MANGHANG nakatitig habang nakatingala si Emerald sa napakataas na building ng SGDSteel Enterprises & Constructions sa harap niya.
Kita rin niya ang kulay ginto na nakaukit na pangalan ng kompanya.
Hanggang ngayon hindi pa rin niya mapaniwalaan na sa pangarap niyang kompanya siya magte-training. At kahit na nakapasok lang siya rito dahil sa pakikipagkasundo niya kay Gabriel, hindi niya hahayaan na gano'n ang maging tingin ng mga tao sa kaniya.
Gagawin niya ang makakaya niya at ipakita sa mga bosses dito na nakapasok siya rito dahil magaling siya.
“Kaya ko 'to” bulong niya sa sarili. Kakayanin niya.
Sa bawat hakbang papasok ng building, ramdam niya ang kaba at excitement na magkahalong bumabalot sa kanyang dibdib.
Kalabisan mang pangarapin, pero sana rito rin siya magtatrabaho balang araw. Magustuhan ng kompanya ang mga designs niya at kunin siyang permanenteng empleyado.
Magaling na ang na-sprain niyang paa kaya pinayagan na rin siya ni Gabriel na pumasok na sa unang araw niya sa kaniyang On-the-Job training. Gusto pa nga sana nitong isabay siya papunta rito. Pero hindi na siya pumayag.
"Nag-usap na tayo, hindi ba? Na hindi tayo puwedeng makita ng mga empleyado mo na magkasama o magkausap man lang. Hindi puwedeng malaman nila na magkakilala tayo, na mag-asawa tayo." At isipin ng mga ito na nakapasok lang siya dahil may koneksyon sila ng may-ari ng kompanya.
Gusto sana niya iyong idagdag pero pinili niyang itikom ang bibig.
Maaga talaga siyang gumising para mauna siyang makaalis. Alas siyete ang alis nito papunta sa kompanya kaya mas inagahan pa niya. Kaya alas sais pa lang ng umaga ay nakagayak na siya. Ito naman ay kagigising pa lang.
Mukhang hindi rin maganda ang gising nito dahil nakabusangot na agad ang mukha nito. Mas lalo pang bumusangot nang ipaalala niya rito ang napagkasunduan nila.
"Fine, then let Mang Rene take you to the company," sabi nito.
Tumayo ito at naglakad papasok ng banyo. Pero bago pa man ito makapasok nang magsalita siya.
"Hindi rin puwede."
Kunot ang noong nilingon siya nito. "No way. Hindi ka sasakay ng taxi, Emerald."
Siya naman ang napakunot ang noo. "Ano-"
"And if you will insist, I will also insist to go with you," putol nito sa kaniya.
Napabuntong-hininga na lang siya. “Pero, ayokong makaabala, Gabriel,” sagot niya.
“Abala? Hindi ka abala,” anito, na may halong inis at pag-aalala sa boses. “Mas gusto kong siguraduhin na ligtas kang makakarating sa kompanya at umuwi rito.”
Alam niyang hindi siya mananalo sa argumento kaya hindi na niya sinubukan pang makipagtalo rito at ipipilit ang gusto niya.
Napatitig siya sa mga mata nito. Mula nang may mangyari sa kanila, mas lalo pa niyang naramdaman ang pag-aalaga nito sa kaniya. Mas lalo rin na lumalim ang naramdaman niya rito. Alam niyang hindi na lang simpleng crush ang nararamdaman niya kay Gabriel, mahal na niya ito.
Pagkapasok niya ng building ay agad bumungad sa kaniya ang napakalawak na lobby. Dumeretso siya sa may receptionist area at nagtanong.
"Good morning, Miss. Isa po ako sa mga intern mula sa PUS University. Magtatanong lang sana ako kung saan po rito ang HR Department?" magalang na tanong niya sa babaeng receptionist na naroon.
Mula sa screen ng computer na nasa harap nito at abala sa ginagawa ay nag-angat ng tingin sa kaniya ang babaeng receptionist.
Ngumiti ito. Napatitig pa ito sa kaniya, hindi niya alam kung humanga o ano?
"Can I have your school ID, Miss?" nakangiti pa rin nitong sabi.
Agad naman niyang kinuha ang kaniyang school ID sa loob ng kaniyang bag at ipinakita rito.
"Kate Emerald Arguelles, ikaw 'yung intern na in-excuse ng Professor sa loob ng dalawang linggo dahil na-sprain ang iyong kaliwang paa?"
Tumango-tango naman siya. "Yes po, Ma'am."
Ngunit bago pa man ito muling nakapagsalita nang may lalaking naka-corporate attire ang lumapit sa kanila at biglang naging tensyonada ang babaeng receptionist.
"Good morning, Sir Gary," magalang na bati ng babaeng receptionist sa lalaki.
Isa yata ang lalaki sa mga boss dito. Tumango lang ang lalaki rito at ibinaling agad sa kaniya ang mga mata.
"Miss Kate Emerald Arguelles?" tanong nito.
Nagtaka man kung bakit siya nito kilala pero tumango naman siya.
"Yes, Sir. Ako nga po," magalang niyang sagot sa lalaki at bahagya niya rin itong nginitian.
"I'm Gareth de Guzman, Engineer De Sandiego's executive assistant," pagpakilala nito sa kaniya.
Kaya pala biglang naging alerto ang babaeng receptionist kanina at binati ito ng may paggalang. Executive assistant pala ang lalaki ng President at may-ari nitong kompanya .
Nagulat naman siya nang maglahad ito ng kamay sa harap niya.
Akmang tatanggapin na sana niya ang pakikipagkamay nito sa kaniya nang biglang ibinaba nito ang kamay. Nakitaan niya pa ng takot ang mukha nito na nakatingin sa likod niya.
"Good morning, Engineer De Sandiego,"
Narinig niyang bati ng receptionist at ramdam niya pa ang bahagyang takot sa boses nito kaya mabilis na pumihit siya paharap sa kaniyang likod.
Agad naman niyang nahigit ang hininga nang nagtama ang mga mata nila ni Gabriel. Nakabawi rin naman kaagad siya at binati ito.
"Good morning, Engineer De Sandiego," bahagya pa siyang yumukod para sa paggalang.
He stared at her darkly, na mas lalong nagpakaba sa kaniya. Nakita rin niya ang bahagyang paggalaw ng panga nito. Kaya alam niyang hindi nito nagustuhan ang pagtawag niya rito ng Engineer De Sandiego.
Nang hindi niya makayanan ang titig nito sa kaniya, ay iniwas na lang niya ang tingin dito.
"Gary," tawag nito sa executive assistant nito, na agad namang tumugon.
"Yes, Engineer,"
"Have you discussed with Miss Arguelles what she will do as an intern here in the company?" he asked coldly.
Napakurap siya sa lamig ng tono ng boses nito. Hindi siya sanay na marinig ito sa ganitong tono lalo na sa tawag nito. Sanay kasi siya na kinakausap siya nito ng malumanay at may pagsuyo. Naging malamig lang ito kapag may hindi sila napagkakasunduan. And so far, matagal-tagal na rin iyon.
Siguro kailangan na niyang masanay dahil mula ngayon, dito sa kompanya, boss niya ito at hindi asawa. At mukhang pagdating sa trabaho, napakaseryoso nito at nakakaintimida. Siya rin ang may gusto nito. Ang isipin nitong hindi sila magkakakilala na dalawa. That what they had in this company is purely an employee-employer relationship.
"Not yet, Engineer, but I was about to—"
"In my office," putol nito kay Sir Gary at agad nilagpasan ang lalaki.
Nanatiling nakatayo lang siya. Hindi naman kasi niya alam kung susunod siya kay Gabriel gaya ni Sir Gary. Pero hindi pa man nakalayo si Sir Gary nang huminto ito at nilingon siya.
"Come with us, Miss Arguelles," sabi nito.
Tumango siya at mabilis na kumilos at agad na sumunod dito.
Naabutan nila si Gabriel na nasa loob na ng elevator. Pumasok kaagad si Sir Gary sa loob at pumuwesto sa tabi ng boss nito.
Sumunod din siya sa pagpasok at pinili niyang sa likod siya ng mga ito pumuwesto.
Nakita niyang pinindot ni Sir Gary ang top floor, saka lang nagsara ang pinto ng elevator. Halos pigilan na niya ang kaniyang paghinga nang magsimula nang umandar paitaas ang elevator. Lalo pa nang makita niya si Gabriel mula sa repleksyon sa elevator wall na nakatitig pa rin sa kaniya.
"What's my schedule today, Gary?" Gabriel asked. His dark stares remain on her reflection.
Tumungo siya at itinuon na lang ang mga mata sa sahig ng elevator.
"You have a meeting with the team at 10 a.m., para sa Monterraza Hotel na itatayo sa Cebu. Sa hapon ay may outside meeting kayo, with Architect Gavin Altamirano..."
Marami pang sinasabi si Sir Gary tungkol sa schedule ni Gabriel ngayong araw. Nakikinig lang siya hanggang sa tumunog ang elevator, at ilang saglit pa ay bumukas iyon.
Bumungad sa kanila ang iilang empleyado na nasa kaniya-kaniyang cubicle ng mga ito at busy sa ginagawa sa harap ng computer.
Agad din na bumati ang mga ito kay Gabriel, na tumango lang at agad din na dumeretso sa loob ng opisina nito.
"Stay here. Babalikan kita," ani sa kaniya ni Sir Gary.
Tumango lang siya. "Sige po, Sir."
Mabilis din itong sumunod sa boss nito at pumasok ng opisina.
Habang naghihintay ay inabala na lang muna niya ang sarili sa pagmamasid sa paligid.
Sobrang lawak ng buong palapag, at iilan lang ang empleyado, na sa tingin niya hindi man lang aabot ng sampu, ang nandito. Wala rin siyang ibang naririnig kundi ang maya't mayang pagtunog ng intercom at ang ingay ng keyboard sa bilis ng pagtipa.
The whole floor was made of glass wall. Kaya mula rito sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang mga nagtataasang mga building sa labas.
Iniisip tuloy niya kung saan siya maa-assign. Kung dito ba o sa ibang departamento. Pero sana sa ibang department na lang. Kung dito, baka maiilang lang siya at maya't maya niyang makikita si Gabriel.
Dumako naman ang tingin niya sa opisina nito. Gawa rin sa makapal na glass ang opisina. May nakaharang lang na blinds kaya hindi makikita ang kung sino man ang nasa loob mula rito sa labas.
"Hi,"
Napakurap siya at agad nalipat ang tingin niya sa lalaking nasa harap niya. Hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito sa kaniya.
Katulad ni Sir Gary ay naka-corporate attire din ito. Sa tingin din niya ay nasa mga early 20's lang ang lalaki.
"Isa ka rin ba sa mga intern? tanong nito sa kaniya.
Tumango siya. "Yes, Sir."
"From what University? Tatlong University kasi ang na-approved na rito magte-training ang mga estudyante nila."
"Philippine University of Sciences,"
Nakita naman niya ang pagkamangha sa mukha nito. "Wow. Parehas pala tayo ng school."
"Intern ka rin?" tanong niya.
He chuckled and shook his head. "No. But I graduated in PUS."
Hindi na niya napigilan ang sarili at napangiti na siya. Nakakagaan ng loob na may makausap na nagtapos din sa University kung saan siya nag-aaral.
"Anyway, I'm Engineer Jerome Villafuerte," pagpapakilala nito sa kaniya at naglahad pa ng kamay sa harap niya.
"Kate Emerald Arguelles,"
Aabutin na sana niya ang kamay nito nang bumukas ang pinto ng opisina ni Gabriel at iniluwa n'yon ang executive assistant nito.
"Miss Arguelles, pumasok daw kayo at kakausapin ka ni Engineer De Sandiego," ani Sir Gary, halata sa mukha nito ang sobrang tensyon.
Tumango siya at mabilis na naglakad palapit sa opisina ni Gabriel. Agad naman na nilakihan ni Sir Gary ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya.
Nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ay agad din nitong isinara ang pinto.
Agad din niyang naramdaman ang lamig ng buong opisina at naaamoy niya ang panlalaking pabango ni Gabriel na gustung-gusto naman niya dahil hindi masakit sa ilong.
Nakita naman niya ito na nakaupo sa swivel chair sa likod ng malapad at gawa sa matibay at makintab na kahoy na desk. Ang mga mata ay nakatuon sa harap ng nakabukas na laptop.
He look up. Nagsalubong agad ang mga mata nila.
"Have a seat, Miss Arguelles," Gabriel said in a business like tone.
Itinuro pa nito sa kaniya ang isa sa dalawang upuang magkaharap na nasa harap ng desk nito.
Bahagya na naman siyang natigilan pero saglit lang at nakabawi rin naman kaagad siya. Napalunok siya. Saka mabilis na naupo sa upuang nasa kanang bahagi.
"You will be train under my team for eight hundred hours."
"Po?" gulat niyang bulalas. Namilog pa ang mga mata niya.
Kanina lang niya wini-wished na sana hindi rito sa depatment nito siya ma-aasign. Pero tingnan mo nga naman itong nangyari.
"Is there any problem, Miss Arguelles?" Gabriel asked. Hindi pa rin nagbago ang tuno ng boses nito.
Uminit ang pisngi niya sa hiyang nararamdaman nang napatingin sa kaniya ang executive assistant nito.
Napalunok siya. "Ah... n-nothing Engineer De Sandiego,"
Nanliit ang mga mata nito. Tumikhim siya at umayos sa pagkakaupo.
"Good. Be here by seven-thirty in the morning. Off mo every weekend. Ask Gary for my calendar. Ikaw na ang mag-o-organize ng mga appointment ko at sasagot ng mga tawag. If it isn't a client don't connect it to me."
Hindi siya makaimik sa mga pinagsasabi nito. Kanina lang niya sinasabi rito na hindi sila puwedeng makita ng mga empleyado nito na magkasama o magkausap. Pero ang ending ito rin pala ang magte-train sa kaniya.
Hindi naman sa nagrereklamo siya. Dahil lahat ng mga intern, saan mang University nanggaling, pinapangarap na ma-train ng isang Engineer Scott Gabriel De Sandiego, kaya lang ibang kaso kasi sa kaniya.
"We have so much time, and I'll teach you what you need to learn one by one. Sa ngayon, lang iyan muna," pagpapatuloy nito.
Tumango siya. Pero labag naman iyon sa loob niya. Kakausapin talaga niya ito kapag nakauwi na sila pareho sa mansyon.