Everything is well. The past few days had been...normal. I did all my projects, ginawa ko din lahat ng mga requirements ko kahit pa hirap na hirap ako. Gusto ko na lang na itapon ang ginawa ko sa math pero nasasayangan naman ako, kaya I made sure to make it okay... paulit-ulit kong ginawa at ipinasa ko na din kahit pa pangit ang pagkakagawa.
Oh well. What's done is done. Tapos na so let's move on.
I was getting ready, dahil sasabay ako ni papa papunta sa city para magshoot for our film. Saturday na saturday at school works ang gagawin na naman namin. I've entertained the idea of bringing a placard before and I shrugged it off...pero baka gawin ko na talaga 'yon the moment na hindi ko na talaga kaya.
Nagpahatid ako kay papa sa bahay nina Sweet. Doon kasi kami mag sho-shoot sa short film namin, at doon na rin kami magpra-practice for our theater play.
“ Okay, guys scene 1 na tayo. First ireview niyo ulit ang lines niyo, dahil kukuha na lang muna ako mg footages” Ylie said.
The short film would be four to five minutes long. It's a week long lovestory. Nagkakilala sila dahil pamangkin pala ng tindera sa kanto ang lalaki at nagbabakasyon lamang. Na stranded ang lalaki dahil may bagyo. The usual boy na nagbibigay motibo, at nagpapakita ng actions niya, kaya na fall ang girl. Ang kaso pagdating ng linggo, wala na ang lalaki dahil wala ng bagyo. Bumiyahe na siya.
Si Sweet ang gaganap bilang iyong babae at si Phil naman ang lalaki. Ylie is our director, Mae as Sweet's mom, at ang ibang boys gaya nina Chris, Ck, Lloydie at Kent ay ang mga kuya ni Sweet na barkada pala ng boy.
Si Ylie naman ang mag ca-cameo bilang auntie na may-ari ng tindahan.
I'm the script writer and the story is one of my works. It may be a small thing, but it actually makes me proud. It's actually like a step closer to my dreams. To be a published author and to have my works in the silver screen. Hay it's the dream. Sana lang madeliver namin ng maayos ang isang linggong pag-ibig nina Rain at Kier.
Wala kaming pinalampas na oras at ginawa na namin ang mga dapat gawin. Mabuti na lang at ka grupo din namin sila Jamaica, Janna at Zel. Si Zel ang costume designer namin at makeup artist habang si Janna naman ang props man or lighting director.
Tinatawanan na lang namin siya habang dinadala ang napakalaking ring light ni Sweet. Mabuti na lang at mayaman si Sweet at mahilig sa paggawa ng mga videos kaya may lights at magandang camera. Si Jamaica naman ang editor namin. Habang si Anton ang production designer.
Si Ylie na rin ang camera man at ako ang assistant director, editor, camera man, lahat na. Kasi story ko at mas maganda na maiayon sa kung anong naiisip ko noon.
Dalawang oras na yata kami at nasa scene na kami sa basketball court nila dahil may laro ang mga kuya ni Rain kasama si Kier. Si Rain naman ay may dalang snacks dahil inutusan siya ng mama niya.
“ Tingnan mo ang bakla o. Nagpapatsansing kina Phil.” I looked at Mae who made a comment.
Napatingin naman ako kay Kent at natawa. Well, ang hirap pigilan ang tawa lalo na at alam namin ang true colors niya. Si Jam at Janna ay ganon din.
“ Omg look at him! Hala, hala why are you touching CK Kent!” natatawa na lang kami kay Jamaica.
“ Hoy hinaan mo baka mahalata ng iba”
“ Duh Janna, as if naman hindi halata ng boys si Kent pero hayaan mo na since mababait naman ang boys natin”
“ Weh kay CK ka ba concerned o kay Lloydie? Selos ka lang teh” Janna teased Jam while the latter just rolled her eyes and acted disgusted. As if.
“ Okay Cut!”
I went to them and told them to change for the fourth time. Pang-apat na araw na kasi.
Zel gave them their clothes at pinabihis niya kaagad. We went inside the house para doon na naman niya puntahan si Rain at yayaing kumain sa may mami-han sa labas. Mabuti na lang at may karenderya dito sa street nila Sweet.
We considered the neighborhood din kung angkop ba sa storyline at sa mga scenes. Okay naman at wala na kaming masyadong binago dahil so far may basketball court naman sila, may store, may karenderya, at iba pang kailangan sa scenes.
We went directly to the fourth day.
After an hour, malapit na kami matapos. Nasa pang sixth day na kami. It actually went well than I expected. Memorize na kasi nila, at hindi kami masyadong nagpaulit-ulit dahil they conveyed the emotions well naman. Na-internalize na siguro nila ito. I checked the script again.
“ Guys, after the day scene dito sa sixth day, I think we need to shoot the ending na muna dahil hindi na naman yun mahaba. It's just how she found out na wala na si Kier. Unahin na natin ito para matapos na tayo sa store nila. Nakakahiya naman kung patatagalin pa natin.” I said while flipping the pages.
“ And then we'll just find a way para ma shoot natin ang para sa sixth day na night scene.” I continued.
“ Wala bang camera tricks na pwede gamitin para sa night scene?” Ck asked. We all turned to Ylie.
“ Hindi naman tayo professionals kaya wala tayong masyadong gamit.” she shrugged.
“ Maybe editing will do” Lloydie said.
We turned to Jamaica.
Napakamot naman siya sa ulo niya. I even saw him glancing at Jam whike Jam purposely avoided his eye contact. Sana all may ex na groupmate.
“ Guys, mind you hindi ako marunong talaga...”
I sighed.
“ We have no choice. Magkita na lang tayo ng six o'clock sa boulevard total doon naman dinala ni Kier si Rain. Uupo lang sila, kakain, magkwekwentuhan.” I said.
“ And then ihahatid niya si Rain sa bahay at yun na pala ang last na kita nila”
“ Sige ishoot na natin ang day scene sa sixth day ngayon, tapos proceed sa last day. Dito naman tayo for our theater play practice, ishoot na lang natin pagkatapos kaya dapat magpagabi tayo. Kahit around six lang” Janna said.
“ Pero hindi niyo ako ka group. Pupunta pa ako kila Xylo doon kami for the theater play. Ka group ko sila Diane”
“ Hindi na naman kailangan ang mga kapatid at kung sino pa sa night scene kaya, okay lang kung ikaw lang ang babalik Phil. How about pagkatapos niyo don , balik ka dito para ishoot ang scene na hinatid mo siya, then we'll go to the boulevard total malapit na sa downtown yun at sa market kung saan tayo sasakay pauwi” mahabang page-explain ko.
Sumang-ayon naman sila kaya bumalik na kami sa pagshoot for the day scene sa sixth day, at sa last scene namin which is the seventh day kung saan pumunta siya sa tindahan at wala na pala si Kier.
“ Tao po! Tao po!”
Lumabas si Aling Nena. Nagulat si Rain.
“ Aling Nena? Si Kier po?”
“ Naku Rain, si Kier ba? Lumuwas na pabalik ng Maynila. Nagtagal pa nga yun dito eh dahil sa bagyo, pero salamat naman sa Diyos at mabuti na ang panahon!”
“ U-umuwi po? Sa Manila? ” naguguluhang tanong ni Rain.
“ Hindi mo ba alam Neng? Hindi pala siya nagpaalam? Nagbabakasyon lang siya dito Rain. Balita ko may girlprend na modelo iyon doon. Pinababalik nga pala niya itong payong na pinahiram mo”
Naiiyak na umuwi si Rain.
“ And cut!”
W all shouted and jumped in joy. Tapos na! Ay hindi pa pala. May scene pa kami mamayang gabi.
“ Hoy hindi pa tapos ha! May night scene pa!”
“ Epal ka naman Janna” Kent rolled his eyes on her.
“ Mag lunch na tayo, para makapunta na kayo sa group niyo for the theater play” I told them.
We went to the karenderya just down the road. Pinalalahanan namin sila tungkol sa mga lines nila at sa meeting time namin. Time is gold. I do not tolerate tardiness. Pagkatapos kumain, ay umalis na ang iba naming classmate para pumunta sa group nila for our theater play.
Napaka hassle nito dahil hindi na lang ginawa na magkagroup kami sa lahat ng activities. Buti na lang at magka grupo pa rin kami nina Mae, Kent, Sweet ,Ylie, Anton at Cris.
Naghintay pa kami na matunawan at nagkwentuhan na lang muha habang naghihintay na dumating ang ibang groupmates namin. Dahil wala pa ang iba, pina voice over na namin si Sweet para sa last lines niya habang pinapakita ang scenes na magkasama sila ni Phil. Parang nag flash na lang ang memories at ang last footage ay ang dalawa silang naka share sa payong dahil umuulan.
“ Uy kamusta na kayo ni Phil, Mae?” tanong ni Sweet sa kaniya.
Obvious naman na kasi na nagka feelings si Mae hindi ko alam kung paano nalaman ng mga classmates ko na gusto ni Mae si Phil noon.
“ Ang tagal na nun. Ilang months na ba nun? Ewan. Friends pa rin kami.” she said while looking elsewhere.
“ Speaking of, what happened between you two? Nung pinasakay ko kayo sa ferris wheel?” I asked. Natuloy naman kasi yun months ago. I framed them with the help of Kent, Janna, Jam and Sweet.
“ Wala. Umamin lang ako tapos sabi niya friends lang talaga kami...so moved on na ako”
I frowned. Boys really like to show some motives tapos kapag na fall ka na, biglang nawawala. Ang unfair. Bagay talaga si Phil bilang Kier kaya pala parang natural na sa kaniya mag act.
“ Ngi ang daya. Ang sweet ng pinapakita niya sayo tapos friends lang pala? Galing niya naman na friend.” sabi ni Ylie habang umiiling.
“Iba kasi ang gusto niya. Si Ria yung section Daza.”
Napatahimik na lang kami. After a few minutes of silence, nagsalita si Kent.
“ Eh, ikaw Lucy? Pansin ko hindi na kayo sabay umuwi ng senior high mo?” I rolled my eyes at him.
“ First of all, he's not mine” I said while showing him my fingers as if counting.
“ Second, we don't talk anymore. And third, I don't think we're still friends”
“ Ha? Bakit naman?” they asked.
I just shrugged. Hindi ko din kasi alam kung bakit eh. Maybe that's how it is. We lose friends without knowing the reason or reasons why.
“ I don't know. We just stopped talking...that's it.” I said with my voice trailing off.
Nagsidatingan na naman ang mga kasama namin for our theater play.
I showed them the script again, we rehearsed our voices, and then I explained to them first kung saan sila papunta, or kung anong gagawin nila. Our teacher reminded us na theater play isn't impromptu. Moves, actions, emotions, should be rehearsed. Detailed daw. Hindi pwede na kung anong gusto mong gawin sa kamay mo, gagawin mo. Actions are minimized but precise. Nag blockings na lang din kami.
Nasa pang third act na kami when we decided to call it a day.
“ Next Saturday na tayo gumawa ng props and costumes guys. Make sure to memorize act four and five for the finale” I said.
Around 5:30 na kami ng matapos. Naghintay na lang kami kay Phil para sa scene nila dito.
We told Sweet to change her clothes na naman. Zel gave her a quick make-up retouch.
Dumating na din si Phil. What's amazing is that bumalik ang lahat na hindi namin ka group sa theater play kahit pa wala na silang scenes.
“ Syempre, magka group tayo, tatapusin natin ng sabay 'to”
Because of what Lloydie said, everyone hyped up! Kahit pa pagod na pagod kami, we still managed to laugh and smile. Nakakawala ng pagod, kapag sama-sama kayong lahat.
We immediately proceed to the last scene para sa bahay.
“ Okay, wrap up guys! Papunta na tayo sa boulevard for the last scene na talaga!” Ylie said.
Everyone shouted 'yes! whoooopeeee!'
Sumakay na lang kami ng tricycle. Pagdating namin doon, Ylie took some footages muna.
Nag-order si Phil ng pagkain para sa kanila ni Sweet as Rain and Kier. Umupo sila sa may coastal wall facing the port and sea. Inilapit ni Janna ang mic na gamit namin para marinig pa rin namin sila dahil madaming tao at maingay.
We just turned our phone flashlights dahil sobrang bigat naman ng ring light ni Sweet na malaki. Hindi ko na alam anomg tawag don. Pero mukhang hindi naman kailangan dahil maganda na ang effects ng city lights sa kanila. They rode the calesa too. Sayang lang at si Ylie lang ang kasama nila dahil syempre siya ang nagre-record.
“ Kent, omg I think I found your twin!” Jam squeled.
“ Ha? Saan?”
“ Look o! Kamukha mo!” We looked at where she's pointing.
“ HAHAHA” everybody laughed at Kent. Ang kabayo naman pala ang tinutukoy ni Jam. Maluha-luha pa ang iba at may pahawak-hawak pa sa tiyan dahil sa kakatawa.
“ Alam mo, halika dito at ng mapatay kitang babae ka”
Pagdating nila Ylie mula sa pagsakay sa kalesa she brought us good news.
“ Tapos na guys!”
We all laughed amd jumped in joy.
“ So Jam, e-edit mo ng maganda ha” Ylie told her.
“ Sa saturday ko na lang e-edit sa kanika ni Sweet. Nandoon naman si Lucy na magsu-supervise.” Ylie just nod at her.
Tapos na din kami. Actually may cameo talaga kaming lahat doon. I showed up as a kapitbahay, at si Zel naman ay bumili sa tindahan, so we made sure na makikita kaming lahat.
“ Celebrate tayo! Kaya kain tayo!” Lloydie exclaimed.
Na excite naman kaming lahat at agad na pumili ng table.
He ordered a lot. Mukhang madami siyang pera ah. Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan. This actually felt nice. Hanging out after a long tiring day.
“ Sige na Kent kainin mo na ang balot! Total mukha ka namang balot”
“ Wow! Coming fron you Janna ah? Sige kakainin ko yan, kainin mo rin ang atay total mukha ka din namang atay”
We laughed way too hard, na kalaunan ay sumakit ang mga panga namin.
I busied myself with the squid rolls at squid balls. Napadami din ang kain ko sa barbeque at isaw. Sana lang matunawan ako.
Ylie took pictures of us. Mukhang isesend niya sa group chat ng section namin.
I checked my phone. Sinend nga niya.
Yylie sent a photo.
Yey! Tapos na sa film!
I sent a heart.
Taira replied to Ylie
: wow sana all. Kainis ng groupmates ko hindi kami nakatapos
We reacted sad in her reply. Online din pala ang mga group mates ko.
Around seven na kaya I told them na mauna na ako. Na text ko na naman sila mama na late ako makakauwi dahil tinapos pa namin ang film at may night scene kami.
Hinatid ako nila CK, Lloydie, Kent, at Phil sa may crossing.
“ Okay ka lang dito Lucy?” tanong ni CK.
“ Oo. Thanks guys. Sige balik na kayo, I can manage na.”
“ Sure ka ha? Pwede naman naming hintayin na makasakay ka” Lloydie insisted.
“ 100% sure. Kaya una na kayo. Marami namang tao dito. Ano ba kayo tsaka may tricycle na o” I said while pointing towards the tricycle.
“ Okay. Ingat!” They waved their hands and I waved back. I looked at them crossing the road pabalik doon sa may night food hub.
Pumara ako sa tricycle but before I could tell the driver where I'm headed to, someone did.
“ Sa may Luzurriaga terminal po. Dalawa”
I turned to the man who spoke.
It was Sixto.