15

2246 Words
SA ISANG sikretong silid ay naroon si Erena. Wala mang nararamdaman dahil sa anesthesia, alam niyang malala ang ginawa niya. Muntik ng mamatay ang isa sa mga ito. At naisalba ito ng Tita Meldie niya. Isang doktor at siyentista na matalik na kaibigan ng ng Mommy niya noong nabubuhay pa ito. Nasa labas ang Daddy niya kaya naman silang dalawa lang ang naiwan sa loob. Ngayon ay nakaupo siya sa kama nang matapos gamutin habang nakaharap naman sa kaniya si Meldie. Napabuntong-hininga ito, puno ng simpatiya ang mukha. "Bakit mo naman naisip gawin 'to, Erena?" Panimula nito. "Hindi ba't ilang ulit ko nang ipinaliwanag na ang mga kakambal mo ay konektado sa'yo? Kung anong mararamdaman nila, mararamdaman mo rin-" "At kung mamamatay sila, mamatay rin ako." Siya na ang nagdugtong doon. Walang nagawa ito kundi masapo ang noo. "Erena... pakiusap naman. Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman ganito?" "Tita, gusto kong maging normal." Nagtubig ang mga mata niya, pero nagawa niyang pigilan ang sarili na umiyak. "Ayoko na ng ganito... Kahit mamatay pa ako, alisin mo ang mga kakambal ko sa katawan ko-" Hindi niya na naituloy ang sanang sasabihin nang marahas siyang hawakan nito sa magkabilang braso, tila ginigising ang diwa niya. "Ayoko na sa mga kakambal ko..." Napapikit ito, pinahid ang luha na lumandas sa pisngi bago siya hinagkan. Ngunit wala siyang ibang maramdaman kundi pagkasuklam sa sarili. TILA pinagbagsakan siya ng langit nang marinig ang sinabi ni Santos. Nanlamig siya sa kaba at takot. "Hindi gagawin ni Erena iyon," anang niya. Nang magsimula na siyang maging aligaga at subukang makapasok sa gate ng mansiyon ay kaagad siyang hinila pabalik ni Santos. "Gusto mo bang pasabugin ni Commander ang bungo mo ora mismo, Liu?!" "Kailangan kong makita si Erena-" Natigilan siya nang dumapo ang kamao nito sa mukha niya. "Anak ng, Liu! Ano ba? Buhay mo kapalit sa pakikipagkita kay Erena! Nahihibang ka na ba?!" Pinunasan niya ang panibagong dugo sa labi. Ito ang ikalawang beses na nasapak siya ngayong araw. Ni hindi niya nagawang tumayo kaagad dahil sa pagkabigla, sa pag-iisip. "Dahil sa'yo kaya nagkaganon ang anak ni Commander, kaya kung may takot ka para sa sarili mo at kahit delikadesa, uuwi ka na. Huwag mo ng mas paguluhin ang lahat, Liu. Pakiusap." Iyon lamang ang sinabi nito at pumasok na sa loob. Bahagya pa siyang nilingon nito, dismayado na may halong awa. Ayaw niyang umalis. Nangingibabaw ang kagustuhan niyang makita si Erena, gusto niyang makausap si Erena, kailangan niya, pero tama si Santos. Siya nga ang dahilan... hindi ito makikinig. Paulit ulit niyang sinuntok at sinipa ang mataas na pader ng gate, hindi iniinda ang sakit at ang namamaga ng kamao. Huminto lamang siya nang may humila sa kaniya palayo sa pader. Sabay silang natumba. "Skyler!" Pabulong man ay naroon pa rin ang tensiyon sa boses ni John. "Ano bang naiisip mo?! Parang awa mo naman na, huwag mong gawin sa sarili mo 'to." "U-umalis ka na..." Pinilit niyang patapangin ang boses niya. "Kung ayaw mong madamay, umalis ka na!" "Shh!" Tinakpan nito ang bibig niya. "Tangina, ano ba?!" "Pabayaan mo na ako!" Pinigilan niya ang paghikbi, muling bumangon, tinakbo ang patungo sa gate. Ngunit ganoon din siya kabilis na nayakap sa likod ni John at muling naitumba na kasama ito. "T-tama na, Sky... Tama na..." Umiling siya. "Kailangang marinig ni Erena ang sasabihin ko, John. Ngayon na lang ulit ako makikiusap. Pabayaan mo na ako." "Tangina? Pabayaan kitang mamatay? Gago ka ba?!" "Putangina naman! Ano ba?!" Para silang nababaliw na pareho. "Tangina naman!" Pabato siyang itinulak ni John para maalis siya sa pagkakadag-an dito. "Gusto mong mamatay?! Sige, isama mo ko!" Parehas silang natahimik. Naghahabol ng hininga. Nang bumalik siya sa ulirat ay muli niyang tinakbo ang gate, inakyat iyon. "Skyler!" Hindi niya pinakinggan si John na humahabol sa kaniya, hindi makaakyat. Nagtuloy siya sa loob, sa hardin bago ang mansiyon, ngunit wala pa man siya sa loob ay napahinto na siya nang makita ang bultong humarang sa kaniya. "C-commander..." "Liu." Huminto ito nang magkapantay at magkaharap na sila. "Commander!" Mula naman sa likuran nito ay humahangos na dumating si Santos. "Liu! Sinabi ko nang-" Naestatwa siya nang marinig ang pagkasa ng baril nito at ang pagtutok niyon sa kaniya. "Commander, kumalma ka. Pakiusap..." Sinubukang lumapit ni Santos, ngunit nahinto rin nang makita ang akma nitong pagkalabit sa gatilyo. Imbis na matakot ay nagawa niya pang umabante. "Anak ng, Liu!" "Skyler!" Nahinto naman sa likuran niya si John, tila nakita na ang pagtutok sa kaniya ng baril ng Commander dahil sa mahina nitong pagmura. "Tatanggapin ko ang bala na 'yan, Commander." "Liu!" "Skyler, ano ba?!" Pigil kaagad ng mga ito. Nanatili namang walang imik ang Commander na matalim ang pagkakatitig sa kaniya, nanginginig ang kamay na may hawak sa baril; galit, nanggigigil. "Tatanggapin ko kung hahayaan niyong makausap ko si Erena-" Mas napatago pa si John nang marinig ang pagputok ng baril ng Commander sa malapit sa paanan niya, sinadya siyang hindi patamaan, ngunit hindi siya kumibo. "Hayaan niyong masabi ko muna ang mga dapat kong sabihin kay Erena, Commander-" Bahagya siyang napapiksi nang maramdaman ang bala na dumaplis sa tainga niya. Kasabay niyon ay ang pagmura ni Santos at John na nakayuko na ngayon, hawak ang magkabilang tainga. Marahan niyang pinunasan ang tumutulo sa gilid ng tainga niya. Dugo. Muling ikinasa ng Commander ang baril. Tama. Hindi niya ito kilala... kayang kaya siyang patayin nito, higit pa sa inaakala niya. "D-daddy!" Ngunit naudlot ang lahat sa paglabas ni Erena sa mansiyon. Kasunod nito si Manang Tessing at ang isang may katandaang babae na tila pinipigilan ito sa pagsama sa gulo. At hindi niya alam kung mabubuhayan ba siya ng loob o mas magpapalamon sa kirot ng dibdib nang sa malamig na paraan lang siyang tignan ni Erena nang magtama ang mga mata nila. "Tama na po..." Ibinaba nito ang braso ni Commander. Kasabay naman niyon ay ang pagtutubig ng mga mata niya... sa wakas... nasa harapan niya na si Erena. "Anong ginagawa mo rito?" Kalmado man ay mararamdaman ang galit sa boses ni Erena. "Umalis ka na, Skyler." Lahat ng paningin ay natuon sa kanilang dalawa. "G-gusto kitang makausap, Erena." "Pero hindi ko gustong makinig." Pakiramdam niya ay nabingi siya nang sa labi mismo nito manggaling iyon. "Ayokong pakinggan ang mga kasinungalingan mo, Skyler. Umalis ka na at tapusin mo ang ensayo nang hindi ka na nagpapakita sa akin hanggang sa mawala ka rito. Mas gugustuhin kong iyon ang gawin mo, kaysa magpaliwanag. Dahil sa susunod, hindi na ako papagitna kapag nangyari 'to ulit sa'yo." Bumaling si Erena sa Daddy nito. "Tara na po... Pumasok na tayo sa loob." Nagtagal pa ang matalim na titig sa kaniya ng Commander bago ito nagpaakay kay Erena papasok sa mansiyon. Nang maglaho sa paningin nila ang mag-ama at ang mga kasama sa bahay nila Erena ay 'tsaka lumapit sa kaniya si John. "Skyler..." Hinawakan pa nito ang balikat niya, bilang pakikiramay. Sa bawat araw na lumilipas ay ang mga salita lang ni Erena ang nagpaulit ulit sa isip niya, ang malamig na titig nito at ang pagtalikod sa kaniya. "Espesiyal nga si Erena sa'yo..." Habang pahinga sa ensayo ay nilapitan siya ni John. Hindi siya nagsalita. Ilang araw na rin siyang walang ganang kumilos, mahirap kausapin. "Ang weird." Tinignan niya nang masama si John na kaagad na nagtaas ng kamay, tila sumusuko sa pulis. "T-teka, hindi ko sinabing si Erena ang weird." Binalik niya ang paningin sa mga baril na naroon sa lamesa. "Kasi naisip ko lang... ang ganda ganda na ni Catalina, nasa kaniya na ang lahat, pero mukhang iba pa... nagustuhan mo." Natigilan siya. Gusto? Nagustuhan? "Maganda rin si Erena, mas maganda." Pabirong tinapik ni John ang balikat niya. "Pero seryosong tanong, Sky. Anong nakita mo kay Erena na wala kay Catalina?" Napailing siya. Hindi niya talaga gusto ang nagkukumpara. "Kasi... iniyakan mo pa si Erena. Nakita mo noong gabi na pumunta tayo sa mansiyon nila Commander kung paano ka niyang trinato, 'di ba? Nasaktan mo nga siguro siya nang sobra. Malalim magalit ang mga taong mababait." "Busilak ang puso ni Erena, iyon ang gusto ko sa kaniya." Natahimik naman sa tabi niya si John. "Nasabi mo ba sa kaniya 'yan?" Umiling siya. "Kailan mo balak sabihin?" Hindi niya alam. Paano niya sasabihin kung si Erena na mismo ang nagsabi na hindi ito makikinig? "Ayaw kong napapahamak ka, pero huwag na huwag kang magpapadikta. Hindi ba, ganoon ka naman na pagdating pa lang kay Catalina? Hinding-hindi ka nagpapadikta, ganoon din kay Governor, kahit gaano pa kalakas ang impluwensiya. Kaya nga idol kita, e." Tipid na lang siyang napangiti. Kung tutuusin ay nasa iisang lugar lang sila, ngunit ang lahat... naging komplikado sa isang iglap. "May tanong ako." Hindi siya sumagot senyales ng pagsagot ng ano. "Hindi naman puwedeng manirahan sa labas ng gubat na 'to si Erena, 'di ba?" Panimula nito. "Para makasama mo siya, okay lang sa'yo na rito ka lang tumira buong buhay mo?" Hindi niya inaasahang sa kauna-unahang beses ay mapapaisip siya sa ibinuka ng bibig ni John. "Si Commander!" Nangibabaw ang bulungan. Nang tignan niya ang daan na naghahati sa mga naghahawak ng baril at sa target ay naroon nga si Commander kasunod si Santos. Halos hilain pa siya patayo ni John para hindi siya mahuli sa pagsaludo, na ginawa niya rin naman nang bumalik siya sa ulirat. Awtomatiko rin naman siyang nasama sa usapan, lalo na nang huminto sa harapan niya si Commander. Mas nararamdaman niya pa nga ang kaba ni John kaysa sa kaba niya. Mas nangingibabaw kasi ang tuwa niya nang makita ang Commander, kahit na tinangka pa siya nitong barilin. Pakiramdam niya kasi ay parang nakita niya na rin si Erena. "Bakit hindi kayo nagsisikilos?" Matapos tumigil ng mata nito sa kaniya ay nalipat iyon isa-isa sa lahat ng mga naroon. Hindi niya tuloy alam kung nakahinga ba siya ng maluwag o mas kakabahan ngayong kaharap niya lang ang Commander na mukhang babantayan sila buong araw, hindi kagaya nang inaasahan ng nila na hindi muna ito dadalo. "Paprente prente kayo nang malamang hindi ako dadalo. Ngayong nasa harapan niyo ako daig niyo pa ang nakakita ng multo." Nagtaas na ito ng boses, istrikto. "Kilos!" Tila sila mga robot na bumalik sa ensayo. Bubulong bulong naman sa likuran niya si John. "Pasensiya na, Commander." Mula sa likuran nila ni John ay rinig nila ang paghingi ng paumanhin ni Romulo rito, pero bakit siya mismo ay hindi maramdaman ang sinseridad nito? "Kung hindi pupukpukin, hindi kikilos? Ano ang silbi ng training na ito, ng bilang ang mga araw kung sasayangin lamang sa siesta?!" Halos marinig nila ang buong pagsermon ng Commander kay Romulo hanggang sa matapos iyon. "Mukhang mainit ang ulo ni Commander?" pasimple pang bumulong si John. Hindi na lang siya nagsalita, kundi pinanood ang Commander na nagpapalakad-lakad, sinusuri ang mga nag-e-ensayo. 'Tsaka niya lang natanto na malapit na pala sila. Buong akala niya ang magiging personal ito at lalagpasan siya, pero hindi. Ilang araw rin niyang hindi nakasalamuha ito... ganoon pa ang nangyari noong huli. Dahil lumilipad ang isip niya, malayo layo ang bawat patama niya. Napaiwas naman kaagad siya ng paningin nang matalim siyang tignan ng Commander. "Walang asenso, Liu? Aalis ka sa kampong ito nang wala ka man lang ikinagaling?" Humigpit ang paghinga niya. Hindi naman insulto... kung iyon ang totoo, hindi ba? "Gusto mong makausap ang anak ko, hindi ba?" Buong akala niya ay nabingi lang siya dahil sa pagbukas nito ng usapan kay Erena na hinding-hindi niya naisip lalo na sa nangyari noong nakaraan. Ni hindi siya makatango, pero oo ang sagot niya. "Kung ganoon, sa isang linggo, ipakita mong gumaling ka man lang. Dahil hindi umuuwing talunan ang mga batang kagaya mong dumaan sa akin." Tinalikuran siya nito. "Bibigyan kita ng pagkakataong ayusin ang lahat bago ka lumisan sa kampo sa itinakdang araw. Alam ko rin ang pangakong binitawan mo sa anak ko para sa kaarawan niya. Kahit doon man lang ay hindi mo na siya mabigo at masaktan." Iyon lang ang sinabi nito at nilagpasan na siya para magpatuloy sa pagsusuri. Siniko siya ni John sa tuwa. "Mukhang good ka na kay Commander!" Hindi pa. Alam niyang hindi pa siya nito napapatawad, pero sapat na rin ang kasunduang iyon upang ipagdiwang ng puso niya. Malaking tulong iyon para makausap niya si Erena. Kailangan niyang pag-igihan para sa susunod na linggo. "Makaka-attend ka pa sa birthday niya!" pabulong pa nitong sinabi, para sila lamang ang makarinig. Kagat-labi siyang napangiti nang dahil doon. Babalik na sana siya sa pag-e-ensayo nang makita ang lalaking bago sa paningin niya na kararating lamang at kay Commander ang diretso. Naging hudyat iyon ng panibagong paksa ng bulungan. "Sino 'yan?" si John mula sa likuran niya. Hindi niya alam kung bakit iba ang pakiramdam niya sa lalaking ito. Unang tingin niya pa lamang ay hindi niya na gusto. Dahil malapit lang sila sa Commander ay nagawa pang magtama ng mata nila. Kahit ang ngiti nito ay hindi niya gusto. "Nako, magandang lalaki, maputi at matangkad!" komento pa ni John. "Tito," anang nito kay Commander. Sumaludo pa ito na tila pabiro kaya naman natawa pa ang Commander nila. "Sumunod ka rito?" anang pa ng Commander. "Yes, Tito. I just want to see how great of a leader you are." Tinapik pa ng Commander ang balikat nito. "Kapag galing bang ibang bansa ay gumagaling din sa pambobola? Everything's great here, Louie. Hindi lang ako." Nagsalubong ang kilay niya nang marinig ng pangalan nito. Louie?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD