I don't know how me and Travis exactly meet again. All that I could remember, it was a fine night, galing ako sa loob ng isang bar na madalas kong puntahan at katitila lang ng ulan kaya naman nang kompletong makalabas mula roon ay binalot kaagad ako nang malamig na paligid. Nilingon ko ang kaliwa at kanan ko para makita ang nangyayari sa paligid. Medyo tahimik na ngang talaga dahil halos magmamadaling araw na. Nagtipa ako sa cellphone ng text message para sa driver ko, hinintay na mabasa ito para maihatid na ako pauwi, gusto ko na ring magpahinga. Bahagya pa akong tipsy at medyo pagod din ang katawan dahil masyado yata akong sumayaw. I enjoyed the party, and I got nee friends. "Hindi ka pa uuwi, Erena?" Someone asked me. Nang lingunin ko ito, si Lincoln ang nakita ko, kasama ang kasin

