ni Aling Berta. Simula ngayon ay hindi niya na hihintayin pang tawagan siya ni Chloe para magluto ng almusal nilang dalawa. Tiniyak niya rin na maayos ang hitsura niya bago siya magpakita sa dalaga. Kagabi kasi ay sinabi nito sa kaniya na kaya lang daw maayos ang pakikitungo niya rito dahil kaarawan nito. Kaya ngayong umaga ay patutunayan niya sa dalaga na bukal sa loob niya ang gagawin niyang pagpunta roon araw-araw. Pagdating niya sa bahay ni Aling Berta ay nadatnan niyang nagluluto na ito. Akala niya ay maaga na siya 'yon pala ay mas maaga pa itong gumising kaysa sa kaniya. "Ang bango, ah!" aniya pagpasok niya sa kusina. Binigyan kasi siya nito ng duplicate key kaya malaya siyang nakapapasok at nakalalabas. Mabillis naman itong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD