Chapter 41

1473 Words

Walang anu-ano’y sumagi sa isip ko si Elliot. Kung ganoon, narito siya para kunin ang huling kinakailangan niya mula sa amin. Ang kapangyarihan ng ibon ang nag iisang dahilan ng lalaking ito. Ikinalulungkot ko nga lang dahil hindi iyon kailanman mapapasakanya. Pansamantalang natuon ang isip ko sa pag aalala sa iba pang mga kasamahan. Hindi ko maiwasang isipin kung mayroon kayang pag asa na may sumagip sa akin dito? Kung sakali man, sanay hindi na lang din dahil ikinakatakot na may magbuwis ng buhay kapalit ng sa akin. Para sa akin, hindi katanggap tanggap iyon dahil naniniwala akong ang bawat buhay ng Adelian ay importante. Walang higit na importante sa buhay ko dahil marapat lang na pantay pantay lamang ang lahat. Natigilan ako sa pag iisip ng maramdaman kong muli ang presensya ni Zyld

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD