ANG galit na nararamdaman ni Erena matapos sabihin iyon kay Skyler ay dumoble. Kulang pa iyon. Hindi niya pa nasasabi rito ang lahat, lahat ng sakit at puot na naraaramdaman niya at ang mga pinanggagalingan ng mga salitang iyon. Kaagad niyan pinunasan ang luha na tumulo saa mga mata niya. Sa totoo lang, ayaw niya na ng pakiramdam na umiiyak. Ayaw niyang nagmumukhang miserable at mahina. "What? You don't believe me?" anang niya nang hindi magsalita si Skyler. Mula sa paraan ng pagtingin nito ay alam niyang naroon ang simpatya sa nararamdaman ngayon, pero bukod doon ay wala na, kundi pagtataka at pagiging mukhang walang alam sa sinasabi niya. "H-hindi ko alam ang eksaktong nangyari, pero... humihingi ako ng-" "Wala akong pakialam kahit na totoo ngang wala kang naaalala. I just want yo

