31 (Part 1)

1003 Words
WALANG sumagi sa isip niya na sa ganoong paraan magtatapos ang kuwento niya. Akala niya, malalagpasan nila iyon, pero sa ibang paraan iyon natapos. At... hindi niya alam kung sino ang nagwagi. Sa pagkahulog ni Skyler sa talon matapos mabaril, ang mga alaala simula nang ipanganak siya ay nawala. Amnesia. Sa pagkawala ng memorya niya, siya ring pagkawala ng bararamdaman niya sa mga tao sa kaniyang nakaraan at kabilang na ang unang babaeng... minahal niya. Ang mukha nito, ang katawan, ang lakad ang boses at ang ugali ay hindi niya na naaalala. Wala na sa memorya niya. Ang ang panibagong bumuo roon ay ang paggising niya pagkatapos ng mahabang pagtulog simula ng insidenteng iyon. Tila siya isang bagong sanggol na isinilang sa mundo. Tila bago ang lahat ng nakikita niya. At ang unang bumungad sa kaniya ay ang malakas at nakakasilaw na liwanag na mula sa kisame ng kuwarto ng kinahihigaan niyang kama. "He's awake now, Doc!" Mula sa gilid niya ay nahihirapan niyang tinignan mula sa gilid ng mga mata niya ang monitor na nagdidikta sa kung anong lagay niya ngayon. Kung anu-ano pa ang mga narinig niya mula sa mga doctor at nurses na nakapaligid sa kaniya, mula sa pagche-check at pagsasabi kung ano na ba ang mangyayari sa kaniya matapos niyang magising. Natutuyot ang lalamunan niya, senyales nang matagal niyang pagtulog at pagkaratay sa kama. Kailangan niya... ng tubig. Dah hirap din naman siya kung paano magsasalita ay hindi niya masabi sabi sa mga ito ang nais sabihin. "Tapos na, Doc," anang nurse. Magkausap pa ang dalawa bago lumabas ang nurse at naiwan ang doktor sa kaniya. "Isang taon kang... natulog, Mr. Skyler." Skyler? Iyon ang itinawag nito sa kaniya. Kung ganoon ay iyon ba ang pangalan niya? Kaagad na pumasok ang tanong sa isip niya. "B-ba..." Talagang napapaos pa siya. "Bakit ako nandito? Nasaan nga ba ako?" Napaingit siya sa sakit nang maramdaman ang pagkirot ng ulo niya matapos lumalim ng mga katanungan sa isipan niya. Bakit sumasakit ito nang ganito. "Mr. Skyler." Kaagad siya nitong pinigilan. "Iwasan momuna ang masiyadong pag-iisip tungkol sa nakaraan mo at kung anong nangyari dahil hindi iyon makakabuti." Hindi siya nakapagsalita. Hindi niya pa rin kasi maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito. Bakit siya hindi mag-iisip? At ano nga ba... "Nasa hospital ba ako?" tanong niya. Tipid pang natawa ang doktor. Napailing. "Hindi ito hospital, pero malalaman mo rin kung nasaan ka." Hindi hospital? Kung ganoon, bakit siya rito dinala? Doktor at nurses ba talaga ang mga kaharap niya? "Bakit... bakit wala akong maisip?" dugtong kaagad niya. "Walang maisip?" Napatanong pa ito sa sarili. "Hindi ka walang maisip, kundi walang maalala, Mr. Skyler." Nagbalak siyang tumayo, pero kaagad din naman siyang pinigilan. "Ako ang doktor mo ngayon, kaya mas makabubuti kung makikinig ka, para mabilis ka ring gumaling-" "Skyler!" Hindi pa man nakakatapos sa pagsasalita ay bumukas na ang pintuan ng puting silid na kinaroroonan niya. Isang hindi niya makilalang mukha ang bumungad doon at nagmamadaling lumapit sa kaniya. May dala pa itong plastic sa kanang kamay habang ini-examine siya. "Anong masakit?! Ano?" "Shh," saway naman ng doktor. "Huwag mo masiyadong gulatin, John. Hindi pa iyan nakakaalala." "Teka, Doc Gabby. Akala ko ba may chance na hindi siya magka-amnesia?" "At sinabi ko rin naman na may tiyansang magkaroon, hindi ba? Ikaw talaga, palagi kang nasa positibo." Bumalik sa kaniya ang paningin ng lalaki na tinawag ng doktor na John. Hinawakan pa nito ang magkabilang pisngi niya, maluha luha. "Skyler, naaalala mo ba ako?" tanong pa nito. Sinubukan niya namang isipin, pero walang kahit anong memoriya na pumasok sa isip niya tungkol sa kung sino ang lalaking kaharap niya ngayon. "Hindi mo puwedeng ipaalala muna kung ano ang nangyari noong nakaraang taon dahil sa pinagdaraanan niya ngayon. At sinabi na rin naman siguro ni lider na isa iyon sa huwag na huwag mong gagawin hangga't hindi niya sinasabi?" Kinagat pa nito ang labi, pinipigilan ang sarili, ngunit nais pa sanang magsalita. "Utang nating lahat ang buhay natin sa kaniya, kaya kung ano man ang iuutos niya at ibabawal ay susundin natin, John. Iilan na lang tayo rito, kaya mas maganda kung talagang buklod buklod tayo. Isa pa, lahat naman ng sinasabi niya ay para rin sa ikabubuti nating lahat." Naging malalim pa ang pagbuntong hininga nito bago tumango sa doktor. Sandali pa nga siyang tinignan ng doktor bago tapikin ang balikat ni John. "Bantayan mo 'yan, at huwag mo rin masiyadong pagagalawin." "Yes, Doc." Kaagad namang sumagot si John. Hinintay pa nitong mawala sa paningin ang doktor bago umupo sa sofa sa gilid ng kama niya. Doon lang siya nagkaroon ng tiyansa na ilibot ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. Mukhang... hindi nga ito kuwarto. Kung ganoon ay nasaan ba talaga siya? At sino ang tinatawag ng mga ito na lider? "Ang daya naman," anang pa ni John. Nakatulala pa ito sa malaking bintana sa kuwarto niya. "Isa taong kitang hinintay, Sky! Tapos, paggising mo pala hindi mo man lang ako maaalala. Tapos ngayon, hindi pa ako puwedeng magsalita muna para sana matulungan kang makaalala." Nanatili ang paningin niya rito, nanatili rin siyang walang imik. "Kita mo 'to?" Ipinakita nito ang plastic na hawak hawak. "Araw-araw binibilhan kita ng mansanas. Naalala ko kasi..." Bigla itong natigilan nang may sanang sasabihin. "Ay, huwag mo na palang isipin." Tumayo naman iyo at inilagay ang supot sa ibabaw ng lamesa na naroon. Nagtagal ang paningin niya sa kung ano man ang nilalaman ng plastic, tila ba may nag-uudyok sa kaniya na lumapit doon, pero... marami pa palang nakakabit sa kaniya. "May gusto ka bang kahit ano? Wala namang sinabi si Doc na puwede o bawal mong kainin, e. Ito na lang kaya?" Turo nito sa laman ng supot. Umiling siya. Ngayon kasi ang gusto niya... "T-tubig," anang niya. "Tubig na lang." Awang ang labi pa siya nitong tinignan, hindi kaagad nakagalaw na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa nasasaksihan, ilang sandali lang ay umalis na rin naman ito sa harapan niya para kumuha ng tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD