MATIIM na tinanaw ni Christian ang labas ng gusali ng kaniyang opisina. Magdadalawang linggo na rin yata simula nang ipadala niya ang tatlo sa siyudad. Hindi siya bobo, para hindi malaman ang pinaplano ng mga ito. Hindi siya papayag basta-basta na maisahan siya ng kahit na sino. Lahat ay mangyayari nang naaayon sa gusto niya. "They really think that I'll be easy towards them, huh?" Kinausap niya pa ang sarili habang tinatanaw ang asul na dalampasigan. Nakarinig siya ng katok mula sa pintuan. At tama siya, ang detective nga iyon na ipinadala niya para bantayan ang tatlo. "They are doing their job, Sir." Hindi man siya lumingon ay ramdam niyang nakayuko iyon sa kaniya, tanda ng paggalang. "Of course. As they should." Namutawi ang katahimikan sa pagitan nila ng detective. "You can g

