HINIHINGAL na nagising si Emerald sa isang masamang panaginip. Tutop ang dibdib na bumalikwas siya ng bangon. Mag-isa na lang siya sa kama. Tahimik din ang buong kuwarto. Naka-on pa rin ang aircon pero pawis na pawis siya dahil sa panaginip niyang iyon. Simula nang magsama sila ni Gabriel sa kuwarto nito, ngayon na lang ulit siya dinalaw ng mga panaginip niya. But this time, hindi na lang ang ate niya na naliligo sa sariling dugo na nakahandusay sa kalsada ang nakikita niya. Nakita niya rin ang taong sumagasa sa kapatid niya. Nanlamig ang katawan niya at nanginig ang mga kamay niya nang muling lumitaw sa isip niya ang mukha ng taong pumatay sa ate Cleo niya. Umiling-iling siya. "Hindi... panaginip lang iyon... hindi si Gabriel..." bulong niya sa sarili. Tumayo na siya. Muntik pa siyan

