“Bes… nakikita mo ba ‘yan?” halos mabulunan si Serene sa donut habang nakatingin sa tapat nila.
Si Laxriel? Nakaupo sa cafeteria table, hawak-hawak ang isang maliit na tupperware na kulay pink, may ribbon pa sa gilid. Para siyang nagpe-present sa Shark Tank, pero ang laman ng produkto niya ay… cake.
“Khyro Sev Dravenhart… my loves…” bulong ni Laxriel, sabay kagat-labi. “Today is the day. Wala nang atrasan. Operation: Feed the Hubby is now officially commencing.”
“Chavez, I swear…” buntong-hininga ni Serene habang tinatakpan ang mukha. “Kung magalit siya at itapon ‘yan sa basurahan, huwag kang iiyak sa akin.”
Pero si Laxriel, full of confidence. Tumayo siya, parang may sariling background music, at naglakad papunta sa mesa ni Khyro.
Tahimik na nagbabasa ng libro si Khyro, gaya ng dati. Walang lumalapit, walang may lakas ng loob. Maliban, siyempre, kay Laxriel Chavez.
“Hi, my loves!” ngumiti siya nang todo, sabay inilapag ang pink tupperware sa harap ni Khyro. “Special cake for a very special hubby.”
Dahan-dahan na tumingin si Khyro sa kanya, diretso sa mata. Walang emosyon. “Ano ito?”
“Cake! Gawa ng iyong one and only future wife.” proud na proud si Laxriel.
Napatingin saglit si Khyro sa tupperware, tapos bumalik ulit ang malamig niyang titig kay Laxriel. “I don’t eat sweets.”
Halos marinig ang collective gasp ng mga estudyante sa paligid. Grabe, parang nanlamig ang hangin.
Pero imbes na ma-offend, mas lalo pang nagningning ang mga mata ni Laxriel. “Perfect! Hindi siya basta-basta kumakain ng sweets… ibig sabihin, ako lang dapat magpapakain sa kanya.”
“Ridiculous.” sagot ni Khyro, pero hindi niya ginalaw ang cake.
Ngunit bago pa siya makapagsalita ulit, biglang dumating sina Lucien, Alaric, at Caelum. Agad na kinuha ni Lucien ang tupperware, binuksan, at kumain ng isang slice.
“Oh wow, not bad.” ngumisi si Lucien. “Chavez, pwede ka na magbukas ng bakeshop.”
Sumunod si Alaric. “Not bad at all. Masarap.”
Tahimik lang si Caelum pero tumango, kumagat din ng isang slice.
At doon, napatingin si Khyro sa kanila, lalo na kay Lucien na mukhang enjoy na enjoy. Hindi niya napigilan ang mariing pagtaas ng kilay.
“Don’t eat all of it.” malamig niyang sabi, halos warning.
Sabay kinuha niya ang tupperware mula sa kanila at itinabi sa gilid niya, parang biglang may na-realize.
Nanlaki ang mata ni Laxriel. “Oh my gosh… ibig sabihin, akin ka na talaga. Kasi kinain nila pero ikaw, tinabi mo. My loves, hindi mo na kailangang mag-deny. Destiny is real.”
Halos matawa na lang ang tatlong kasama ni Khyro, habang si Khyro mismo ay tahimik, pilit na itinatago ang hindi maintindihang init na nararamdaman niya sa loob.
“Class, you’ll be working in pairs today.” anunsyo ng kanilang guro sa History. “Project will be about analyzing the evolution of myths in the modern world. Piliin n’yo na ang partner ninyo.”
Agad na nagsipaghanap ng kapartner ang mga estudyante. Si Serene, mabilis na tumakbo sa kaklase nilang kakilala. “Sorry, Chavez, hindi kita masasalo ngayon. Good luck sa hubby mo!” sabay kindat at takbo palayo.
“Wait, what?!” halos mapasigaw si Laxriel, pero huli na — wala nang choice.
Pagtingin niya sa paligid, isa lang ang natira… si Khyro Sev Dravenhart, nakaupo sa dulo, tahimik at parang walang pakialam sa kaguluhan.
Halos mapatili sa kilig si Laxriel. Oh my gosh, destiny talaga ‘to!
Dahan-dahan siyang lumapit, parang may sariling background music na romantic.
“Hi, my loves…” ngumiti siya, sabay umupo sa tabi ni Khyro. “Looks like fate keeps pushing us together.”
Hindi siya pinansin ni Khyro. Tumikhim lang ito at binuksan ang libro.
“We just need to finish the project.”
Pero syempre, hindi papayag si Laxriel na walang spark. “Exactly. And what better way to finish the project than by combining our intellectual powers… and chemistry?”
Napatingin si Khyro, malamig pa rin ang tingin. “There is no chemistry.”
“Oh, there is.” ngumisi si Laxriel, tapos isinulat sa notebook niya:
Proof #1: Destined partners sa project.
Habang nagsusulat si Khyro ng notes, hindi mapakali si Laxriel. Ang lapit ng braso ni Khyro, ang bango, at ang seryoso nitong mukha habang nagbabasa. Lord, bigyan Mo ako ng self-control.
“Focus.” malamig na sabi ni Khyro, hindi man siya tinitingnan. “Stop staring.”
Halos malaglag si Laxriel sa kinauupuan. “Wha—who said I’m staring?!”
Pero obvious na namula siya, kaya lalong lumalim ang ngisi ni Lucien na nakatingin mula sa kabilang row.
Pagkatapos ng klase, sabay silang lumabas ng room. Nasa gilid si Laxriel, hawak ang notebook na puno ng doodles ng pangalan nila.
“Bes…” bulong niya sa sarili, nakangiti nang todo habang tinitingnan si Khyro na naglalakad sa unahan. “Kung may grade sa pagiging asawa… pasado na ako.”
Si Khyro naman, nakakunot ang noo habang naglalakad. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ramdam niya ang kakaibang init sa tabi niya. She’s too close… too persistent… and yet… why can’t I push her away?