Pagsapit ng takip-silim at naghahanda nang muli si Aivan sa paglisan sa kampo. Tulad ng nakagawian ay sinamahan ang binata ng isa sa mga kawal nila Elliot. Bago magsimula sa paglalakbay, nakuha muna nitong magpaalam sa mga nakasama at doon na nga ito humayo matapos noon. “Boss Chief, mauuna na ako sa labasan. Kailangan ko pa kasing pumasok sa paaralan. Ipagpapaalam ko na rin sana na hindi ako makakabisita sa mga susunod na araw dahil parating ang mga magulang ko galing sa trabaho,” paliwanag ni Aivan na sinuklian lamang ng tango ng babaeng kawal. Saglit pa ay dumating naman si Elliot sa direskyon nila at binigyan ng basbas ang lalaki sa pag uwi nito. “Mag iingat ka sa pag uwi, Aivan. Sa susunod na pagbisita mo, sisiguraduhin ko na handa na ang susunod na pangkat ng mga Adel

