HINDI maigalaw ni Emerald ang kaniyang buong katawan at ang sama pa ng pakiramdam niya. Nilalagnat siya.
Ano ba ang nangyayari? Sinubukan niya ulit na gumalaw, but she ended up groaning. Pakiramdam niya nakipag-wrestling siya sa sakit ng buong katawan niya lalo na ang pagitan ng mga hita niya.
She was stilled. Masakit ang pagitan ng mga hita niya… then a scene from last night flashed through her mind.
“Oh, God!” pasinghap na bulalas niya.
She just had s*x with Gabriel last night! Ibinigay niya rito ang matagal na niyang iniingatan.
My God, Era! Ano ba'ng naisip mo kagabi at naisuko mo ng walang pag-aalinlangan iyong matagal mo ng iniingatan? Kastigo ng isip niya sa kaniyang sarili.
Ano pa ang mukhang ihaharap niya kay Gabriel nito? Sobrang nakakahiya! Hindi rin naman niya masisisi si Gabriel doon dahil siya mismo ay walang nagawa. She wanted it as bad! She couldn’t stop herself from kissing him back.
"Baby, are you okay? May masakit ba sa 'yo? Tell me." Puno ng pag-aalang tanong ni Gabriel sa kaniya. Hindi rin nito alam kung hahawakan ba siya o ano.
Gusto niyang sabunutan ang sarili kaya lang hindi naman niya maiangat ang mga braso niya dahil pakiramdam niya, hapong-hapo siya.
Naaalala niya ang lahat at ngayon lang niya nararamdaman ang kahihiyan sa mga ginawa at mga nasabi niya kagabi! Nakakahiya itong ginawa niya!
Ilang beses siyang binigyan ng pagkakataon ni Gabriel para tanggihan ito. He even asked her permission, at alam niya na titigil ito kung sakaling umayaw siya.
Nararamdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya.
“Ate Reichel is here. Tinawagan ko siya para matingnan ka.” Sabi nito nang hindi pa rin siya umimik o kahit tingnan man lang ito. Nahihiya siya.
“Gabriel, lumabas ka na muna. Ako na ang bahala sa asawa mo.”
Narinig niya ang malalim na pagbuntonghininga ni Gabriel nang mapagtantong ayaw niya itong kausapin. Wala siyang maisip na sabihin. Nahihiya talaga siyang kausapin ito.
Nang tingnan niya ito ay nakatalikod na ito at naglakad na palabas ng silid.
She let out a deep sigh. Her attraction for Gabriel was too much that she wanted him. Ibinigay niya ang sarili rito kahit na darating ang araw na ide-divorce siya nito kapag nakuha na nito ang pamana nito.
He was her first kiss! Her first! He is her first in everything! Pero bukod sa nahihiya siya sa nangyari ay wala naman siyang nakapang pagsisisi. Hindi siya nagsisisi na isinuko niya ang iniingatan niya kay Gabriel.
Narinig niyang tumikhim si ate Chel kaya agad nabaling ang tingin niya rito. Nakasuot ito ng white chiffon long sleeve blouse. It was paired with black slacks and black stiletto.
"Hi," nakangiting bati nito sa kaniya. “I’m Dra. Reichel Ann De Sandiego. Gabriel’s cousin. Remember me?"
Tumango siya. "H-Hello po, Doktora..." nauutal na bati niya pa pabalik dito.
"Nah—ah. I told you to call me, ate Chel, right?"
Tumango siya. "A-Ate Chel," sambit niya.
"Good.” Muli itong napangiti. Pero agad din na nagseryoso. “Anyway, you have a vaginal laceration. At hindi na rin ako magtatanong kung bakit because obviously, you and Gabriel had s*x and you were a virgin.”
Laceration? Kaya pala sobrang sakit ng p********e niya at nilalagnat siya. Ganito ba talaga ang mangyayari kapag first time? Ito ba ang kapalit nang sarap at kapangahasan niya kagabi?
Mas lalong uminit ang mukha niya sa kahihiyan.
“But don’t worry, it was just simple cuts. These usually heal on their own within a couple of days. Nagreseta na rin ako ng gamot. Iinumin mo iyon 3x a day at nagbigay na rin ako kanina ng instruction sa asawa mo.”
“G-Ganito po ba ang nangyayari sa lahat kapag first time nilang makipag-ano…” ngumiwi siya at umiling.
Hindi na niya itinuloy ang pagtatanong dahil pakiramdam niya mas lalo lang niyang ipahiya ang sarili. Pero alam niyang naiintindihan naman ni ate Chel ang ibig niyang sabihin.
“For some virgin women, yes, but not all women. And this usually happens when your partner has very large p***s. And Gabriel’s p***s is obviously too big for you.” Dra. Chel explained to her. Hindi rin nakaligtas sa pandinig niya ang panunudyo sa boses nito.
“But again, don’t worry, the next time you have s*x with him, I’m sure hindi ka na magkakaroon ng laceration,” she said, and then winked at her.
Napalunok siya. Next time. s**t. Mukhang hindi na yata siya uulit pa. This is so embarrassing!
“Sa nakikita kong reaksyon ng mukha mo, mukhang hindi ka na uulit,” she playfully teased, then burst into laughter, the sound echoing through every corner of Gabriel’s room.
She groaned. “Ah, nakakahiya, Ate…” Tinakpan niya ng mga kamay ang kaniyang namumulang mukha.
Mas lalo naman itong napahalakhak. Pero ilang saglit lang ay sumeryoso rin ito.
“Gabriel is so worried about what happened,”
Agad niyang inalis ang mga kamay na nakatakip sa mukha niya. Seryoso at wala na ang nanunuksong tingin nito sa kaniya kanina.
“He even thinks you regret of what happened between you two last night.” Umawang ang bibig niya. “Did you regret giving your—”
“No, ate Chel,” agap kaagad niya rito. Umiling-iling pa siya. “Nahihiya lang kasi akong kausapin siya dahil sa nangyari.”
“Good to know that. But you need to talk to him. Let him know na hindi mo pinagsisisihan ang nangyari sa inyong dalawa. Besides, there’s nothing wrong with giving your first to someone you like, especially to your husband.”
Namilog naman ang mga mata niya sa sinabi ni ate Chel. How did she know that she likes Gabriel? Ni kailan lang niya iyon inamin sa sarili, kahit nga sina Yelena at Scarlett, walang alam sa kung ano talaga ang dahilan niya kung bakit umuo siyang pakasalan si Gabriel.
“Ate Chel… how did you… I mean, uh…” hindi niya matuloy-tuloy ang gustong sabihin.
“How did I know that you like Gabriel?” tuloy nito sa gusto niyang itanong dito.
Tumango siya at nahihiyang iniwas niya ang tingin dito.
“Hmm. I know you two get married for some reasons. Most especially Gabriel but giving your virginity to him the night after the wedding, na alam kong hindi magagawa ng isang babae kung wala itong gusto sa lalaki. Unless…” natahimik ito kaya muli niya itong tiningnan. Nanliliit ang mga mata nitong nakatingin pa rin sa kaniya. “Unless… pinilit ka ng pinsan ko…”
“Hindi po. What happened between us…uh…” nakagat niya ang pang-ibabang labi. “Hindi niya po ako pinilit.”
Nahihiya man ay naglakas pa rin siya ng loob na sabihin dito ang totoo. Ayaw niyang isipin nito na pinilit siya ni Gabriel.
Pagkalabas ni Dra. Chel ay agad siyang nagtalukbong ng kumot. Hiyang-hiya sa sinapit niya. Hindi niya naman inakala na ganito ang mangyayari sa kaniya, na magkaroon siya ng laceration pagkatapos ng sarap na pinapalasap ni Gabriel sa kaniya kagabi.
Ibinaba niya ang kumot hanggang sa kaniyang dibdib at tulalang napatitig na lang siya sa kisame. Nang marinig niya na bumukas ang pinto ay agad siyang napatingin doon. Her breathe hitched when she saw Gabriel enter his room. Nagtama pa ang mga mata nila.
Naglakad ito patungo sa kaniya. Ang mga mata ay nasa kaniya pa rin. Halos pigilan naman niya ang kaniyang paghinga.
Ngunit bago pa man ito makalapit sa kaniya ay may kumatok. Bumukas ang pinto at pumasok si Millie. May dala itong tray na puno ng pagkain.
“Ganda, dinala ko na rito ang pagkain mo. Utos ni Ser…” saglit nitong tiningnan si Gabriel pero agad din na ibinalik ang mga mata sa kaniya. “Uh, ano po ba ang nangyari at nilagnat—”
“Ako na ang bahala sa kaniya, Millie.” Sabat ni Gabriel.
“Sige po, Ser...”
Inilapag ni Millie sa bedside table ang tray. Pagkatapos ay saglit na sumulyap sa kaniya pero agad din itong lumabas ng silid.
“Hindi ka ba papasok sa trabaho?” tanong niya, nang makitang mag-aalas otso na ng umaga. Hindi rin ito nakabihis ng pang-opisina.
Tumitig ito sa kaniya na ikinailang niya kaya agad na nag-iwas siya ng tingin dito. Hindi pa nakatutulong ang lakas ng t***k ng puso niya.
“Hindi ako magtatrabaho ngayon.”
Muli niya itong tiningnan. Tumango siya at hindi na nagsalita pa. Nakita niyang kumunot ang noo nito at pagkatapos ay mabigat ang tingin na tinititigan na naman siya. Para itong may iniisip na kung ano base sa kislap ng mga mata nito.
Kinuha nito ang tray at inilagay sa isang bed table. Umupo ito sa tabi ng kama nito at dinama ang mangkok ng sabaw. Hindi naman niya napigilan ang sarili at napatitig dito na seryoso at halos nagsisisi.
Gusto tuloy niya itong tanungin kung nagsisisi ba ito sa nangyari sa kanila. Kung pagbabasehan niya ang seryoso nitong mukha at tila galit, siguro nga nagsisisi ito. Lalo pa at hindi ito nakapasok sa trabaho dahil iniisip nito na obligasyon nitong alagaan siya.