NAGTATAKANG tinignan ni Skyler si Dion na wala man lang kareareaksiyon kahit na ang ekspresiyon niya mismo ay nagtatanong na. Sa kaniya ito noon? Bakit na kay Dion? "Huwag mo ng itinanong kung saan ko nakuha iyan, dahil hindi ko rin alam." Umiling siya. Gusto niya naman talagang magtanong, pero pinangunahan na siya Dion. Hindi na lang siya magtatanong, dahil kilala niya naman ito, kapag pinilit, magagalit lamang at hindi niya maririnig ang gusto niyang marinig lalo. Isinarado niyang ulit ang box. Aalis na sana si Dion nang pigilan niya ito. "Salamat." Awtomatiko itong napahinto mula sa paglakad palabas ng silid niya. Madilim ang paligid kaya naman halos ang hugis lang ni Dion ang nakikita niya, pero hindi niyon matatakpan ang nararamdaman at nakikita niya pa ring tampo nito. "Gus

