Mabigat ang hangin sa pasilyo matapos ang huling sinabi ni Khyro. Tahimik lang siyang tumalikod, bitbit ang malamig na presensya, at iniwan si Laxriel na nakatayo pa rin sa gitna ng corridor. “Hubby…” bulong ni Laxriel, halos pabulong lang, hawak-hawak pa rin ang kahon ng cupcakes na hindi tinanggap. Ramdam niya ang kirot—hindi lang dahil sa pagtanggi, kundi sa paraan ng pagkakasabi nito. “Stay away from me.” Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang linya. Napayuko siya, saglit na kinagat ang labi para pigilan ang pagbagsak ng luha. Ngunit kahit gano’n, pilit niyang pinapalakas ang sarili. Hindi. Hindi ako susuko. Kahit anong sabihin niya, hindi ako lalayo. Walang kamalay-malay si Laxriel na sa mga anino ng corridor, may ibang nagmamasid. Tahimik. Pasensya. Parang mababangis na hayop

