Lulan ng sasakyan, nagsimulang paandarin ni Aivan ang makina at saka tinahak ang daan patungong kainan. Naging tahimik ang byahe nila ngunit hindi ganon kailang sa tulong ng saliw ng musika’ng nang gagaling sa radyo. Higit kalahating oras din ang itinagal bago marating ng dalawa ang lugar ng pagdadausan ng hapunan. Sa sandaling maiparke ng binata ang sasakyan, mabilis itong bumaba ng kotse upang pagbuksan sa kabilang pinto si Elysia. Nagpasalamat naman noon ang dalaga sa kanya. “A-uhm, d-dito tayo, Elysia.” pinangunahan ng lalaki ang paglalakad patungo sa b****a ng restawran. Tahimik namang sumunod si Elysia at hinayaan ang lalaking magpaka pormal sa harapan niya. Matapos pagbuksan ng pinto ng isa sa mga trabahante roon, itinuro rin sa kanila ang naka reserbang mesa para sa dalawang tao

