37

1699 Words
HANGGANG pagligo ay inaalam niya kung bakit ganoon ang pakiramdam niya nang sabihin iyon ni Ramil, pero wala siyang nahita sa sarili. Nang matapos magbihis, gamit ang damit na inilaan sa kaniya, 'tsaka siya lumabas sa kuwarto. Hindi niya roommate si John. "Ang tagal mo." Muntik pa siyang mapaatras pabalik nang magsalita si Dion. Hindi niya naman alam na pupunta ito rito at nag-aabang na ito sa pinto ng silid, nakasandal pa patagilid, pero hindi naman mukhang naiinip. Akala niya kasi ay sa canteen na sila magkikita. "Pasensiya na," anang niya. Tumango lang si Dion at tipid na ngumiti. "Actually, hindi tayo puwedeng ma-late sa oras ng pagkain. Maraming budget, pero araw-araw ay limitado ang pagkain natin. Training iyon para matuto tayong sumunod sa oras at maging responsable." Matapos sabihin iyon ay umalis na ito sa pagkakasandal mula sa pader, sa gilid ng pintuan at naglakad. Kaagad naman siyang sumunod. Sa totoo lang ay medyo pamilyar sa kaniya ang rule na iyon, para bang mabilis niyang naunawaan. "Limitado lang din ang pagkain, kaya kapag naubusan ka, wala ka ng choice kundi ang magutom." Tumango siya. Hindi naman talaga siya nakikita nito dahil nasa likuran siya nito, sumusunod lang sa daan na tinatahak ni Dion. "Ikaw... naranasan mo na ba ang magutom?" Dala ng kyuryosidad ay naitanong niya. Dinig niya ang tipid na pagtawa nito. Bumagal ang paglakad nito kaya naman nakasabay siya. "Hindi pa... kung tungkol sa oras ng pagkain. Palagi kasi akong maaga, sumusunod ako sa oras kahit hindi halata. Kapag pagkain ang usapan, responsable ako kasi ayaw kong maubusan," biro pa nito. Napangiti siya. Natutuwa siya na totoo sa sarili si Dion. "Pero may time na... hindi ako nakakain." Humina ang pagsasalita nito, tila may inaalala. Muling naagaw nito ang atensiyon niya. "Talaga?" Nagtama ang paningin nila, awtomatiko namang nag-iwas nang paningin si Dion. "Ayos lang naman kung ayaw mong alalahanin." Halata naman iyon sa mukha nito; na may parte ritong ayaw ituloy ang kuwento. Tipid itong ngumiti, natawa pa na tila ba hindi siniseryoso ang reaksiyon. "No, okay lang. Matagal na rin naman, ten years from now." Nagpatuloy ito sa paglakad, ang mga mata ay nasa sahig ng hallway. Isang liko lang ay sumakay na sila sa elevator, silang dalawa lang ang naroon. "I was just this small that time." Inilagay nito ang palad sa ere, mababa, hanggang sa beywang nito. Awang naman ang labi niyang tinignan iyon. Kusa pang nagsalubong ang kilay niya. "Alam mo, akala ko mahirap para sa kaniya na hindi ako pakainin dahil sobrang liit ko pa noon. Kaso, nag-iba siya simula nang mabuo niya ang organisasiyong ito." Dumapo naman ang paningin niya sa kabuuan ng mukha nito nang prente itong sumandal sa elevator, tila inaalala talaga ang piraso ng memorya na iyon. "He was twenty-five and I was nine by that time. Hindi niya ako trinatong espesiyal... he let me experience that, dahil para sa kaniya sa paraang iyon ako matututo at magiging matatag. I thought that was just him being cruel, being bossy because he is older than me, but as the year goes by I realized that he was right. Nakakatawa lang minsan, kapag bastos akong sumagot sa kaniya, kapag grabe ako o marahas, galit na galit siya. E, iyon naman ang itinuro niya sa akin." Kinagat niya ang pang ibabang labi. May parte sa kaniyang alam kung sino ang tinutukoy nito, pero hindi niya naman kumpirmado. May hula rin siya kung bakit in-expect nito na itatrato ito nang espesiyal ng taong iyon... pero hindi niya rin kumpirmado. "Sino siya?" tanong niya. Nakakaloko itong ngumisi bago umalis mula sa pagkakasandal ng elevator matapos tumunog niyon, senyales na nakarating na sila sa palapag na pupuntahan. "Sino pa? Ang magaling nating lider." Hindi kaagad iyon rumehistro sa kaniya. Nang lumabas ito ay hindi rin siya kaagad na nakasunod. "Make it fast!" sigaw nito nang maiwanan siya. "Sabi ko, ayaw kong nahuhuli sa pagkain, 'di ba?" Sumunod kaagad siya, naroon pa rin sa isip ang isinagot nito. Kung ganoon ay tatlumpo't limang gulang na pala ang lider nila ngayon. Ilang lakad lang ay narating na nila ang canteen. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan. Ganito pala ang itsura... Kaagad din naman siyang sumunod kay Dion papunta sa pila ng pagkain na nagmistulang buffet nang pakiramdam niya ay naagaw niya ang pansin ng lahat matapos niyang magpakita sa pintuan. Hindi na nga iyon yata pakiramdam, talagang nakatingin na sa kaniya ang lahat. Halata naman, dahil ang iba pa nga ay nahinto sa pagsubo ng kinakain. "Dito ka." Sumeryoso ang mukha ni Dion matapos ilibot ang paningin sa lahat nang naroon. Hindi malabong hindi nito napansin kung paano siya tignan ng mga iyon. "Hawakan mo'to." Kinuha niya ang plato na inabot sa kaniya ni Dion. "Kumuha ka ng kahit anong gusto mo, sa dulo tayo uupo." Tumango siya sa sinabi nito, sinunod iyon. Alam niya naman kung bakit, mukhang iiwas sila sa mga iyon. Ngunit, sa anong dahilan naman? "Iiwas ka sa mga ganiyan tumingin." Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya. Mukhang tama nga siya. "Bakit?" tanong niya. "Dahil hindi ka nila gusto." Muli niyang inilibot ang paningin niya. Nakita niya si Ramil sa bandang gilid na nakatingin sa kaniya, nakangiti ito. "Lahat ba... ayaw sa akin?" Sinabi niya iyon nang pabiro, dahil halos lahat naman ay masama ang tingin sa kaniya, gusto niya lang talaga marinig na sana kahit may ilan lang na hindi, o kaya ay wala na lang sanang pakialam sa kaniya. "Oo." Pero... nagpakilala si Ramil sa kaniya at tinulungan pa siya. Kasama rin ito? "Sigurado ka ba...?" Ayaw niya pa ring maniwala. Nahinto sa pagkuha ng pagkain si Dion at matalim siyang tinignan. Medyo kinabahan siya roon. "Sino ba ang nagigising ng isang taon sa ating dalawa?" sarkastiko pa nitong itinanong. "Ikaw..." Sinagot niya ito kahit na naiintindihan niya naman ang nais sabihin nito. "Kaya sa akin ka makinig." Tinapos niya ang pagkuha ng pagkain nang matapos na rin si Dion at dumiretso na sa lamesang gustong upuan. "Ah-" naudlot ang sigaw niya nang nagawa siyang hatakin ni Dion patayo matapos niyang mapatid. "Sinong pumatid?!" Nagulat na lang siya nang sumigaw si Dion. Tinangka niya pa itong pigilan, pero hinila nito pabalik ang braso. "Gutom ka na siguro, Dion. Kung anu-ano nang naiisip mo, e." Tumayo mula sa upuan ang lalaking may dilaw na buhok. Ang mga mata nito ay nasa pagkain kanina. Apat ang mga ito na nasa lamesa, kasama na si Ramil na hindi makatingin sa kaniya. Napansin niya rin na nasa banda niya ang tumayong ito. "Malamang, isang taong tulog ang kasama mo, wala pa 'yang lakas, mapapatid talaga." Marahas na ibinagsak ni Dion ang hawak na plato sa kabilang lamesa, muntik pang matapon ang gatas na inilapag din nito. Napapitlag ang mga naroon sa lamesang iyon, pero hindi nagreklamo. "Dion..." anang niya. Sinubukan niyang pumigil ulit nang hilain ni Dion ang kuwelyo nito, pero sa ikalawang pagkakataon ay napaatras siya nang tignan siya nang masama ni Dion. Mukhang... hindi niya talaga ito mapipigilan. "Ano bang tingin mo sa akin, Felix? Porket wala ang lider, malakas ang loob mong gumawa ng gulo?" Matapang na saad nito. "Gulo? Nakita mo bang ako?" katwiran pa nito. "Itanong mo riyan kung may pumatid ba talaga bago ka mangharas." "Walang pumatid sa akin. Bitawan mo na," sabi niya. Nanginig ang kamay ni Dion na may hila ng kuwelyo nito, senyales ng panggigigil. Matagal pa nitong tinitigan nang mata sa mata ang lalaki na tila nambabanta bago nito tuluyang binitawan ang kuwelyo nito. Akala niya ay aalis na ito, pero nagkamali siya nang hilaing muli ni Dion ito, pero sa tainga naman. "Kilala kita, Felix." Pabulong ang pagkakasabi nito, pero hindi malabong hindi niya marinig sa lapit niya sa dalawa. "Sa oras na galawin mo ang kasama ko, ibabaon kita ng buhay sa sementeryo sa likod ng gusaling ito. Itatak mo sa utak mo, nang hindi ka ipahamak ng kayabangan at katakawan mo sa gulo." Iyon lang ang sinabi nito at binalikan na ang imilapag na pagkain at sinenyasan siyang sumunod. May banta pa siyang tinignan ni Felix bago pa siya sumunod kay Dion na narating na ang gustong lamesa at prenteng umupo roon na parang walang nangyari. Sa tapat naman siya nito naupo. "Nakita mo 'yon?" Ang mga mata nito ay nasa pagkain, bagama't nagsasalita. "Ganoong mga tao rito ang iiwasan mo. Iba ang tama ng utak niyan." Mula sa pagkakatingin sa paggalaw nito ng paglain ay ibinalik niya ang paningin kay Dion. "Bakit mo pa ginawa iyon? Baka, magalit sa'yo-" "Nakita kong pinatid ka, itatanggi mo pa kanina? Kung hindi ko ipinakita sa mga iyon na may pakialam ako sa'yo, mas lalo kang pag-iinitan dahil aakalaing wala kang kasangga. Isa pa, wala ang lider. Mas magiging madali kay Felix na gawin kahit anong gusto niya kahit pa may mga guards o bantay tayo rito." Sandali siyang natahimik. Simubukan niyang galawin ang pagkain niya para magkagana sana, pero matapos nang nangyari? Kahit gutom siya dahil hindi naman sila nag-umagahan kanina, wala pa rin ang gana niya. "Iwasan mo ang mga iyan kapag inalok kang gawin ang tradisiyon na i-initiate nila sa'yo." Napako ang paningin niya kay Dion matapos sabihin iyon. "Tradisyon?" anang niya. "Totoo ang tradisyon nila para sa mga bagong inuuwi rito ng lider, pero hindi ko naranasan dahil nauna ako sa mga iyan, kay Felix. Ewan ko kung bakit nila ginagawa, pero kapag hindi ka sumunod, titirahin ka nila kung saan ka pinaka mahina, o kung ano ang kahinaan mo." Umawang ang labi niya. "Anong gagawin?" Nagsalubong ang kilay nito, naiinis. "Bakit interesado ka? Kasasabi ko lang, iiwasan mo. Hindi mo gagawin kaya hindi ko kailangang magtanong na para bang gusto mong maghanda." Gusto niya lang namang malaman, tutal ay interesado na siya. "Nakikinig ka ba?" anang pa nito nang makitang lumihis ang oaningin niya rito matapos nang sinabi nito. "O-oo..." sagot niya. "Review." Nagpatuloy ito sa pagsandok sa kinakain. "Anong gagawin mo kapag initiate sa'yo ang tradisyon?" "Wala..." anang niya naman. Para siyang bata sa pinapaasta nito sa kaniya. "Kulang, dagdagan mo ng, tatakbo kay Dion." Nagsalubong ang kilay niya. Natawa naman ito na tila ba nagbibiro lang. Tinapos na lang nila ang pagkain habang patuloy sa pagkukuwentuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD