Lahat ng tao, lumalaban para mabuhay. Hindi niya maintindihan kung bakit. Nabubuhay lang naman si Erena, dahil hindi niya pa oras, sa tingin niya. Mas nagkaroon nga lang iyon ng saysay nang malaman niya na ang dahilan kung bakit buhay pa rin siya. Human instinct daw ang tumakbo sa trahedya, sa kamatayan, kahit na hiniling mo pa ito. Ang mga tao ay parang mga hayop, lalaban para mabuhay. At ang kagustuhang mamatay, ay hindi na kagustuhang mabuhay sa kung ano ang humiling niyon ngayon. Magulo ang utak ng mga tao. Pero kung ibabase sa totoong nakikita ng kaniyang mga mata, kung papipiliin ang mga ito, pero o buhay, ang buhay ang pipiliin. Aanhin mo ang pera kung wala nang buhay? Opisyal na natapos ang interview para sa nga nag-apply. Nang makauwi ang mga ito ay 'tsaka lang siya nakak

