29

1657 Words
MASAMA ba ang mangarap? Masama bang mapasaya ang sarili sa mga panahong hindi pa kaya? Para sa iba, walang kabuluhan iyon, pero para kay Skyler... ang pangangarap ang nagtutulak sa kaniya na mas matatag pa sa bawat hamon ng buhay, para matupad niya iyon at para maabutan niya pa. Dahil ang buhay ng tao... ng mga mortal ay hindi naman pang habambuhay. Hiram lang ang buhay, kukunin iyon kung kailan Niya nanaisin. "Anong... ibig mong sabihin, Commander?" Napahinto sila mula sa pagtakbo. Hindi man nagsalita ang Commander nila ay tila ba nalaman niya na ang sagot sa ekspresiyon ng mukha nito. Hindi na darating ang inaasahan nito. "Ipinagkatiwala ko... ang bagay na iyon kay Santos." Naroon ang lungkot sa boses nito. Hindi niya alam kung paano dadamayan ito. Masiyado nga sigurong nagtiwala ang Commander sa kanang kamay nito na si Santos pagdating kay Erena. Hindi naman masama ang magtiwala, hindi kasalanan ng Commander iyon... ayaw niya mang sabihin, ang mga bagay na nangyayari ngayon ay kaakibat nang kung anong ginawa mo sa kahapon. At kung may ikalulungkot man siya at ikakahinayang, iyon ay ang pagkakaibigan ng dalawa na natapos sa hindi magandang paraan. "Dapat ay hindi na lang ako nagmatigas..." Dinala nito ang kamay sa nagdurugong sugat sa balikat. Unti-unti ring namula ang gilid ng mga mata nito, senyales ng pagpatak ng luha at nangyari nga. "Sana ay hinayaan ko na lang siya na bilhin ang lupain ko, sana itinakas ko na lang si Erena nang maramdaman kong may kakaiba na-" "Hindi ka pa rin nagbabago, Commander!" Hinila niya ito sa pinaka malapit na puno nang maramdamang malapit na ang mga humahabol sa kanila. "Palagi mo pa rin sinisisi ang sarili mo, Sir. Hindi mo ginawa ang mga naisip mo kanina dahil alam mo rin mismong hindi madali. Narito na tayo, kaya ipagpatuloy na lang natin ito, Commander. Ikaw ang commander-in-chief, Commander. Huwag mong kalimutang ipakita sa kanila... sa amin." Halos sabay-sabay silang mas napatago pa sa puno nang dumaplis ang ilang mga bala na malapit sa mga punong pinagtataguan nila. Kaagad niyang tinignan kung maayos lang ba si Catalina. Tahimik lang itong nakatago sa puno, tila lumilipad ang isip, ngunit nakikinig. Bigla na lamang natawa ito. Hindi niya maintindihan. Ano ang nakakatawa sa sinabi niya? Sinubukan niyang sumilip sa pinanggalingan nila. Mukhang nakatago na rin sa 'di kalayuang mga puno ang mga kadete. "C-commander?" Nagbalik siya ng paningin sa Commander nang hindi pa nagpaputok ulit ang mga nakatagong iyon. "Noong unang ilahad sa akin ang mga trainee at nang i-examine ko kayo gamit ang aking mga mata, isa ka sa mga naisip kong mahihirapan sa training. Hindi ka mukhang malakas, Liu. Akala ko ay isang kalabit lang sa'yo ay iiyak ka, pero mali pala ako." Umawang ang labi niya. Hindi siya makapaniwalang napapansin na pala talaga siya ng Commander nila. "Kulang pa ang kaalaman mo sa field na pinasok mo kahit ika mo ay ikalawang training mo na ito, pero ang lamang mo sa lahat ng mga narito ay hindi ka takot lumaban kapag alam mong nasa tama ka, mautak ka. Iyon ang kalakasan mo, na sa tingin ko ay hindi pa talaga sapat kung gusto mong manatili sa propesiyon na ito." Napayuko siya. "Sinabi ko noong nakaraan lang na wala akong paborito, pero ngayon, masasabi kong ikaw ang paborito ko, Liu. Maraming, maraming salamat. Isa kang regalo para kay Erena... at buo na ang tiwala ko sa'yo para sa anak ko. Kung mawawala man ako-" "Commander!" kaagad niyang pintol ito sa pagsasalita, ngunit hindi naglaho ang ngiti nito, tila tanggap na kung ano pa man ang maaaring mangyari. "Marami nang dugo ang nawala sa akin. Konti na lang... bibigay na ang katawan ko, pero huwag kang mag-alala, hindi ka mawawalan ng katuwang hangga't hindi ko nasisiguradong maayos ang anak ko at ang lahat ng mga nadawit dito." "Commander..." Pinigilan niya ang pangingilid ng mga luha niya. "Kailangan pa nating maitawid si Erena." Pinigilan siya nito. Nanatili ang paningin niya sa Commander na kahit nanghihina na ay pilit pa ring dumungaw sa puno para tignan ang mga nag-aabang sa kanila. "Nandito kayo para mag-ensayo sa pangunguna ko!" Nagulat siya na iyon ang lumabas sa labi nito. "Habang nasa ensayo, wala kayong ibang susundin kundi ako. At sa ginawa ninyong pagsunod sa iba, nalalagay na ang buhay ninyo sa kamalian!" Umalingawngaw ang katahimikan matapos nitong sabihin iyon. Talaga bang... sinusunod siya ngayon ng Commander nila? At habang pinapanood niya ito, hindi niya mapigilan ang paghanga. Gusto niyang... maging kagaya nito kung hahayaan man siya ng mundo. Maging sundalo, maging leader na alam kung ano ang tama at mali. "Commander! Ang itinatago mo ay ang kinakatakutan ng buong lalawigan natin!" anang isa sa mga iyon. "Kung may dapat man kayong katakutan, iyon ang hindi pag-alam sa kung ano ba ang kinatatakutan ninyo. Labas na kayo sa kung ano ang anak ko, hindi niya kayo inagrabyado, hindi niya kayo minsan man ginawaan nang masama. Mas may karapatan pa si Erena na matakot, kaysa kayo na kayang gumawa ng mali nang hindi pinag-iisipan." Nagbaba siya ng paningin. Masakit sa dibdib. Mahirap ipaliwanag sa lahat kung ano si Erena, imposible, pero kung totoong pinapahalagahan mo ang isang bagay, gagawin mong posible. Iyon ang ginagawa nila, mahalaga si Erena. Muling namutawi ang katahimikan sa pagitan nila. "Isa sa mga dahilan na narito kayo, ay dahil gusto kong turuan kayo sa kung sino ang taong dapat lang ninyong sinusunod. Hindi ang mga nasa itaas lang ang dapat ninyong pagbatayan, ang mga sundalo ay para sa taong bayan, ang anak ko ay kasama rin roon... kahit na sa paningin ninyo ay iba siya." Commander... Natawag niya na lang ito gamit ang utak niya habang pinapanood kung paano nitong iniinda ang tama ng bala. "Ang mga sundalo, isinasabak sa giyera para sa kalayaan. Ngayon, hindi bilang Commander na dapat ninyong sundin, ngunit bilang isa rin sa mga mamamayan na paglilingkuran ninyo sa darating na panahon, hinihiling kong ibigay niyo na rin sa amin, lalong-lalo na sa anak ko ang kalayaan na nararapat para sa kaniya." Unti-unti nang kumalma ang boses ng Commander. At alam niyang sa likuran nila, ay naroon ang mga kadete, nakikinig. Hindi niya alam kung ano ang reaksiyon ng mga ito sa katahimikan na ibinibigay, pero sana... sana naiintindihan nila. "Inosente si Erena," pagtapos nito. Tila narinig niya ang huni ng mga ibon sa ilang segundo na katahimikang ibinigay ng mga ito. Ngunit ilang sandali lang... "Sumaludo kayo sa Commander!" Isa sa mga iyon ang sumigaw. At nang lingunin niya ang likod ng kinatataguan nila, lumabas na ang sumigaw na iyon at sumaludo. Ilang sandali lang ay isa-isa nang lumabas ang lahat ng mga kadete sa kinatataguan. Sumaludo sa Commander na unti-unti nang tumatayo. Marahan siyang tumayo na rin at lumabas sa kinatataguan, ganoon na rin si Catalina na naroon din ang paningin. Nakakakilabot ang nasaksihan niyang iyon. Isa sa mga bagay na hinding hindi niya makakalimutan sa paglipas ng panahon. At hindi siya nagkakamali. Hindi siya nagkamali sa pagtitiwala sa awtoridad na mayroon ang isa sa mga sundalong pinaka tinitingala niya na ngayon. Kasabay ng pangyayaring iyon ay ang paglakad ng hangin sa himpapawid... at sa ilang sandaling iyon ay narinig na rin nila sa wakas ang tunog na matagal na nilang inaasahang dumating. Ang helicopter... Inilibot niya ang paningin sa mga kadete, nang hindi makita ang hinahanap ay tumingin naman siya sa gilid at likuran ng mga ito. "Where is my Dad...?" Ang bulong na iyon ni Catalina ang nagbigay ng panibagong takot sa kaniya at alam niyang maging ang Commander, mula sa pagkakasaludo ay alam na rin kung ano ang laman ng isipan niya. NAGTITIWALA si Erena kay Skyler. Sigurado siyang tutuparin nito ang pangako, magkaroon man ng biglaang trahedya, susuong ito, matupad lang ang ipinangako sa kaniya. "Erena, hold my hand." Si Louie iyon na inilahad ang kamay sa kaniya. Nasa harapan na sila ng pinaggagalingan ng tubig ng talon, malakas ang agos nito, hindi basta matatawud kung hindi tutungtong sa ilang mga bato na nakakalat. "Bilisan natin, baka maabutan pa tayo rito," si Travis. Ito naman ang umaalalay kay Manang Tessing. "Konting tiis na lang, Erena." Sa kabila ng takot ay ngumiti pa ito sa kaniya para lang mabawasan ang takot na nararamdaman niya. Pero... hindi niya maiwasang hindi isipin kung ano na ang nangyayari roon, lalo na sa tunog ng mga baril na naririnig nila habang patuloy ang kanilang pag-usad. "Kailan daw ba darating ang helicopter na sinasabi ni Commander?" si Travis. "Darating pa ba 'yon?" "Don't be pessimistic, Travis. Hindi nakakatulong," si Louie na sinagot naman ito. "Hindi ako nagpapaka-negatibo, nagiging reyalistiko lang ako, para kung hindi man, makahanap tayo ng iba pang paraan para maitago si Erena o mailayo sa lugar na ito." "Tama na, tama na." Pumagitna na si Manang Tessing. "Parepareho kayong may punto, kaya walang magandang patutunguhan ang sagutang ito. Hintayin na lang natin ang pinapahintay, kapag dumating na rin si Skyler at ang Daddy ni Erena, 'tsaka tayo kikilos." Sa wakas, sa ilang hakbang at pagtalon na ginawa nila sa ibabaw ng mga bato, natawid na rin nila ang katubigan... at sa puwestong ito, hihintayin nila ang helicopter. "Paano kung iba ang dumating?" si Travis. Nahinto ang putukan sa pinanggalingan nila, ngunit kasabay rin niyon ay napabitaw siya sa kamay ni Louie nang makita ang mga paparating. Hindi... Hindi ang mga ito ang dapat na nasa harapan nila ngayon. Hindi ang mga ito ang hinihintay nila. Kaagad na naalerto si Louie at si Travis, hawak ang mga baril, itinutok sa mga natitira pang tauhan ng Governor at kay Romulo, anim, laban sa dalawa. "Wala na kayong tatakbuhan," ang Governor na nangunguna sa mga ito. "Tapusin na natin ito." Mali siya... hindi anim lang... Dumating ang mga bagong mukha sa senaryo, kapwa naka-uniporme nang kagaya sa mga tauhan ng Governor. "Hayop... may back-up." Tuluyan nang bumakas kay Travis ang takot. Dalawampu... dalawapu na ito laban sa dalawa. Skyler... nasaan ka na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD