28 (Part 2)

1354 Words
HINIGPITAN niya ang pagkakakapit kay Erena nang maramdaman ang panginginig nito matapos ang pagsabog. Mabuti na lang at naging maagap din siya sa pagsalo rito nang manghina. Oo nga pala... halos makalimutan niya na ang ginawa ng mga ito sa kakambal ni Erena. "Erena..." Tangka niyang pupunitin ang suot na t-shirt pang-ilalim sa kaniyang uniporme nang pigilan siya ni Erena, nahinuha marahil napagtanto ang tinutukoy niya. "Kailangan nating makita kung okay lang si Daddy-" Kaagad niyang hinatak pabalik si Erena nang muling magtangkang bumalik. "Erena, hindi puwede." "P-pero..." Hindi nagtagal ay naaninag na nila ang pagtakbo ng ttalong bulto, nagmamadali, hinihingal. ngunit pursigidong makalayo. Bakit... tatlo lang? Si Travis, Louie at Manang Tessing lang iyon, walang bakas ng kanilang Commander. Nang matanaw sila ng mga ito, ni Travis ay kaagad itong sumeniyas na tumakbo, ngunit tila nakapako ang mga paa niya, hindi puwede. "Skyler! Ano pang tinatanga mo?! Takbo!" si Travis. "Erena!" Halos sabay pang anang ni Manang Tessing at ni Travis. Hindi pa nagtagal ay naabutan na sila ng mga ito, ngunit kasabay niyon ay ang pagkalat ng sunod-sunod na putok ng mga baril galing doon. Ibig sabihin... nakarating na ang mga kasamahan nila, ang mga kadete na nagpapakawala ng mga bala. "Let's go!" si Louie na nagtangkang tangayin si Erena. "No... no! Wala pa si Daddy, Louie!" kaagad namang tumutol si Erena. "Your Dad, he's covering up for us! Darating siya Erena, kaya tara na!" "Hindi ako sasama hangga't hindi ko nakikita si Daddy!" Naroon ang takot sa boses nito. "Sa ganitong sitwasiyon hindi na dapat matigas ang ulo mo, Erena!" si Travis iyon. "Nagpapakahirap doon si Commander para mailayo ka, ngayon sasayangin mo pa ang pagkakataong inilalaan niya para sa'yo?!" "Ako na, Travis." Kaagad siyang umabante. Naiintindihan niya si Travis, pero alam niyang hindi makikinig si Erena sa ganitong paraan. "Erena, sumama ka na sa kanila. Ako na ang bahala kay Commander." Mas nadagdagan ang takot sa mukha ni Erena, iiling-iling ito, ngunit kahit papaano ay tinubuan ng pag-asa ang mga mata. "Skyler..." tawag pa nito sa kaniya. "Babalik ako. Babalik akong kasama si Commander, pangako." Inilagay niya ang magkabilang kamay sa magkabilang bahagi ng ulo ni Erena at bahagya itong hinapit papalapit sa kaniya, matapos ay marahan na hinalikan siya sa ulo. "Naiintindihan mo ba ako?" Labag man sa loob ay tumango ito sa kaniya. Nagpatuloy naman ang pagputok ng mga baril. "May darating na helicopter sa kabilang gilid ng talon, kailangan niyong maabutan iyon bago pa marinig ng mga iyon ang tunog. Kailangan niyon maksakay, o makaalis kaagad sa oras na dumating iyon-" "Are you crazy?" si Louie. "We already lost John, now you are telling us to leave without you and uncle? They will kill you!" "Mas madaling umalis sa gubat na 'to, kung kami lang ng Commander ang maiiwan. Na kay Erena lang ang focus nila kay Erena lang din tayo mag-focus." "Tama si Skyler, kailangan na nating maalis sa lupang ito si Erena bago pa tayo maabutan. Skyler, move!" Tumango siya, kasabay niyon ang pagtakb ng mga ito, naging alanganin pa si Louie sa pagtakbo, ngunit inalalayan na rin si Erena palayo, habang ang mga mata naman nito ay nanatiling nakasunod sa kaniya hangga't hindi sila nawawala sa paningin ng isa't isa. "Skyler!" si Erena. Dahil doon ay kapwa napahinto ang mga ito habang nanatili siyang nakatayo sa puwesto niya mula kanina. "Mag-iingat ka!" Nagtubig ang mga mata niya, hindi niya na nakagawang magsalita o sagutin man lang iyon, kundi sumaludo. At doon niya ipinangako sa sarili niyang mag-iingat siya. Tumalikod lang siya mula roon nang mawala na ang mga ito sa paningin niya. Inayos niya ang pagkakahawak sa baril na nakuha mula kanina. Handa na sana siyang umalis at lumaban nang mula saa likuran niya ay makarinig siya ng kaluskos. Mabilis pa sa alaskuwatro niyang nilingon ang likuran niya, habang nakatutok ang kaniyang baril nang makita niya ang isang tao na isa sa mga hindi niya pinakainaasahang makita. Unti-unti niyang naibaba ang hawak niyang baril, awang ang labing nakatingin dito. Anong ginagawa nito rito sa gitna ng delubyong ito? "Catalina..." tawag niya rito. Kaagad niyang tinignan ang likuran nito para makasiguradong wala na sila Erena, ngunit nang ibalik niya ang paningin kay Catalina, ibang ekspresiyon na ang ibinibigay nito. "Hindi ka dapat nandito, Catalina. Delikado rito ngayon!" Akma sana siyang hahakbang para alisin ito nang pahintuin siya ng salita nito. "Siya ba talaga ang gusto mo, Skyler?" At sa mga segundong ito ay unti-unti nang lumalakas ang putok ng mga baril, indikasiyon na malapit na iyon sa kanila. At ano ang... "Yes, I have seen everything. I have seen the girl that you like, you love... but why? Bakit siya, Skyler?! Bakit hindi na lang normal na tao?! Why?!" Sumabog ang emosiyon nito kasabay ng sunud-sunod na pagpatak ng mga luha. At inaamin niyang hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin o sabihin. "Catalina.. hindi ito ang tamang oras para rito." "E ano ba dapat, Skyler?!" Tinignan niya ang likuran niya upang makumpirma na wala pa ang mga kalaban. "Pagdating sa akin, palagi kang walang oras! This would be the last time that I will interact with you, so if you still have a heart can you just answer me!" Nasundan iyon ng sigaw ni Catalina nang lumapit na sa kanila ang putok ng mga baril. Sa bilis na kaya niya ay hinila niya ito sa pinaka malapit na puno para magtago. "Ano ba?!" sigaw nito, iritable. "Kung drill lang ito para sa training niyo, huwag mo na akong idamay! You are always avoiding every questions that I want to ask and you will left it unanswered!" "Catalina, hindi ito laro. Totoo ang nangyayari ngayon." Pinilit niyang pakalmahin ang boses niya. Ngunit wala pa sa mukha ni Catalina na naniniwala ito sa kaniya. "Narito ang tatay mo, para kunin si Erena." Mula sa galit na mga mata nito ay napalitan iyon ng gulat. "What the hell are you saying?" Ngunit natigilan din ito, halatang nag-iisip, saglit na nag-isip. Kaagad niyang hinapit si Catalina pabalik sa puno nang mapansin niyang hindi na ito nakatago. "Hindi alam ng Governor na nandito ka?" tanong niya. Kaagad namang umiling si Catalina. "N-no... I just... just found a map in his office. Y-you are not lying-" Hindi pa natatapos ni Catalina ang nais sabihin nang tumama na ang mga bala sa mga puno. "Oh my gosh!" Bumakas na nang tuluyan ang takot sa mga mata nito. "Kung hindi alam ng Governor na narito ka, delikado ka rito, Catalina." "B-but... I will... I will tell my Dad to stop this chaos!" Akma itong aalis nang hilain niya ito pabalik sa pagkakatago sa puno, muli na naman silang muntik tamaan ng mga bala. "Kailangan mo nang umalis dito..." Bumagal ang pananalita niya nang may mapagtanto, kaagad niyang inilibot ang paningin. Tama siya, nakita niya si Korina. Magkasama nga ang dalawa kagaya nang hinala niya. "Umalis na kayo rito." "B-but... My Dad! How about my Dad?! Don't shoot him!" Napapikit siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil malabong hindi mangyari 'yon, depende sa kahahantungan nito. Mula sa pagkakatingin niya sa dinaanan nila ay nakita niyang tumatakbo patungo sa kanila ang... "Commander!" Hindi niya maipaliwanag ang saya na naramdaman nang makita ito. "Takbo!" sigaw nito. Kaagad siyang sumunod hila-hila si Catalina na lumilingon pa rin sa pinaggalingan nila. "Nasaan na sila, Commander?!" Hirap mang magsalita dahil sa pagtakbo ay itinanong niya. "Malapit na!" Alanganing sinabi nito. "Sa totoo lang ay hindi ko nakita! Nagtapon ng dinamita, nawala ang mga iyon sa paningin ko!" Nagpatuloy sila sa pagtakbo, bahagya nang humihina ang putok ng mga baril. "Nasaan na si Erena?! At bakit hawak mo ang anak ng hayop na iyon?!" Galit na galit ito. Humigpit ang kapit ni Catalina sa kaniya. Nasasaktan ito na marinig marahil na pagsalitaan ang Ama niya nang ganito, ngunit alam din nito na mali ang Ama niya kaya hindi makatutol. "Papunta na sa lalapagan ng helicopter, Commander!" Bumagal ang pagtakbo nito, tila may naisip. "Wala pa?!" "Wala pa po, Sir!" sagot niya. "Hindi puwede..." Halos sabay silang natigilan. "Kanina pa lumagpas ang oras na sinabi ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD