Chapter 6

2225 Words
Sa labis na galit na nararamdaman ni Zyldian, makikita ang maiitim na usok na bumabalot sa katawan nito, kung kanina ay konti lamang ang bumabalot rito ngayon ay siyang kabaligtaran naman. Dahil sa nangyari sa kanyang kanang kamay, hindi na ito nag aksaya pa ng oras upang hanapin an Amang Hari at Inang Reyna ng mga taga Adeleuse. Habang abala ang mga kawal sa ppakikipagdigma sa bawat isa, abala naman sa paghahanap si Zyldian sa paghahanap sa dalawang nakakataas na pinuo ng Adeleuse. Kalauna’y nahagilap ito ng kanyang mga mata. Isang malakas na hampas ang binigay nito sa kabayo nasiyang naging dahilan ng mabilis nitong pagtakbo papunta sa direksiyon ng kanyang pakay. Nabalot ng itim na usok ang kinaroroonan ng mag asawang Hari at Reyna. Ultimo kanilang mga kamay ay hindi na nila makita dahil sa usok, ilang sandali pa’y tila mga punong nagbagsakan isa-isa ang mga kawal na kasama nila. Nagsimulang bumalot ang kaba sa katawan ng Hari, at gaya ng inaasahan silang dalawa ng Reyna ay hawak na ng pinuno ng mga naghahasik ng kaguluhan. Madilim na usok at isang madilim na ngiti ang iginawad ni Zyldian sa Hari at Reyna. “Mukhang nagkamali ang anak niyo ng sabihin niyang hindi kayo mahihina,” ngising saad nito habang hawak-hawak ang dalawa. “Tignan naten kung hanggang saan kayang ipagtanggol ng inyong mga anak ang kahariang hindi na muling mapapasainyo,” giit na sabi ni Zyldian habang iginigiya niya ang mga ito sa gitna ng kaguluhan. Samantala sa himpapawid, nakita ni Elysia na ang kanyang mga magulang ay nasa kamay na ni Zyldian. Madali niyang hinanap si Elliot upang sabihin na kailangan nilang mailigtas ang Hari at Reyna. Sa Hilagang banda ng kaguluhan nakita ni Elysia si Elliot, bumuga ito ng apoy upang matulungan ang mga kawal at mabawasan ang mga kalaban. Pagkababa ay hindi na ito nag aksaya ng oras upang sabihin kay Elliot ang kapakanan ng magulang nila. Sa kabilang banda, nagsimula muling maghasaik ng maiitim na usok si Zyldian. Ito ay hudyat upang patigilin ang kanyang mga nasasakupan sa pakikipag laban. Ito rin ang hudyat upang ipakita sa mga taga Adeleuse na ang kanilang mga pinuno ay nasa binggit ng kapahamakan. Ilang sandali pa’y natahimik ang kapaligiran at lahat ay huminto sa pakikipagbaka. Naging sensyales ito upang malito ang mga kawal sa susunod na mangyayari. “Mga taga Adeleuse, Elysia at Elliot, ito ba ang mga pinagmamalaki niyong Hari at Reyna?!” sigaw ni Zyldian. Unti-unting naglakad papalapit sina Elysia at Elliot sa kinaroronan ni Zyldian. “Pakawalan mo ang Hari at Reyna!” sigaw ni Elliot na may halong kaba at galit. Ginawaran lamang ito ni Zyldian ng malakas na halakhak at iling. “Sa pakikipag digmaan, walang madaling naibibigay Elliot. Kung gusto niyong bawiin ang mga mahihina niyong pinuno, kailangan niyong tuparin ang aking hiling,” saad ni Zyldian na nagpapalipat-lipat ng tingin sa dalawang magkapatid. Nababalot ng kaba at takot ang kapaligiran. Hindi mawari ng dalawang magkapatid ang susunod na hakbang na kanilang gagawin. Iniisip nila ang kalagayan ng kanilang mga magulang, ang kaharian, at ang mga nasasakupan nila. Lumapit si Zyldian sa Hari at Reyna at nagtungo ito sa likuran ng mga ito. “Madali lang ang aking hiling,” aniya sabay sipa ng malakas sa Hari na siyang naging dahilan ng pagbagsak nito. Sabay-sabay ang pagsinghap at paghigit ng hininga ng mga taga Adeleuse sa nasaksihan. Akmang lalapit si Elysia ng hawakan siya ni Elliot upang pigilan. Isang malakas at nanunutyang tawa ang maririnig kay Zyldian. “Ibabalik ko sa ang Reyna sa inyo kapag isinuko niyo ang kaharian sa akin ngayon din.” Kung kanina’y may lakas pa ng loob si Elysia na ipagtanggol ang magulang, animo’y kinain ng itim na usok ni Zyldian ang natitira niyang lakas upang ipagtanggol ang magulang. Napansin ni Elliot ang kapatid kung kaya’t kahit ayaw niya ay siya na ang maglalakas loob na mag desisyon para sa kapakanan ng mga magulang. “Pumapayag ako, kami... na isuko ang kaharian kung ito lamang ang tanging paraan upang mailigtas ang Hari at Reyna,” may halong pangamba, takot, at hindi siguradong wika ni Elliot. Isang maitim na ngiti ang iginawad ni Zyldian sa kanila. “Magaling, madali lamang pala kayong kausap ngunit tila hindi ka nakinig sa aking sinabi, Elliot,” saad ni Zyldian. Kunot-noong lumapit si Elliot sa kinaroroonan sa bumihag sa mga magulang niya. “Anong ibig mong sabihin? Pumapayag na nga akong isuko ang kaharian kapalit ng aming mga magulang. Tinupad ko ang kahilingan mo!” galit na sigaw ni Elliot. “Kaharian kapalit ng Reyna lamang, Elliot. Ibig sabihin ang Hari ay nasa aking mga kamay pa rin,” saad i Zyldian. “Kung nais niyong makuha ang Hari ay kailangan niyong tuparin muli ang isa ko pang kahilingan,” dugtong muli ni Zyldian habang papalapit kay Elysia. “Kahibangan! Isang malaking kahibangan ang naiisip mo! Kaharian kapalit ng aming mga magulang, yun lamang ang tutuparin namin!” seryosong wika ni Elliot na ngayon ay hindi na rin makapag-isip ng maayos dahil sa mga ikinikilos ni Zyldian. Sa kabilang banda, habang si Elysia ay nag-aalala sa mga magulang niya unti-unti iyang ibinaling ang atensiyon kay Zyldian. Makikita sa mukha at mata ng bagong tagapagmana ang poot at galit niya kay Zyldian. “Ano pa ang kahilingan mo? Hlingin mo na ang gusto mo habang nakakahinga ka pa, dahil gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang mailigtas ang mga magulang ko at upang mawaksian ko ang paghinga mo sa mundong ito,” wika ni Elysia na animo’y may apoy ang bawat salita’ng lumabas sa bibig niya. Dahil sa narinig, nagsimulang mabalot muli si Zyldian ng maiitm na usok. Unti-unti siyang lumapit kay Elysia, “ang huling hiling ko ay ang…” sa huling hakbang ni Zyldian inihanda nito ang punyal upang saksakin si Elysia, “kapangyarihan mo!” Isang malakas na hiyaw mula kay Elysia ang narinig ng mga mandirigma na naroon sa giyera. Huli na para tumakbo dahil nasugatan na si Elysia, at huli na para kay Elliot na sagipin ang kapatid.  Ang nakakapanindig balahibong tawa ni Zyldian at malakas na hiyaw ni Elysia ang naging dahilan upang sugurin ni Wynnona si Zyldian sa likod at iligtas ang babaeng kaibigan. Kasabay ng pagsugod nito kay Zyldian ay ang pagtakbo ni Elliot upang sagipin ang kapatid. Nagtagumpay man si Wynnona na iligtas si Elysia ay hindi rin niya nagawang makatakas sa punyal ni Zyldian. Ang punyal na kanina’y naka baon kay Elysia ay nasa kanyang tagiliran naman ngayon. Isang malakas na sipa rin ang natanggap nito mula kay Zyldian na naging dahilan ng pagtilapon nito papalayo sa kanila. Dahil sa galit na nararamdamaan ni Zyldian, mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan ng mag-asawang Hari at magkapatid. Inihanda nito ang maiitim na usok na siyang gagamitin niyang pampaslang sa mga pinuno ng Adeleuse. Bago pa man niya magamit ang itim na usok sa mga mag-aama, ay biglang nawala ang mga ito. Muling nadagdagan ang galit ni Zyldian kung kaya naman ay muli siyang naghudyat ng giyera. Samantala, sina Elliot at Elysia ay nasa iisang lugar na malayo sa giyera kasama ang Hari at Reyna. Kapansin-pansin ang liwanag na nagmumula sa katawan ni Elysia. Kung noong una ay kamangha-mangha ito, ngayon ay balot ng pag-aalala sina Elliot dahil sa lalim ng sugat na tinamo ni Elysia. “E-Elysia! E-Elysia!” batid ni Elliot sa tila nagmamakaawang tono. Kasabay naman noon ang paghaplos ng mag asawa sa bunso nilang anak.  “Malubha ang lagay ng iyong kapatid. Kung hindi maagapan ang mga sugat ay ano mang oras, baka hindi niya ito kayanin,” wika ng Reyna na mabilis na sinundan ng Amang Hari. Ani nito, “Kung kaya’t kailangan nating gawin ang nararapat. Hindi nga ako nagkamali. A-ahh-” Maya-maya pa’y hindi natapos ng nakakatandang lalaki ang sinasabi nito. Narinig ng dalawa ang mas mahaba pang pag ungol ng Hari. “Ama, may tama rin ho kayo… kinakailangan niyong magamot. Ina, tulungan niyo si Ama-” Agad ding sinabayan ng Hari ang tono ng prinsipe at muling nagbitaw ng salita. Wika nito, “Wala na tayong panahon. Isa na lang din ang naiisip kong solusyon.” Sa natamong mga sugat, hindi na nakapagtataka na nanghihina na ang katawan ng Hari. Gayunpaman, mas inalala nito ang sugat ni Elysia at alam niyang mahihirapan at matatagalan bago maghilom ang sugat nito. Doon nanisipan ng Hari na ilipat ang kapangyarihan ng Phoenix kay Elliot dahil kung hindi ito malilipat delikado at lubhang mapanganib ang mga susunod pang na mangyayari kay Elysia. “Tulad ng napag planuhan natin mula sa kaharian, ililipat natin ang kapangyarihan ni Elysia sa pangangalaga ni Elliot,” sambit ng Hari na umani ng nag aalalang pag disapruba ng Reyna. “Hindi ba pwedeng pag isipan muli natin ito? Hindi ko makakaya’ng ialay ang mga anak ko Haring Eliseo,” sambit ng Reyna. Batid nito ang paghihirap na dadanasin ng kanyang panganay na anak. Ngunit ito lamang ang tanging paraan na magagawa nila. Kinausap ng Hari ang Reyna sa naging desisyon nito habang sina Elliot at Elysia ay naiwan sa kinalalagyan nila. Hindi mabatid ni Elliot ang gagawin upang matulungan ang kapatid. Nahihirapan ito sa nakikita niya at nahihirapan siya sa sitwasyon kung sakaling ililipat sa kanya ang kapangyarihan ng Phoenix. Pagbalik ng Hari at Reyna ay lumuhod ang mga ito sa tabi nina Elliot at Elysia. Unti-unting lumabas sa bibig ng Reyna ang mga salitang napakasarap pakinggan ngunit hindi alam kung ano ang nais ipakahulugan. Unti-unti niyang hinaplos ang kamay ni Elysia at Elliot. Di naman napigilan ni Elysia na damhin ang kirot na nagmumula sa mga sugat nito kahit pa wala itong malay. “S-shhh… shhh..” pag aalo ni Elliot sa kapatid na ngayon ay mahinang umuungol dahil sa mga sugat nito. Maya-maya pa, sa bawat progreso ng mahika, paunti-unting sumisirit ang nakabubulag na liwanag mula sa katawan ni Elysia.  Hindi katulad sa naunang pagsasalin, mas payapa at malumanay ang lahat ng pangyayari. Ni hindi na rin kinailangan pa ni Elliot na magsugat ng sariling palad para sa pag lilipat na iyon.  Habang abala ang Reyna, unti-unti namang bumagsak ang Hari sa tabi nila.  “Ama!!!” sigaw ni Elliot at kasunod na nga noon ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng mga luha nito. Sa sandaling iyon, tila nawala ang nakasanayang matapang na imahe ng prinsipe. Noon din ay animo’y bata itong umiiyak sa tabi ng katawan ng ama. Dahil sa mga sugat na natamo ng Hari, hindi na niya nasaksihan ang paglipat ng kapangyarihan ng Phoenix. Binawian ito ng buhay bago pa man matapos ang Reyna sa pagsasalita. Wala naman’g magawa ang Inang Reyna. Kahit pa nais nitong maglabas ng reaksiyon ay hindi nito magawa dahil sa patuloy na pagsasalin ng kapangyarihan. Matapos mailipat ng Reyna ang kapangyarihan kay Elliot, tanging iyak lamang nito ang maririnig at ang paghingi niya ng tawad sa kanyang mga anak. Ni hindi mawari kung saan nakukuha ang lahat ng pwersa ng pag tangis nito ngunit batid mo’ng kabilang na roon ang halu-halong mga emosyon. “Hindi na ako magtatagal aking prinsipe. Ipangako mo sa akin ang kaligtasan ninyo ng kapatid mo. Alam ko na napakabigat nito para sa iyo ngunit para sa amin ng Ama mo, alagaan mo si Elysia, Elliot. Alagaan mo ang sarili mo,” ani ng Reyna sa pahina ng pahina nitong tinig. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay ang pagkupas ng bawat bahagi ng katawan nito. Agad naman siyang dinaluhan ni Elliot sa mas mahigpit pang mga yakap. Alam ni Elliot na sa bawat segundong lumilipas ay katumbas ng hindi matutumbasang huling sandali kasama ang mga magulang.   Habang yakap-yakap ang mga anak at nasa kanlungan nito ang Hari, sinabi ng Reyna kay Elliot ang naging pag-uusap nila ng Hari. Sinabi rin niya na alam ng Ama ni Wynnona ang plano, kung kaya’t marahil sa takdang oras na iyon ay alam na ni Wynnona ang nangyayari.  Hinabilin rin niya na mawawala lahat ng alaala ni Elysia, at ang tanging maiiwan lang ay noong nasa mundo siya ng mga tao. Mabubura si Elliot sa alaala nito ngunit manantili ang Hari at Reyna. Muling humingi ng tawad ang Reyna kay Elliot na ngayon ay naghihinagpis sa mga saksihan. May lumitaw na bolang crystal sa kamay ng Reyna.  “T-tanggapin mo ito, Elliot,’ nanghihinang batid ng Reyna. Mabilis naman’g inabot ni Elliot ang kumikinang na bagay sa kamay ng kanyang ina. “A-ano ho ito i-ina?” ani Elliot na buong lakas na pinipigilan ang natitira pang mga emosyon sa loob-loob nito. “Nilalaman ng bola’ng ito ang mga alaala ni Elysia na ibibigay mo lamang sa oras ng pagbabalik na muli ng kapangyarihan sa kanya. Pag ingatan mo ito. Patawarin mo kami ng iyong ama, Elliot.” Kasabay ng paglipat ng crystal na bola, ay ang paghawak ng Reyna sa ulo ni Elliot. Simbolo ito ng pagpa-parating sa misyon na dapat gawin ni Elliot habang nasa kanya ang kapangyarihan ng Phoenix. Sa sandaling lumapat ang mga kamay ng Reyna, noon din ay nagsimulang pumasok ang lahat ng impormasyong nais ipahatid ng kanyang Ina. Iyon ang una at huling beses na ginamit ng Reyna ang ganoong uri ng komunikasyon, senyales na mahigpit na kakanyahan ang mensaheng ipinaabot para kay Elliot. Kasabay ng pagpikit ng mga mata Elliot upang tanggapin ang misyon ay siya ring tuluyang paglaho ng katawan ng Reyna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD