Gagawin ko ang lahat para maibalik ang mga nawala kong alaala. Alam kong mayroon pa akong kailangang gawin, kaya matapos nang nangyari sa akin ay heto pa ako, nabubuhay. Malaki... ang magagawa ng mga nawala kong alaala. Sa bagay na iyon lang ako sigurado. Pero... paano kung mahuli na ang lahat. At alam kong hinding hindi ako seseryosohin ni Erena, hangga't alam niyang hindi ako nakakaalala. Noong unang beses kaming mag-usap, doon ko naramdaman ang kakaibang pakiramdam na hindi ko naramdaman sa tuwing makakausap o makakasama ko ang iba, ang mga nauna kong nakasalamuha simula nang magising ako. Nang makita ko ang mukha niya, hindi pumasok sa isip ko na pamilyar ang mukha niya, ang boses niya, kahit ang kilos at pananalita niya. Pero... tila may iba sa kaniya, na nagsasabi sa puso ko na

