Chapter 8

1449 Words
Kinabukasan, abala ang buong campus sa paghahanda para sa Foundation Week. May mga banderitas na nakasabit, booths na itinatayo, at halos lahat ng estudyante ay excited. Siyempre, hindi nagpahuli si Laxriel. “Bestie, ito na ang chance ko!” halos pasigaw niyang sabi kay Serene habang nakapila sila para sa booth assignment. “Chance saan?” irap ni Serene, nag-aayos ng buhok. “Chance na masolo si hubby Khyro! Imagine, booth partner kami, tapos magro-role play kami ng mag-asawa sa marriage booth. Fate na ‘to, girl!” “Fate o delulu?” mabilis na balik ni Serene. “Shhh! Positive thinking only!” sagot ni Laxriel habang kumikindat pa, parang sigurado na siya sa plano niya. Samantala, sa kabilang banda ng campus, nakatambay ang F4 sa lilim ng malaking puno. Hindi tulad ng ibang estudyanteng nagkakagulo, tahimik lang silang apat habang nakamasid. “Foundation week… noisy humans everywhere,” reklamo ni Lucien, nakapikit at nakasandal. “At least hindi boring. But we should stay sharp. Hindi aksidente ang presensya ng messenger kagabi,” sagot ni Alaric na kalmado pa rin. “The shadows are restless. I can sense them… watching,” dagdag ni Caelum, halos pabulong lang. Tahimik lang si Khyro, nakatingin sa direksiyon kung saan naroon si Laxriel na abala sa paglalagay ng maliit na flower crown sa ulo niya habang nagse-selfie. Sa loob-loob niya, if they come here… she must not be involved. Pagsapit ng gabi, nagliwanag ang buong campus. May mga booth sa bawat sulok, tugtugan, at tawanan ng mga estudyante. Parang piyesta ang paligid. Ngunit sa gilid ng gubat malapit sa eskuwelahan, may kakaibang katahimikan. Mula sa dilim, isang pares ng pulang mata ang bumukas, kasunod ang mababang ungol. “Finally… I’ve found the scent.” Mga aninong hugis-tao, mapuputi ang balat, mahahaba ang kuko, at dahan-dahang lumapit sa bakod. “Hubby! Dito ka na, oh!” sigaw ni Laxriel, kumakaway habang pilit kinakaladkad si Khyro papunta sa booth nila. “Stop calling me that,” malamig na sagot ni Khyro, pero sumunod din siya. Pinagmasdan sila ng ibang estudyante, kinikilig at nagchi-cheer. “Ayyy! Bagay sila!” “Couple goals!” Halos mapatalon sa tuwa si Laxriel. “See? Even the universe ships us!” Napahilot sa sentido si Khyro. Ngunit bago pa niya masabi ang dapat, biglang dumampi ang malamig na hangin at ilang segundo ring tumahimik ang paligid. Napakunot ang noo ni Khyro at agad siyang tumingin sa direksiyon ng gubat. “Looks like the party has started,” nakangising bulong ni Lucien mula sa malayo. “Shadows are here,” seryosong sagot ni Alaric. “He can’t hide her from this forever,” dagdag ni Caelum na halos wala ring emosyon. Mabilis ang pangyayari. Sa gilid ng booth area, biglang nagtilian ang mga estudyante nang makita ang kakaibang anyo na gumapang palabas mula sa dilim. Mabibilis na nilalang na parang pinaghalong tao at hayop, may mga pulang mata at matutulis na pangil. “Monsters!” sigaw ng isang lalaki bago siya nawalan ng malay. Nag-panic ang karamihan at nagsitakbuhan. Ngunit si Laxriel, imbes na matakot, napaawang lang ang bibig. “Cosplayers? Grabe, ang realistic ng costume! Parang horror booth, ang effort!” Hinila agad siya ni Khyro palayo. “Don’t be stupid, Laxriel. They’re not human.” “Ha? Eh kung—” Hindi na niya natapos ang tanong nang makita mismo ang isa sa mga nilalang na umatungal, hinahabol ang mga estudyante. Doon niya lang naramdaman ang lamig na gumapang sa dugo niya. “Wait—h-hindi sila tao?” Sa unang pagkakataon, nakakita si Laxriel ng sulyap sa tunay na mundong ginagalawan ng F4—isang mundong puno ng dilim at panganib. At sa gitna ng kaguluhan, marahang nagbukas ang mapupulang mata ni Khyro, naglalabas ng kakaibang liwanag. Kumalat ang sigawan sa buong campus. Ang mga booth ay nagsipagbagsakan habang nagtatakbuhan ang mga estudyante. Ang dating makulay at masayang Foundation Week ay biglang naging parang eksena sa horror film. “Run! Get away from them!” sigaw ng isang lalaki habang hawak ang sugatang braso. Halos hindi makagalaw si Laxriel sa kinatatayuan niya. Namutla ang mukha niya habang nakikita ang isa sa mga nilalang na dumaan malapit, may mahahabang kuko at nakakatindig-balahibong ngisi. “Hindi… costume lang ‘to… right?” bulong niya, nanginginig ang kamay. Hinila siya ni Khyro, mabilis at mariin. “Stay close. Don’t look at them.” “B-but hubby—” halos mabasag ang boses ni Laxriel. “Just shut up and follow me.” Bago pa sila makalayo, biglang tumalon mula sa bubong ng booth ang isang nilalang, bumagsak sa harapan nila. Umatungal ito, nakalitaw ang mapuputing pangil. Nanlaki ang mga mata ni Laxriel. “Holy—definitely not cosplayers!” Mabilis na tumayo si Khyro sa unahan, parang harang. Ngunit bago pa siya gumalaw, biglang sumulpot si Lucien mula sa gilid, hawak ang bakal na poste na parang laruan lang. Isang mabilis na hampas, tumilapon ang nilalang palayo. “Ugh. Ang ingay ng gabi.” nakangisi si Lucien, parang walang pakialam na kagulo na ang paligid. Kasunod niyang dumating si Alaric, kalmadong iniharang ang sarili sa kabilang side. “Khyro, focus. Hindi lang isa ang nandito.” At doon, lumabas pa ang tatlong nilalang mula sa dilim. Tahimik lang si Caelum na nakatayo sa likod, ngunit marahang binuka ang mga mata. Ang malamig na hangin ay biglang umikot sa paligid, para bang may hindi nakikitang puwersang gumagalaw. Lalong napasinghap si Laxriel, halos hindi makapaniwala. “A-ano ‘to… bakit parang Avengers live action?!” Ngunit si Khyro, seryoso ang mukha, marahang humakbang pasulong. Ang mapupulang mata niya ay kumislap, at sa isang iglap, naramdaman ng lahat ang bigat ng presensyang hindi pangkaraniwan. “Get rid of them.” malamig niyang utos. At sabay-sabay na kumilos ang F4. Bumigat ang hangin sa paligid, para bang lumiliit ang mundo ni Laxriel. Sa harap niya, nakita niya kung paano umatake ang mga nilalang — mabilis, mabangis, parang mga halimaw na gutom sa dugo. Ngunit bago pa sila makalapit, sumugod si Lucien. Hawak pa rin ang bakal na poste na parang espada, mabilis niyang iniwas ang isang atake, saka pinilipit ang leeg ng isa sa mga nilalang gamit ang isang ikot. Tumilapon ito sa lupa, nangingisay. “Pathetic.” ngumisi si Lucien, parang naglalaro lang. Kasunod si Alaric. Hindi ito gumamit ng armas, bagkus ay nakapamulsa lang, parang walang gana. Ngunit sa isang iglap, sinapak niya ang halimaw na sumugod — at tumilapon ito ng ilang metro, bumangga sa pader hanggang mabasag ang sementadong bahagi. Napanganga si Laxriel. “Diyos ko… anong protein powder gamit nila?!” Habang abala ang dalawa, tahimik si Caelum. Nakapikit ito, at nang maramdaman ang dalawang nilalang na dumarating mula sa dilim, dahan-dahan niyang inangat ang kamay. Biglang lumakas ang hangin, umikot sa paligid, at bago pa makalapit ang mga nilalang, para silang pinunit at tinapon ng isang buhawi na galing sa wala. “W-what the—” halos matuliro si Laxriel, hawak ang ulo niya. “Naririnig ko na ba ang background music ng Naruto?!” Ngunit ang pinakanakakatindig-balahibo ay si Khyro. Tahimik lang siyang nakatayo sa gitna, malamig ang tingin. Nang makita niyang lumapit ang pinakamalaki at pinakamabangis sa mga nilalang, hindi siya umatras. Isang iglap — kumislap ang pulang liwanag sa kanyang mga mata. Bago pa makarating ang halimaw, bigla itong huminto, parang natigil ang oras. Dahan-dahan, inangat ni Khyro ang kamay niya at sa simpleng pag-igkas, bumagsak ang halimaw sa lupa, waring nawalan ng buhay. Tahimik ang lahat. Tanging hingal ng mga natitirang estudyante at sigaw ng takot ang maririnig sa malayo. Si Laxriel, nanlaki ang mga mata. “H-hubby… d-did you just… Thanos snap that monster?” Walang sumagot. Si Khyro, nanatiling malamig ang ekspresyon. Maya-maya, naglakad si Lucien papunta kay Khyro, hawak pa ang poste na puno ng dugo ng nilalang. “You know this won’t stop. If one found its way here… mas marami pang susunod.” “Then we’ll kill them all.” malamig na sagot ni Khyro. “Hubby, wait!” halos pasigaw si Laxriel, pilit sumusunod kahit nanginginig pa ang tuhod niya. “Ano ba talaga ‘to? Bakit parang—” Ngunit bago pa siya makapagtanong nang buo, agad siyang hinila ni Khyro palapit. Malamig ang titig nito, ngunit ramdam niya ang kakaibang init sa hawak sa kanya. “Close your eyes, Laxriel.” malamig na utos nito. “Ha? Bakit—” “Just do it. Don’t open them until I say so.” At sa unang pagkakataon, nakaramdam si Laxriel ng kaba na hindi galing sa kilig, kundi sa takot at misteryo. Habang sa paligid, nagiging abo ang mga halimaw, dinadala ng hangin na parang walang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD