EMERALD struggled but refused to give up on walking without the crutches. She was sweating profusely, but she didn't mind at all. She was determined to walk again, para makapag-OJT na siya.
Nasa malawak na garden siya sa likurang bahagi nitong mansion. Kasama niya ang dalawang kasambahay na sina Millie at Dory at ang dalawang bodyguards ni Gabriel para magbantay.
Hindi siya sanay na may mga taong nakatingin at nagbabantay sa kaniya pero wala naman siyang magagawa dahil ayaw naman niyang mapagalitan ang mga ito ni Gabriel.
Though, wala naman ito ngayon sa mansion dahil nasa trabaho ito. Kaya ginawa rin niyang oportunidad para maglakad na walang tulong mula sa crutches.
Dalawang araw na ang lumipas simula nang mangyari iyon at nilagnat dahil nagkaroon siya ng laceration. Uminit na naman ang pisngi niya. Masakit pa rin ang pagitan ng mga hita niya pero hindi na katulad noong unang araw matapos ang gabing iyon.
Buong araw rin siyang binantayan ni Gabriel kaya hiyang-hiya talaga siya lalo pa at um-absent pa ito sa trabaho at kinansela ang mga meeting nito dahil sa kaniya. Pero sa buong araw na iyon ay hindi naman nila napag-usapan ang nangyari.
Pareho silang tahimik na dalawa na ipinagpasalamat niya dahil sobra-sobra talaga ang kahihiyang nararamdaman niya. Pero minsan naisip niya na baka umakto itong tila walang nangyari dahil wala lang talaga iyon sa lalaki. At nasasaktan siya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Aaminin niyang unang kita pa lang niya sa lalaki ay attracted na talaga siya rito. Pumayag siyang tulungan ito sa problema nito at nagpakasal dito dahil gusto niya ito. Wala rin itong ibang ginawa kundi alagaan siya, kaya hindi na talaga niya mapigilan ang nararamdaman dito.
And that’s why when he initiated that kiss, with his every touch, she gave in.
"Naku, Ma’am Emerald, baka pwedeng itigil mo na iyan. Mapapagalitan na talaga kami ni Ser nito eh," aligagang saway sa kanya ni Millie.
Natigil naman siya at tiningnan ang babae. Millie looked so stress habang hindi mapakaling nakatingin sa kanya. Nang tingnan niya si Dory ay gano'n din ito. Panay pa ang tingin nito sa dalawang bodyguards na nakabantay sa kanila. Tila may hinihintay ito ng kung ano mula sa mga iyon.
Napasimangot na paika-ikang naglakad siya palapit sa bench. Magpapahinga na muna siya. Ilang minuto rin naman na sinusubukan niyang maglakad-lakad.
Nang makita niyang nag-uunahan sa pagtakbo sina Millie at Dory para tulungan siya ay kaagad niyang itinaas ang dalawang kamay para patigilin ang mga ito.
"I give up, okay? Kaya hayaan niyo na ako rito," aniya sa dalawa.
Nang tuluyang makalapit siya sa bench ay kaagad siyang naupo roon at itinuwid ang kanyang mga binti.
Huminga siya ng malalim at sinipat ang paang may pinsala. Kahapon lang tinanggal ni Ate Reichel ang bendahe n'yon nang bisitahin siya para i-check siya ulit.
Ang sabi nito, puwede na raw niyang itapak ang paa niya pero hindi lang muna niya bibiglain dahil kahit hindi na iyon namamaga ay makakaramdam pa rin siya ng kaunting kirot. At iyon nga ang nararamdaman niya kanina.
Nagulat pa siya nang biglang nag-eskwat si Dory sa may paanan niya. Si Millie naman ay nasa bandang likuran niya at pinahiran ang pawis na pawis na niyang noo sa dala nitong bimpo.
Napangiwi siya. "Thank you, Millie, pero pwedeng ako na ang gagawa," aniya at kaagad kinuha ang bimpong hawak nito.
Pagkatapos ay binalingan niya si Dory at agad iniwas dito ang paa niyang hawak na nito nang mamasahiin na sana nito.
"Dory, okay lang talaga ako. Advise rin naman iyon ni Dra. Reichel na kailangan kong maglakad-lakad."
“Pero sabi po ni Ser—"
"I told you to not force yourself to walk.”
Pareho silang tatlo na natigilan nang marinig ang boses ni Gabriel. Mabilis na napatayo si Dory at agad na tumabi kay Millie na tila naging estatuwa na sa kinatatayuan nito.
Napalingon siya kay Gabriel. Agad naman niyang nahigit ang kaniyang hininga nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. Magkasalubong ang mga kilay nito. Madilim ang mga mata kaya alam niyang galit ito.
Nang muli niyang tingnan sina Dory at Millie ay parang maiiyak na ang mga ito sa takot.
“Sige na, pumasok na muna kayo sa loob. Ako na ang bahala,” aniya sa mahinang boses.
“S-Sige po, Ma’am Emerald,” ani Dory at agad na hinila si Millie papasok ng mansion.
Mabilis naman na nakalapit sa kaniya si Gabriel.
“What do you think you’re doing?” he asked.
Madilim pa rin ang mga mata na nakatitig sa kaniya.
“Nag-try lang akong maglakad na walang gamit na saklay,” sagot niya rito sa relax na tono.
Pero ang totoo, gusto na lang niyang magtago. Kinakabahan na rin.
He sighed. Lumamlam ang mga mata nito.
“I told you not to force yourself…” nag-eskwat ito sa harap niya na agad naman niyang ikinailang.
She flinched slightly, and her muscles tensed as he reached out and gently held her left ankle with his hand.
“Kaya ko naman.” Pasimple niyang hinila ang paa mula sa pagkakahawak nito. Binitiwan din naman nito iyon agad. “S-Saka iyon naman ang sinabi kahapon ni ate Chel na subukan kong maglakad.”
Iwas na iwas siyang salubungin ang mga mata nitong alam niyang nakatitig na naman sa kaniya habang naka-eskwat pa rin ito sa harap niya.
“But not too much.”
Napatingin siya rito ng dumiretso ito ng tayo. He was only wearing his white long sleeve inner button-down shirt. Wala itong suot na necktie at bukas ang unang dalawang butones doon.
She remembered what happened again that night. Naalala niya kung gaano kaganda ang katawan na nakatago sa likod ng mga damit na iyon.
Nag-init ang pisngi niyang iniwas ang tingin dito.
“Uhm…” she tried to swallow her nervousness. “Bakit ka pala nandito?” tanong niya, para ibahin ang usapan. “I—I mean…uh, ang aga mong umuwi.”
Pinanatili niya sa ibang direksyon ang mga mata. Ayaw niya itong tingnan dahil feeling niya, mas masasaktan lang siya kapag nakita niya sa mga mata nito na balewala lang talaga para rito ang nangyari sa kanilang dalawa.
Ang hirap pala ng ganito. Iyong may mangyari sa inyo ng taong gusto mo pero wala naman kayong commitment. Oo, kasal sila. Asawa niya ito. Pero sa papel at hanggang doon lang iyon. Dahil pagkatapos ng lahat, kapag makuha na nito ang gusto nito, maghihiwalay rin sila.
Kaya hindi niya alam kung may karapatan ba siyang maghabol sa isang importanteng bagay na willing naman niyang ibinigay.
“I can’t concentrate on my work knowing my wife is avoiding me after that night.”
Huh?
Agad nabaling ang tingin niya rito. Bahagya pang umawang ang bibig niya. Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng dalawang araw, na umaakto itong tila walang nangyari ay magsasalita ito.
Hindi rin niya napaghandaan ang sobrang lakas ng t***k ng puso niya nang muli niyang matitigan ang mga mata nito. Those grey eyes. Dalawang araw na rin na hindi niya ito natitigan nang ganito kalapit. Na deretso sa mga mata nito.
Oo, iniiwasan niya ito. Pero iyon ay dahil wala siyang mukhang ihaharap dito lalo pa at tila wala lang dito ang nangyari sa kanila.
Natawa ito pero ramdam niya ang inis nito sa tawang iyon. He was looking down at her, dahil nakatayo ito sa harapan niya at siya ay nanatiling nakaupo kaya nakatingala rin siya rito.
“How can you act like nothing happened?” he asked.
Tulala pa rin siyang nakatingin dito, hindi makapagsalita. At sa bawat segundong walang lumalabas sa bibig niya ay mas lalong ikinainis ni Gabriel.
“F**k!” Mura nito na ikinalaki ng kaniyang mga mata. “So, this is how those women felt when I act like nothing happened after I f****d them, huh? Nakakaputang-ina sa inis.”
Suminghap siya. Alam niyang ang dami nitong babae dahil sinabi iyon ni Scarlett sa kaniya noon. Na matapos itong iwan ng babaeng minahal nito ay naging mapaglaro na ito sa mga babae.
Pero ngayong naririnig na niya sa mismong bibig nito… bigla ay umahon ang inis niya. Naiinis siya. At ano raw? Siya pa talaga ang umaakto na parang walang nangyari?
“Anong ako? Ikaw itong umaakto na tila walang nangyari!” Hindi na niya napigilan ang inis.
“What?” he chuckled. Pero ang mga mata ay punong-puno ng inis. “Tang-ina—”
“Stop cursing, Gabriel!” inis niyang suway.
Pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy pa sa pagsasalita.
“I am damned worried that you got a fever. Pero hindi mo ako kinakausap. Then ate Reichel told me you regretted what happened between us. Gusto kitang kausapin. Pero sa tuwing lalapitan kita, lagi kang lumalayo o kung hindi man ay lagi kang may excused para lang hindi kita makausap.”
Gulat at namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. Sinabi iyon ni ate Chel? Pero bakit naman ito magsinungaling kay Gabriel?
Halos maiyak naman siya sa sobrang inis na nararamdaman niya. Ilang araw siyang halos hindi mapakali sa isipin na wala lang kay Gabriel ang nangyari. Ilang gabi na rin siyang hindi nakatulog sa pag-iisip, nasasaktan pa nga siya sa pangbabalewala nito tapos ngayon, siya pa ang sisisihin nito?
“Hindi ko pinagsisisihan iyon!” Naiiyak sa inis niyang sabi.
“F**k it!”
Sunud-sunod itong nagpakawala ng ilang mga mura na ikinainis naman niya ng sobra.
“H’wag ka nga sabing magmura!”
Gabriel stared at her. His eyes were so intense. Ang mga titig nito ay tumatagos sa kaluluwa niya. Halos magwala naman ang puso niya sa loob ng dibdib niya.
“Then why were you avoiding me?”
“Dahil nahihiya ako, Gabriel.” Pag-amin niya. “You were my first, kaya hindi ko alam kung paano kita haharapin pagkatapos ng nangyari.”
Nagyuko siya ng ulo nang hindi na niya makayanan ang titig nito sa kaniya. Napatitig na lang siya sa mga kamay niyang nakakuyom na nakapatong sa magkabilang hita niya.
Naramdaman naman niyang naupo si Gabriel sa tabi niya. Pero may sapat naman na distansiya.
“I knew you’d be embarrassed,” he said. Mahinahon na rin ang boses. “Kaya ayokong pilitin kang pag-usapan ang nangyari dahil alam kong nahihiya ka. Nasaktan din ako sa sinabi ni ate Riechel na pinagsisisihan mo ang nangyari sa atin, so I gave way. Naghintay na lang ako na lapitan mo ako.”
“Hindi ko nga pinagsisisihan iyon.” Bumalik na naman ang inis niya.
Nag-angat siya ng tingin at sinalubong niya ang mga mata nito kahit sobra-sobra pa rin ang pagkabog ng dibdib niya. Wala na ang inis sa mga mata nito kanina.
“Kaya nga gusto kitang kausapin. Sabihin sa ‘yo na hindi ko pinagsisisihan ang nangyari sa atin. Pero iniiwasan mo ako.”
Napalabi siya. “Nahihiya nga kasi ako. Naisip ko rin na baka tratuhin mo ako kagaya ng mga fling mo. Sabi pa naman ni Scarlett, babaero ka. Sinabi mo rin sa akin kanina na marami kang naka-f****d na babae.”
He tsked. “That brat.” He groaned. “Hindi ako nag-uuwi ng babae rito sa bahay ko. And you’re not one of my flings, you are my wife.”
Uminit ang pisngi niya. Mas lalong kumalabog ang puso sa loob ng dibdib niya. Pero nang maisip na baka hihiwalayan siya ni Gabriel kapag bumalik na ang babaeng mahal nito, agad niyang sinuway ang nagwawala niyang puso.
Kailangang ngayon pa lang rendahan na niya itong nararamdaman niya.