49

3202 Words

HINDI man malinaw ang rason kung bakit ayaw ni Kelsey kay Erena, basta sigurado siyang hindi niya ito gusto. Kahit na ano pang istorya ang sabihin ng mga magulang niya tungkol dito para lang magustuhan niya ito bilang kapatid, o baka naman para maawa man lang siya. Kagagaling niya lang sa eskuwela. Madalas na nauunang umuwi si Erena sa kaniya dahil hindi naman ito pala-aral kagaya niya, hindi ito nag-s-stay sa ibang lugar para mag-group study at hindi rin naglalaan nang oras para tumambay sa library. "Wala pa 'yung isa?" tanong niya sa kasambahay. "Wala pa po," sagot naman nito. "Ang alam ko po, sa lunes, alas dos pa lang umuuwi na si Miss Erena." Tumango siya, aakyat na sana sa hagdanan nang marinig ang pagtunog ng telepono sa bahay nila, na bihira talagang mangyari. Para saan ba ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD