Chapter 8

1654 Words
Tatlong araw na ang lumipas at unti-unti nang nasasanay at nagiging maayos ang kalagayan ng mga taga Adeleuse. Ngunit sa paglipas ng tatlong araw na iyon, ay hindi pa rin nagigising si Elysia. Hindi mabatid ni Elliot at Wynnona kung bakit ganoon katagal ang pagtulog nito. May pag-aalala man, ginawa pa rin ni Elliot ang tungkulin niya bilang Prinsipe para pamunuan ang kanyang mga nasasakupan. Ilang sandali pa ay biglang bumangon si Elysia sa higaan, animo’y may nangyari hindi maganda kung kaya’t napabalikwas siya. Iginala ni Elysia ang kanyang mata ngunit hindi niya makita ang mga taong kanyang nais makita. “Ama, Ina, nasaan na kayo?” paghahanap nito. Tumayo siya sa pagkakahiga at nagsimulang tignan ang paligid, doon niya napagtantong nasa loob siya ng isang tolda. “Amang Hari, Inang Reyna…,” muling pagtawag nito ngunit tanging katahimikan lamang ang sumagot sa kanyang pagtawag.  Nadatnan niya ang isang babaeng abala sa pag-aayos ng kagamitan. Unti-unti siyang humakbang papalapit at bago pa amn niya marating ang kinatatayuan nito ay lumingon ito sa dieksiyon niya. “Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ka pa bang nararamdaman sa katawan?” sunod-sunod na tanong ni Wynnona kay Elysia. “Nais kong malaman kung nasaan ang aking Amang Hari at Inang Reyna,” sagot ni Elysia kay Wynnona na nagayon ay natigilan sa ginagawang pag-aayos. Humakbang papalit si Wynnona sa kanya, “ang mabuti pa ay bumalik ka muna sa loob at magpahinga. Sasabihan ko ang isa sa ating kasamahan na dalhan ka ng makakain,” pag-iiwas na sagot ni Wynnona sa tanong ni Elysia. “Hindi pagkain ang nais kong makita. Uulitin ko, ang nais kong makita ay ang aking Amang Hari at Inang Reyna. Kanina lamang ay kasama ko silang umiinom ng tsaa. Ngayon ay hindi ko mawari kung bakit naririrto ako, at hindi ko sila makita,” mahabang pagsasaad ni Eysia sa kausap na babae. Sa huling mga sinabi ni Elysia, hindi matignan ni Wynnona ang mga mata nito dahil baka makita niya ang kalungkutang namalagi sandali sa kanyang mata. Isang malalim buntong hininga ang ginawa ni Wynnona bago muling mag angat ng tingin at magsalita. “Hindi ako sigurado kung ako dapat ang nagsasabi nito sa iyo ngunit dahil gusto mong malaman kung nasaan ang Hari at Reyna, maari ko na siguro itong sabihin ngayon,” pag aalinlangan saad ni Wynnona. Napakunot ng noo si Elysia sa narinig, hindi ito nagsalita at hinintay niyang muling magsalita si Wynnona. “Nagkaroon ng digmaan sa ating kaharian, hindi naging handa ang lahat dahil biglaang sumugod ang mga kalaban. Napasakamay ang Hari at Reyna sa kamay ng pinuno ng kalaban, ngunit nakatas sila...kasama nila kayo,” pagsisimula ni Wynnona sa paliwanag na hinihintay ni Elysia. “Noong nakatakas kayo hindi namin alam kung saan kayo nakarating. Nguit dahil sa mga sugat at labis na paggamit ng kapangyarihan ng mahal na Hari at Reyna n-naging dahilan ito u-upang sila ay m-mabawian ng buhay,” malungkot na pagtapos nito. Makikita sa mukha ni Elysia ang pagkagulat sa narinig. Nanlaki ang mga mata nito at unti-unting namumuo ang luha. Naka kunot-noo rin siya na animo’y hindi maintidihan ang narinig at kasabay niyon ay ang pag-iling ng kanyang ulo dahil hindi ito makapaniwala sa narinig.  Gulat man at naguguluhan ay sinikap ni Elysia na magsalita, “Hindi iyon maari, kasama ko lamang sila kanina. Nakatulg ako ng hindi ko alam at pag gising ko’y wala na sila, isang malaking kahibangan yon!” maiyak-iyak na sigaw nito. Dahil hindi na alam ni Wynnona kung anong paliwanag pa ang sasabihin, minabuti niyang magpaalam muna kay Elysia upang tawagin si Elliot.  Sa sandaling nagpaalam si Wynnona kay Elysia ay tila naging siyang kandilang unti-unti nauupos. Nanlambot ang kanyang mga tuhod dahil hindi nito matanggap at hindi nito nais paniwalaan ang mga narinig kani-kanina lamang. Kanina lamang ay masaya silang nagsasalo-salo kasama ang kanyang magulang, paanong ngayong paggising niya ay isang malagim na katotohanan na ang naihapag sa kanya. Ngunit sa kaloob-looban ni Elysia, alam niyang nagsasabi ng totoo ang kausap niyang babae kanina. Ramdam ng kanyang puso ang pagguhit ng sakit sa bawat salitang kanyang narinig patungkol sa kalagayn ng kanyang mga magulang. Ilang sandali pa ay bumalik na ang babae at may kasama itong isang matikas na lalaki. Mabilis na lumapit ang lalaki kay Elysia, at akmang yayakapin niya ito ng madaling naitulak siya ni Elysia.  Nagkatinginan si Wynnona at Elliot sa ginawang iyon ni Elysia. Nagkaintindihan sila na hindi nga pala kilala ni Elysia ang kanyang kapatid dahil nabura rin ito sa kanyang alaala. Binasag ni Wynnona ang nakakabinging katahimikan, “Siya ang naging doctor mo. Siya ang gumamot sayo at tumulong upang maging maayos ang kalagayan mo,” paliwanag nito kay Elysia. Tumago si Elliot at nagsalita, “Tama siya, simula ng mawala ang iyong magulang ako ang nag-alaga sayo. Nais kong malaman kung kamusta na ang pakiramdam mo,” may pag-aalalang tanong nito. Tanging pag-iling lamang ang naisagot ni Elysia dahil muli na naman niyang narinig ang sinapit ng kanyang mga magulang. “Kung may nararamdaman kang kakaiba ay sabihan mo lang ako. Padadalhan rin kita ng makaka kain upang maka bawi ka ng iyong lakas,” muling pagsasalita ni Elliot. Unti-tunting tumango si Elysia sa sinabi ng lalaki. Maya-maya pa ay tumayo ito at tumabi kay Wynnona. “Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka,” ani ni Wynnona. “Nasa labas lamang ako at mag-aayos ng ibang kagamitan, kaya madali akong makakapunta kapag kailangan mo ako,” pagtatapos nito sa habilin. Matapos ang habilin ni Wynnona ay umalis na sila ni Elliot sa loob ng tent. Naiwang muli si Elysia na ngayon ay hindi na mawari kung anong emosyon ang kanyang nararamdaman. Unti-unti bumalik sa kanyang isipan ang panaginip niya bago pa man siya magising kanina. “Elysia, halika at sumama ka sa amin ng iyong Ina,” pag imbita ng Hari sa kanyang anak na babae. “Ano ho bang meron, bakit pati ako ay isasama nito Ama?” inosenteng tanong ni Elysia. Mahinang tumawa ang Hari, “ayaw mo na ba kaming makasama ng iyong Ina?” pabiro nitong saad. Napahinto si Elysia at humarap sa Ama, “hindi naman sa ganoon Ama, syempre nais ko rin kayong makasama ni Ina dahil hindi naman madalas ay nagagawa natin ito,” saad ni Elysia at ngumiti. Sabay sila ng kanyang Ama na pumunta sa kinaroronan ng kanyang Ina at nagpunta sa bahagi ng kaharian kung saan makikita mo ang mga tao sa labas ng palasyo. Hindi maitago sa mukha ni Elysia ang saya dahil kasma niya ngayon ang kanyang magulang. Nagbibiruan pa sila ng kanyang Ama at kung minsan ay sabay nilang biruin ang Inang Reyna. Malakas na tawanan at mga biruan, yan lamang ang maririnig sa lamesa kung saan umiinom ng tsaa sina Elysia at kanyang magulang. Hindi mo mababatid sa kanila na sila ay may kanya-kanyang mabigat na tuntunin. “Ama bakit ang iyong tsaa ay medyo may kapaitan, at ang kay Ina naman ay medyo matamis?” tanong ni Elysia matapos niyang tikman ang tsaa ng magulang. Umayos sa pagkakaupo ang Hari bago nagsalita, “Elysia anak, sa aking pamamalagi bilang Hari nakasanayan ko ng puro magagandang bagay ang nararanasan ko. Kaya sa bawat pagkakataong umiinom ako ng mapait na tsaa ay naaalala ko na hindi habang buhay ay puro tamis ang aking makakamtan, dahil ang buhay ay may kapaitan din kung minsan.” Tumango si Elysia sa sinambit ng kanyang ama, hindi niya alam na kahit sa pag-inom ng kape ay malalim na dahilan pa rin ang kanayng Ama kung bakit ganoon ang gusto niyang lasa. Samantala, sumunod naman magpaliwanag ang Reyna, “matamis na tsaa ang gusto dahil sa bawat paghigop ko bumabalik ang mga masasayang alaala na naranasan ko, at masaya ako tuwing naaalala ko ang mga ito,” may ngiti nitong pananapos. Ngumiti rin si Elsyia sa narinig sa magulang. Hinawakan ng Amang Hari ang kamay i Elysia bago muling nagsalita. “Elysia, nais kong tandaan mo na kahit gaano pa kapait ang ibigay ng buhay sayo, lagi mo sanang tandaan at alalahanin ang mga masasayang nangayri sa iyo. Mawala man kami ng iyong Ina, lagi mong isipin ang mga panahong magkakasama tayo at masaya,” makahulugang saad ng Hari. “Elysia, nais kong tandaan mo na sa bawat paghigop mo ng tsaa, maalala mo sana ang araw na ito kasama kaming dalawa ng iyong Ama,” paghabol na habilin ng Reyna. Naguluhan man si Elysia sa sinabi ng ama ay tumango llamang ito at ngumiting muli sa kanyang magulang.  Sa puntong iyon, hindi na mapigilan ni Elysia ang humagulgol ng iyak. Tila may punyal na nakatarak sa kanyang dibdib ng maalala ang panaginip.  Dahil sa narinig, biglang pumasok si Wynnona kasama si Elliot sa kinaroroonan ni Elysia. Dito muling ipialiwang ni Wynnona ang nangyari. “Ang iyong alaala ay inalis ng Reyna, ngunit hindi para pahirapan ka bagkus para iligtas ka at ang kaharian. Ang kapangyarihan ng Phoenix ay minsang nasayo, ngunit inilipat ito ng Reyna kay Elliot,” pagsisimula ni Wynnona. “Nais ng Hari at Reyna na mabwi nating muli ang kaharian ng Adeleuse kung kaya’t nagwa nilang isakripisyo ang kanilang mga buhay. Ngunit kailangan muna nating makabuo at magpalakas ng hukbo ng hindi nalalaman ng kalaban,” dugotogn pa nito. Nagsalita na rin si Elliot, “maibabalik ang iyong kapangyarihan ngunit pansamantala lamang. Kailangan mo pang magpalakas at mag ensayo sa paggamit ng iyong kapangyarihan. At gagawin mo iyon sa mundo ng mga mortal. Doon tayo mamumuhay at magsasanay,” wika ni Elliot. Nagulat man sa narinig at may kung anon mang sumagi sa isipan ni Elysia ay nakinig pa rin si Elysia sa sinabi ng mga kasamahan. “Mamumuhay tayo gaya ng mga mortal, hahanap tayo at tutuklas ng kanilang lakas na maari nating magamit sa pakikipaglaban uang mabawi natin ang ating kaharian,” buong tapang na pananapos ni Elliot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD