"Akala ko ba, hindi mareresolba ng p*******t?" si John na nagmamaneho. Nagtama pa ang mga mata nila sa salamin sa unahan ng kotse. Sa totoo lang ay hindi inaakala ni Skyler na magiging masakit ang ginawa niyang pagsapak sa lalaki. Mahirap pala kapag hindi napipigilan ang galit, nakakagawa ng bagay na akala ay hindi kayang gawin. Palihim niyang hinimas ang nasaktan niyang kamao. Pauwi na sila galing sa party ni Erena. Sinigurado muna nilang hindi na makakatakas ang lalaki at madadala ngang talaga sa presinto bago umalis. Nagpasalamat din sa kanila ang mag-asawang Lopez, pero hindi si Erena. Tila ba galit pa ito na iniligtas nila ang buhay nito. "Kailangan nating bantayan kung ano ang mangyayari sa lalaking iyon," si Dion. Nasa unahang parte ang dalawa, sa shot gun seat si Dion at sa p

