Chapter 5

1334 Words
Habang patuloy pa rin'g naririnig ang ingay na nagmumula sa pulutong nina Elliot, tinatahak nina Wynonna at Elysia ang gitnang bahagi ng pulutong. Gayon pa man, lihim naman na sinusundan ng itim na rabena ang dalawa. "Maglalagi ako sa likurang bahagi mo upang protektahan ka para sa anumang atake na magmumula rito sa lupa. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, Elysia!" hingal na sigaw ni Wynonna sa pag asang maririnig siya ng prinsesa sa gitna ng gyera. Hindi  naman nabigo ang babaeng kawal nang mapansin niya ang pagtango ni Elysia habang sinasabayan ang takbo ng kasama. "Hindi mo bagay ang masyadong seryoso Wynonna. Alam ko ang kakayahan mo at nagtitiwala ako," ani ng prinsesa. Muli pang nagsalita ang babaeng kawal. Aniya, "Hindi rin ako sanay sa pagiging seryoso pero kinakailangan ko dahil sa kasalukuyan natin'g sitwasyon. Tunugan mo ako sa sandaling magpapalit anyo ka-" At hindi na nga nagawang tapusin ng babaeng kawal ang kanyang sinasabi. Ilang sandali pa lamang, hindi inaasahan ng lahat ang biglaang pagsabog at sunod na pag usbong ng mala-dagat na apoy sa himpapawid, senyales ng pagpapalit anyo ni Elysia bilang isang marikit na ibon. "Woy! Ang sabi ko tunugan mo ako.... Aish! Hindi ko inaasahang may natitira ka pang pagka pilya Elysia!" baling ni Wynonna habang nagkakamot ng ulo. Sa puntong iyon, sandaling natigilan ang mga kawal upang admirahin ang tayog ng kanilang ninuno. Hindi rin nila alintana ang panganib nang sandali pa silang magbigay galang sa malaking ibon. Napansin iyon ni Elysia. Bahagya niyang kinamuhian ang aktong iyon dahil batid niya ang panganib na dala ng pagiging magalang ng mga nasasakupan nila. Malaking posibilidad na gamitin ng kalaban ang pagkakataong iyon upang atikihin ng mga ito ang mga kasapi niya.  Sa loob loob ni Elysia, hindi kinakailangan ang palagiang pagbibigay galang nila lalo pa sa ganitong sitwasyon. Gayon pa man, isinantabi na ni Elysia iyon at nagsimulang umatake sa mga kalaban. Isa at higit pang pagkakataon, nagawa nitong paliyabin ang ilang grupo ng hindi makilalang mga imahe ng kalaban. Kung pag mamasdang mabuti, nahahawig ang ilan sa mga kalaban sa imahe ng minotore, centaure, chimera at iba pang hindi matukoy na pangalan. Naputol naman ang pagmamasid ni Elysia nang marinig ang tinig ng kapatid na si Prinsipe Elliot. "Elysia!! Sa harapan mo-" Natunugan man ng prinsesa ang abiso ng kapatid, huli na ang lahat nang maramdaman niya ang malakas na pagtama sa kanya ng isa pang balangkas ng ibon. Sa hindi inaasahang lakas ng banggaan, tumilapon si Elysia sa direksyon ng magilan-ngilan na imprastraktura. Nakuha pang mabasag ng mga bato roon na siyang naging dahilan upang matabunan ang phoenix sa gawi noon. Ilang saglit pa, ang bunton ng mga bato ay nagliwanag at iniluwa naman noon ang sugatang si Elysia. Segundo lamang ang pagitan at dumating sa harapan ng prinsesa ang itim na rabena na sa kaparehong sandali ay nagpalit anyo bilang tao. "May pagkakataon kang sumuko habang hindi pa malubha ang pinsala ng ninuno," walang emosyon'g tinig ni Aihara. Itinaas ni Elysia ang tingin sa babaeng nasa harapan niya. Kasabay noon, sinalubong siya ng blangkong titig ng kasama. Maya-maya pa, humakbang si Aihara ng dalawang beses at saka ibinaba ang isang tuhod upang pantayan si Elysia. Ani muli ng dalaga habang marahang inilapit ang kamay sa pisngi ng prinsesa, "Tulad ng iyong ama, mahina ka rin pala... kung tutuosin, mas mahina-" Hindi iyon natapos nang sampalin palayo ni Elysia ang kamay nito. Sa isang iglap ay binalot ng nakasisilaw na liwanag ng apoy ang buong pagkatao ng prinsesa. Idagdag pa ang mga mata niyang kasabay na ipinaskil ang kaparehong tinta'ng kinatatakutan ng kapatid niyang si Elliot. "Hindi mahina ang amang Hari!!" "Kung iyon ang nais mong paniwalaan, Prinsesa Elysia. Hindi kita pipigilan," walang emosyong hatid ng babae.  Maya maya pa, inilapat ni Aihara ang kamay niya sa harapan ni Elysia na siyang pinagtaka naman ng dalaga. Magtatanong na sana ito nang bigla nalang lumitaw ang palaso sa dibdib ng babaeng kasama. "Pasensya na at nahuli akong bahagya," wika ng hindi pa natutukoy na tinig mula sa kaprehong lugar. Walang bahid ng kahit anong reaksyon'g tinitigan ni Aihara ang nag liliyab pang palaso sa dibdib nito. Ilang saglit pa'y agresibo niya itong hinatak paalis sa katawan. Noon lang nagkaroon ng reaksiyon ang babae nang magbitaw ito ng maliit na ngiti sa mga labi. Sa isip ng itim na rabena, napakaliit na abala lamang iyon kumpara sa maari nitong iganti sa kung sino man ang gumawa noon sa kanya. Palibhasa'y walang amor sa paligid, hinayaan niya na lamang ang ideya ng pag ganti at isinantabi ang pag atake sa kaniya. "Subukan mong saktan ang prinsesa at hindi ako magdadalawang isip na pangalawan ng punyal ang katawan mo," sambit muli ng naunang tinig. Noon din, napagtanto ni Elysia na ang kaibigan niyang kawal ang nagsasalita mula sa likod ng babaeng rabena. Hindi naman magawang hindi mag alala ng Prinsesa para kay Wynonna ngunit hindi niya pinahlata iyon. Sa sandaling ito, pinag iisipan ng dalaga kung ano ang susunod na magiging hakbang niya upang magapi ang rabena. Sa lalim ng iniisip, huli na ng mapansin ng prinsesa ang babala ng kawal. "-Takbo Elysia!" sigaw ni Wynonna habang tangan pa rin ang armas nito. Ganon na lang at muling nagpalit ng anyo bilang itim na Rabena ang kasama at mabilis na tinangan si Elysia sa magkabilang kamay. Hindi alintana ni Aihara ang pag atakeng ginawa ni Wynonna sa kanya ilang minuto lang ang lumipas. "Hindi mo na sana pinalala pa ito," baling ng Rabena habang itinataas sa himpapawid ang prinsesa.  Sa parehong pagkakataon, batid ni Prinsipe Zyldian ang bawat hakbang na ikinikilos ng kasaping itim na ibon. Buhat pa man noon ay mayroon ng matinding koneksyon ang dalawa sapagkat nasa sailalim sila ng mahika ng ina ni Zyldian. Sinadya ito upang maging katuwang ng dalawa ang isat-isa para sa araw na ito. Habang nagaganap ang digmaan sa pagitan ng dalawang pangkat, abala naman ang dalawang prinsipe sa pag lalaban gamit ang taglay nilang mga kapangyarihan. "Pinapagod mo lang ang sarili mo Elliot, kung isusuko mo ang kaharian, hindi na sana dadanak ang dugo sa lupaing ito," timbre ni Zyldian bago magpakawala ng itim na mahika na mabilis namang inilagan ni Elliot. "Walang bagay na hindi mo paghihirapan. Lalaban ako at ang pangkat ko at uubusin namin kayo!" Balik ni Elliot at saka naman sumugod upang ibato ang atakeng natutunan niya mula sa kanyang ama. Sa kaparehong sandali ay ibuga ng kamay ni Elliot ang nanlilisik na apoy nito sa lalaking nasa harapan niya. Hindi naman siya nabigo dahil natamo ni Zyldian ang pinsala ng atake na naging dahilan upang bahagyang mabutasan ang suot nitong baro.  "Hindi mo ko matatalo sa ganoong klaseng atake!"    Kasunod ang galit na tono ay ang sunod-sunod na pag tawag ng itim na mahika ng lalaking naka baro. Di kapares ng nauna, mas malakas ang intensidad ng mga ito na siyang halos magpa buwal kay Elliot sa kinatatayuan nito. Nagpatuloy ang dalawa sa pagpapalitan ng pag atake at natigil lamang nang marinig ang huni ng kasaping ibon ng itim na pangkat. Buhat ng pagsiklab ng tunog na iyon, ang lahat ay natigil sa kinatatayuan para pagmasdan ang mas eksplosibong pangyayari sa himpapawid. Habang tangan-tangan ng Rabena ang prinsesa, hindi nito inasahan ang muli pang pagpapalit ng anyo ni Elysia. Muling sumiklab ang mala-dagat na apoy sa langit buhat ng pagpapalit anyo ni Elysia na siyang naging dahilan ng pagliliyab ng mga pakpak ng Rabena.  Sa pag alpas palayo ni Elysia, nagawa pa nitong bugahan ng apoy ang paligid buhat na rin ng matinding emosyong dinadala mula pa kanina. Sa tindi ng dami ng apoy na inilabas nito, halos maubos niya ang kalaban sa direksyong kinalalagyan niya.  Sa kabilang banda, bahagyang nakaramdam ng kaba at pag aalala si Zyldian matapos masaksihan ang nangyari sa kanang kamay nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang sundan ng tingin si Aihara na ngayon ay nahihirapang ipagaspas ang nagliliyab na pakpak nito. "Hindi ito maaari!! ...Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo kay Aihara!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD