Chapter 38

1531 Words

Sa nagdaaang mga buwan, nagpatuloy ang pag eensayo, pagtuklas ng mga sandata at pati na rin ang pagtuloy nila Elysia sa pagpasok sa akademya. Nagawa na ring pasunurin ni Elliot sa mundo ng mga tao ang mga natitira pa noong mga Adelian.   Kamakailan lang ay nagtagumpay sina Aivan sa pagrerebisa ng mga sangkap sa ginagawa nilang likido na ipapahid sa mga palaso at iba pang armas. Patungkol sa lason, aksidenteng napag alaman ni Elliot na ang dugo niya ay lubhang nakakaapekto sa sistema ng mga kampon ni Zyldian nang minsan nilang tambangan ang prinsipe habang nag hahanap ng pagkain.   Sa hinuha nila ni Wynnona, maaaring ang presensya ng ninuno nilang ibon ang nagbigay ng ganoong reaksiyon sa dugo ng Prinsipe. Hindi man sigurado, iyon na lamang ang pinaniwalaan nila dahil wala rin silang sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD