Chapter 7

1981 Words
Sa muling pagmulat ni elliot ay dama pa rin niya ang labis na lungkot dahil sa pagkawala ng kanyang mga magulang. Ang kanyang mga mata ay tila isang talon na kusang bumabagsak ang tubig at hindi napipigilan. “M-mukhang tayo na lamang dalawa, kapatid ko,” bulong ng binata bago muling rumagasa ang di masukat na emosyon. Pahikbi-hikbi pa ito noon. Wala pa ring malay si Elysia ng pansining muli siya ni Elliot at saka inihiga sa kanyang kandungan. Kalauna’y tila may kung anong kakaibang enerhiya ang humila sa kanilang dalawa patungo sa kung saang lugar na hindi nila alam kung nasasakupan pa ng kahariang pinamumunuan nila. Sa muling pag dilat ni Elliot sa mga mata nito ay nakita niyang nasa isang kagubatan sila, at hindi lamang silang dalawa ni Elysia ang naroon. Nasa kakagubatang ding iyon si Wynnona, mga kawal na sugatan, at ang iba pa nilang nasasakupan. Kasama ni Wynnona ang ibang mga babae na gumagamot sa mga sugatang kawal. Nagulat siya at napahinto sa paggagamot nang isang kawal ng mapansin ang dalawang bulto na kanina’y wala sa kakahuyan. Linapitan niya ito at nagulat siya nang makitang sina Elysia at Elliot ang dumating. Sa paglingon ni Elliot ay nagsalubong ang kanilang mga mata. Bakas sa mata at mukha ng Prinsipe ang lungkot dahil sa nakita niyang sinapit ng kanyang mga nasasakupan. Linapitan siya ni Wynnona upang makausap niya ito. Napansin ni Elliot na hindi pamilyar ang lugar pero nagbabakasali itong nasa kaharian pa rin sila. Sa paglapit ni Wynnona ay agad niya itong tinanong. “Nasaan tayo? Anong parte ito ng kaharian? Nasaan ang iba anting mga kasamahan?,” malungkot at suno-sunod na tanong ni Elliot.  Napayuko na lamang si Wynnona dahil hindi nito alam paano sasabihin sa Prinsipe ang nangyari sa kaharian nila. “Tayo ay nasa mundo ng mga tao Prinsipe Elliot. At tanging ang mga nandito na lang ang nakaligtas sa digmaan. A-ang ating... ang ating k-kaharian ay napasakamay na ni Zyldian,” nanghihinang sagot ni Wynnona. “Kung gayon, bakit tayo lang ang naririto? Nasaan ang iyong ama?,” balik na anong ni Elliot. Sa pagkakataong iyon, hindi na napigilan ni Wynnona ang pagalpas ng kanyang mga luha sa kanyang mata. Nilubayan ng tapang ang noong kilalang pinakamagiting na babaeng kawal sa kaharian ng Adeleuse. Kasabay ng pagtakas ng luha ni Wynnona ay ag pagbabalik ng alaala kung paano siyang nakatakas sa digmaang naganap sa Adeleuse. Sa pagtilapon ni Wynnona palayo kina Elysia at Elliot ay  mas lalong sumiklab ang kagustuhan nitong iligtas ang dalawa. Hindi nito ininda ang sipa at mga sugat na kanyang natamo mula kay Zyldian. Iisa lamang ang ninanais nito, at iyon ay ang mailigtas ang magkapatid. Dali-daling tumayo si Wynnona at akmang susugod na siya ng may pares ng kamay na pumigil sa kanya. Sa paglingon ni Wynnona ay nakita niya ang kanyang ama, gulat man sa pangyayari ay sumunod ito sa kanyang ama. “Wynnona, hindi ka maaring sumugod muli upang iligtas ang Prinsesa at Prinsipe,” madiing saad ng kanyang Ama. “Hindi maaari, nasa panganib na sila at ang tanging paraan lang upang mailigtas sila ay kung tutulungan ko... natin sila,” pagmamatigas ni Wynnona. “Hindi ito kasama sa misyon mo, at lalong wala ito sa plano! Nauubos na ang ating hukbo kung susugod pa kayong muli ay baka wala ng matira sa atin!” matigas na sabi ng Ama nito. “Kung gayon, ano ang gagawin natin para makaligtas? Hawak na ni Zyldian ang Hari at Reyna, pati na rin ang Prinsesa at Prinsipe. Paano natin sila maililigtas sa kamay ni Zyldian?” may pag-asang saad ni Wynnona sa kanyang Ama. “Makinig ka, tatakas tayo, pamumunuan mo ang ating hukbo upang tumakas at magpunta sa mundo ng mga tao. Siguraduhin mong walang maiiwan sa mga buhay nating kasamahan. Ikaw ang susundin nila para makatakas, ito ang iyong misyon na dapat mong tuparin sa mga oras na ito. Ito ang una’t huling misyon’g igagawad ko sa iyo, Heneral Wynnona,” paliwanag ng Ama nitong si Pinunong Olayon. Tumindig ang balahibo ng dalaga sa huling naiusal ng kanyang ama. Sa mahabang panahon, ngayon lamang naramdaman ni Wynnona ang dala-dala’ng kapangyarihan ng kanyang ama. Ni hindi niya alintana noon ang bigat ng posisyon ng ama.  Sandali pa’y naalala nito kung paanong palagi niyang ninanais na patunayan ang sariling kakayahan para sa posisyong hawak-hawak niya dahil hindi naman lihim kay Wynnona ang usap-usapan ng iba pang mga kawal patungkol sa kanya. “Ipangako mo’ng matutupad mo ito Wynnona,” maamong wika ng lalaki sa kanyang anak. “P-pangako-” hindi pa man natatapos ni Wynnona nag sinasabi’y pinutol na ito ng kausap. Wika ng kanyang Ama, “Ikinagagalak ko na ikaw ang aking anak. Hanga ako sa tapang at pati na rin sa narating mo. Isa lang ang pakakatandaan mo Wynnona, hindi mo kailanman kailangang patunayang ang sarili mo ni kanino man. Hindi sa mga taga Adeleuse, hindi sa Prinsesa at Prinsipe… Mabuhay ka para sa akin. Ipangako mo…” Kasunod ng madamdaming mensahe’ng iyon, iginawad ni Punong Olayon sa kanyang anak ang pinaka mahigpit na yakap. Batid doon ang una’t huling beses na apeksyon na mamamagitan sa mag ama. Habang nasasakal sa loob ng katawan ng ama, hindi napigilan ni Wynnona na ibuhos ang mga luha nito. Ramdam naman iyon ng kanyang ama kaya sa bawat hikbi ng dalaga ay ang mas pag higpit ng yakap ng nakatatandang lalaki.  Sa loob-loob ni Wynnona, ngayon pa lamang niya ito hinangaan. Ni wala man lang ideya ang dalaga kung bakit at paanong naramdaman niya ang pagtingala sa ama sa sandaling iyon.  Sandali pa ay naghiwalay ang dalawa sa pagkakayakap. Matikas na tumayo si Punong Olayon sa harapan ni Wynnona. Ilang sandali lang at marahan itong yumuko at naglahad ng palad. Tangan-tangan ng lalaki ang kulay nyebeng apoy sa palad. Tanda iyon ng pagbibigay galang sa bagong antas na ranggo sa kasamang kawal. Ganoon din namang ang ginawa ni Wynnona. Inilapad nito ang mga palad at banayad na lumitaw ang kulay asul nitong apoy sa kamay.  “Humayo ka at tuparin ang misyon. Nasa kamay mo ang kaligtasan ng natitirang Adelian,” huling sambit ni Punong Olayon. Magkakasunod na pagtango ang iginawad ni Wynnona sa Ama na simbolo na naiintindihan nito ang plano. Bago pa man siya makaalis ay mariing hinawakan ng kanyang Ama ang kamay nito at tipid na ngumiti. Hindi na nag aksaya ng oras si Wynnona at sinunod ang plano na sinabi ng kaniyang Ama. Iginiya niya ang mga nakita niyang kasamahan sa lagusan papunta sa mundo ng mga tao. Matapos niyang maigiya ang daan ay bumalik siyang muli upang hanapin ang iba pa niyang kasamahan. Sumisiklab pa rin ang matinding paglalabanan sa Adeleuse sa oras na iyon. Walang takot si Wynnona na sumugod muli sa giyera at hanapin ang ibang kasamahan. Matapos ang pakikibagbaka ay muli niyang iginiya ang kasamahan sa lagusan upang makatakass sila. Pagdating sa mundo ng mga tao ay agad na hinanap ni Wynnona ang kanyang ama sa pag asa’ng nakaligtas ito. Hindi niya mabatid kung ano ang mararamdaman ng mapagtantong ni bakas ng anino’y hindi na mahagilap sa kahit saang sulok ng kagubatan. Namuo ang luha nito sa kanyang mga mata, nakatakas sila dahil naging pain ang hukbo ng kaniyang Ama upang maligaw nila ang atensiyon ng kalaban. Isinakripisyo nila ang kanilang buhay para sa mga nalalabing buhay ng taga Adeleuse. Isang mahigpit na yakap ang nagpabalik kay Wynnona sa reyalidad. Laking gulat niya ng mapansing nasa bisig na siya ni Elliot, at hindi siya naging komportable sa kalagayan nilang iyon.  Naisantabi ni Wynnona ang alaala na sinapit ng ama ngunit sa sandaling iyon hindi nito naisantabi ang nararamdaman para kay Elliot. Unti-unting kumalas sa yakap si Elliot, kasabay niyon ay ang papiglas ni Wynnona sa nararamdaman dahil makakasagabal lamang iyon sa kanyang misyon. Tinanong ni Wynnona si Elliot kung may nararamdaman ba itong kakaiba o kaya’y may mga natamong sugat sa katawan. Marahang pag-iling lamang ang iginawad ni Elliot. Inilipat ni Wynnona ang tingin kay Elyisa, sa pagkakataong iyon alam niya na wala na ang alaala nito. Tinanong siya ni Elliot kung alam ba niya ang nangyari sa kanyang kapatid. Tipid at malungkot na tumango lamang ito dahil ultimo alaala nilang dalawang magkaibigan ay nabura rin. “Magiging maayos rin ang lahat. Alam ko kung paano maibabalik ag kapangyarihan ni Elysia, at hahanap tayo ng ibang paraan upang hindi mangyari ang dapat na inaasahan,” may kung anong pag-aalala sa boses nito. “Naatasan ako ng aking ama kung kaya’t gagawa ako ng paraan upang manatili kayong buhay ni Elysia,” dugtong pa nito. Tanging pagtango lamang ang isinasagot ni Wynnona sa kanya. Iniisip ni Elliot kung paano niya sisimulang muli ang pagbangon ng kanilang hukbo. Ayaw niyang mahirapan lalo ang kaniyang nasasakupan. Nakita niya kung gaano kalaki ang isinakripisyo ng iba para sa kanilang kaharian, at gusto niyang masuklian iyon lalo na sa sitwasyon nila ngayon. Unti-unting tumayo si Elliot at hinarap ang kanyang mga kasamahan. Sabay-sabay na napa angat ng tingin ang kanilang ibang kasama. Kahit madilim at tanging ilaw lamang na nagmumula sa siga ang nagbibigay liwanag sa kanila, makikita mo sa mata ng bawat isa ang pag-asa at umaasa sa kanya. Sa bawat matang nakatingin sa kanya ay hindi niya mawari kung ano nga ba ang dapat niyang sabihin sa mga kasamahan. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni Elliot bago nagsimulang magsalita. “Humihingi ako ng tawad sa nangyari sa ating kaharian. Ni isa sa atin ay walang ideya na hahantong tayo sa ganitong sitwasyon. Patawarin niyo kami kung hindi namin nailigtas ang Adeleuse at iba pa nating kasamahan,” malungkot at nakayukong saad ni Elliot. “Hindi ko nais na mahirapan ang bawat isa sa atin. Gagawin ko ang aking makakaya upang mabawi ang kaharian sa kamay ni Zyldian. Nais ko lamang na kahit wala na ang ating kaharian ay patuloy pa rin naming matanggap ang inyong respeto,” umiiyak na dugtong nito. “A-at nais ko ring...i-ipabatid sa inyo na ang H-hari at R-reyna ay isinakripisyo ang kanilang mga buhay u-upang iligtas kaming dalawa ni E-elysia at mailigtas tayo sa labanan. W-wala na a-ang H-hari at Reyna,” humahagulgol na saad nito. Hindi na napigilan ni Elliot ang pagbuhos ng kanyang damdamin. Sa loob-loob niya’y nahihirapan siyang magsalita sa harapan ng nakararami dahil sa trahedyang sinapit nila. Ikinakababa ng loob ni Elliot na nasawi ang karamihan at tanging sila lamang ang ligtas na nakatakas mula sa digmaan. Kahit pa batid ng Prinsipe na ang pag iyak niya ay walang maibibigay na buti sa lahat, hindi niya ininda iyon. Sa isip niya, hindi niya kinakailangang itago ang emosyon sa pagkakataong ito. Batid niyang walang masama sa paglalabas ng damdamin lalo na’t namatayan siya hindi lamang ng mga magulang kung hindi pati na rin ang nasasakupan. Habang patuloy ang pag-agos ng kaniyang luha ay unti-unting nagliliwanag ang kanyang kapaligiran. Marahan niyang iniangat ang kaniyang ulo at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang kanyang kasamahan na nakaluhod, pumupugay, at nagbibigay ng respeto sa kaniya gamit ang mga kapangyarihan nila. Napalibutan ang paligid ng liwanag na nagmula sa iba’t-ibang kulay ng apoy sa palad ng mga nasasakupan nito. Isang lalaki ang tumindig sa gitna at nagsalita. “May kaharian man o wala, kayo pa rin ang aming Prinsipe at Prinsesa. Hindi magbabago ang tingin namin sa inyo. Natalo man tayo at nawalan ng kaharian, hindi iyon simbolo na hindi na tayo lalaban! Sa pamumuno ni Prinsipe Elliot tayo ay matutulungan upang mabawi ang kaharian!” may pag-asang saad ng lalaki. Unti-unti naamng sumangayon ang iba nitong kasamahan. Tumayo sila at nangakong tutulungan nila ang kanilang Prinsipe na mabawi ang kaharian ng Adeleuse sa kamay ni Zyldian. “Kaisa niyo kami, Haring Elliot!” sigaw ng isa pang lalaki na kabilang sa mga kawal. Noon din ay unti-unting lumakas ang tinig ng iba pang mga kasamahan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD