Chapter 7

1269 Words
Paglabas nila ng building, biglang bumuhos ang malakas na ulan. “Ay, patay.” bulong ni Laxriel habang nakasilong sa gilid ng pinto. “Universe, bakit mo ako laging sinusubok sa harap ng hubby ko?” Walang dalang payong si Laxriel. Si Serene, na dapat ay kasama niya, biglang tumakbo papuntang covered walkway. “Chavez, good luck sa asawa mo! Ako na muna magso-solo, ayoko maging third wheel!” sabay kindat at alis. “Traitor!” sigaw ni Laxriel pero tawa lang ang sagot ng kaibigan. Tahimik naman si Khyro sa tabi, hawak ang itim na payong na parang sakto lang sa dalawang tao. Pinagmasdan niya si Laxriel na nakahalukipkip at nanginginig konti sa lamig. Napabuntong-hininga si Khyro, saka marahang binuksan ang payong. “Let’s go.” Para bang slow motion sa paningin ni Laxriel. Parang cinematic shot — ang lalim ng boses, ang lamig ng tingin, pero ang gesture? Husband material! “Oh my gosh… nag-o-offer ka ng forever sa akin, ‘di ba?” halos mapasigaw si Laxriel sa kilig habang sumilong sa ilalim ng payong. “This is it. Operation: Walking Under the Rain with My Hubby — success!” “Don’t overthink.” malamig na sabi ni Khyro. “Ayoko lang mabasa.” “Exactly. Ayaw mong mabasa ang future wife mo. How sweet!” ngumisi si Laxriel, halos mapatalon habang nakadikit sa braso ni Khyro. Habang naglalakad sila sa ulan, ramdam ni Khyro ang init ng katawan ni Laxriel sa tabi niya. Masikip ang space sa ilalim ng payong kaya hindi maiwasan ang bahagyang pagkakadikit ng balikat nila. “Don’t lean too close.” sabi ni Khyro, pero halatang hindi siya lumalayo. “Too late, my loves. Dikit na tayo — sealed by destiny.” sagot ni Laxriel, proud na proud. Habang patuloy silang naglalakad, hindi napansin ni Laxriel ang isang lalaki sa kabilang dulo ng kalsada. Nakatayo lang, nakapayong din, pero nakatitig nang diretso kay Khyro. Sandaling napatigil si Khyro at sumeryoso ang mga mata. May bigat sa hangin, isang presensyang hindi basta-basta. “Hubby? Bakit ka tumigil?” tanong ni Laxriel, clueless pa rin at nakangiti. “Nothing.” sagot ni Khyro, mabilis na iniwas ang tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Pero sa loob-loob niya, ramdam niya ang panganib. At hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero ayaw niyang madamay si Laxriel. Pagdating nila sa covered walkway, akala ni Laxriel tapos na ang eksena ng ulan. Pero si Khyro, hindi mapakali. Panay ang sulyap niya sa paligid, tila may inaabangan. “Hubby, relax ka lang. Safe na tayo.” nakangiting sabi ni Laxriel, sabay hawak sa manggas ni Khyro. “Unless… you’re just nervous kasi magkasama tayo under the same payong?” “Stop talking.” malamig na sagot ni Khyro, pero hindi maitago ang bahagyang tension sa boses niya. “Grabe ka naman.” nakasimangot si Laxriel, pero hindi rin napigilan ang kilig habang nakadikit ang payong nila. Pagdating nila sa gate ng campus, tumigil si Khyro at hinarap siya. “Dito na lang.” “H-ha? Eh, hindi pa ako nakakasakay ng jeep—” “I’ll watch from here. Go home safely.” Bago pa makareklamo si Laxriel, seryoso ang tingin ni Khyro na parang walang puwang ang pagtutol. Napakagat-labi si Laxriel, saka dahan-dahang tumango. “Fine. Pero hubby, utang na loob… dream of me tonight, okay?” kumindat siya bago tumakbo palayo, sabay lingon-lingon pa. Nang tuluyan nang mawala si Laxriel sa paningin, saka lang huminga nang malalim si Khyro. Kasabay no’n, biglang lumitaw ang malamig na ihip ng hangin—at mula sa anino ng puno, lumabas ang estrangherong nakabalabal. “Khyro Sev Dravenhart.” malalim ang boses nito. “Sa wakas, natagpuan na kita.” Mabilis ang sulyap ni Khyro sa direksiyon ni Laxriel, para siguraduhin na wala na ito. Pagkatapos, bahagya siyang umiling at sumenyas ng kamay. “Not here. Too exposed.” Tumango ang estranghero at sinundan siya habang naglakad si Khyro papunta sa isang abandonadong gusali sa gilid ng campus — ang luma at saradong auditorium. Sa loob, mas tahimik, tanging ugong ng hangin lang ang maririnig. “Speak.” malamig na sabi ni Khyro. Lumuhod ang estranghero sa kanyang harapan. “Your Highness… dinala ko ang mensahe ng iyong mga magulang. Ang Hari at ang Reyna ay naghihintay. Darkness is rising. The realm cannot endure your absence any longer.” Mariing pumikit si Khyro, hinigpitan ang pagkakahawak sa libro na kanina pa niyang dala. “I told you… I’m not going back. Not yet.” “Pero, mahal na prinsipe—” “Enough.” malamig na putol niya. “I have my reasons.” Tahimik ang estranghero, pero ramdam ang bigat ng mensahe. Sa labas, dumaan si Serene, nakayakap sa notebook niya habang nagba-browse ng notes. Napatingin siya sa direksiyon ng lumang auditorium, pero umiling lang. “Hay naku, Laxie…” bulong niya sa sarili, nakataas ang kilay. “Kung hindi mo pa mabaliw si Dravenhart, ewan ko na.” At dumiretso na siya, walang kamalay-malay na may tinatagong lihim ang lalaking halos araw-araw ay tinatawag ni Laxriel na hubby. Sa loob ng lumang auditorium, nanatiling nakaluhod ang estranghero. Ang liwanag ng buwan ay tumatagos sa basag na bintana, bumabalot sa katauhan ni Khyro na para bang pinipilit ilabas ang totoong anyo nito. “Your Highness,” bulong ng estranghero, “hindi magtatagal… sila’y darating. Kailangan mo nang bumalik.” Mariing pumikit si Khyro, pinipigilan ang bugso ng damdamin. “I said not yet. Hindi ko sila iiwan… not now.” “‘Sila’?” Nagdilim ang tono ng estranghero. “Do you mean… the humans? Or that noisy mortal always at your side?” Agad na kumislap ang malamig na mata ni Khyro. “Never mention her.” Tahimik ang estranghero, ramdam ang bigat ng babala. Sa kabilang dulo ng auditorium, tatlong anino ang dumating — si Lucien, Alaric, at Caelum. Tahimik silang pumasok, parang hindi sila naglalakad kundi dumadaloy sa dilim. “Figures…” bulong ni Lucien, nakangisi habang pinagmamasdan ang estranghero. “Messenger ng court. Matagal na ring hindi nagpapadala ang royal family.” “Which means,” sagot ni Alaric, nakapamulsa at kalmado, “lumalala na nga ang sitwasyon sa kabilang mundo.” Tahimik lang si Caelum, nakapikit na parang nakikinig sa bawat ihip ng hangin. “The shadows are moving. He won’t be able to hide forever.” Sa gitna, nanatiling matatag si Khyro. “Sabihin mo sa kanila… I will return only when I decide. Not before. Not because they command it.” Nagbuntong-hininga ang estranghero, saka marahang tumayo. “Masyado ka nang nagtatagal sa mundo ng tao, Your Highness. You know what’s at stake.” Pagkatapos, naglaho ito sa hangin, parang usok na kinain ng dilim. “Stubborn as always.” ngumisi si Lucien, nakasandal sa pader. “Shut up.” malamig na sagot ni Khyro, hindi man siya tinitingnan. “Hindi ka naman pwedeng magtago habang buhay.” dagdag ni Alaric, kalmado pa rin. “Not your concern.” Ngunit si Caelum, dahan-dahang iminulat ang mga mata. Sa tono nitong halos bulong, nag-iwan ng bigat sa paligid: “She will find out… sooner or later.” Napatingin si Khyro, mariin ang titig. “No. She must never know.” Sa labas, clueless si Laxriel na busy sa pagpapa-cute sa sarili sa harap ng salamin ng cellphone niya. “Operation Hubby: Phase 7 complete.” bulong niya habang nagse-selfie. “Soon, Khyro Dravenhart… magiging official na ang #HubbyAndWifey.” At wala siyang kaalam-alam na ang tinuturing niyang hubby ay hindi lang simpleng campus crush, kundi ang prinsipe ng isang mundong unti-unti nang gumigising sa dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD