“Khyro?” tawag ni Lucien nang masalubong niya si Khyro sa pasilyo. Kasama nito sina Alaric at Caelum, pare-pareho silang may dalang gamit papunta sa klase. Napahinto si Khyro, bitbit pa rin ang lukot na kahon ng cupcakes na kanina lang ay hawak ni Laxriel. Kita sa mukha niya ang pagkairita at pagkabalisa, pero pinilit niyang itago iyon. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Caelum, nakataas ang kilay. Saglit na nag-alinlangan si Khyro bago sumagot. “May hinahanap ako.” Agad napangisi si Lucien. “Hinahanap? Don’t tell me… si Mrs. Vampire King ulit ‘yan? Huwag mong sabihing nagkakahiwalay pa kayo sa hallway, parang honeymoon gone wrong?” Napakunot ang noo ni Alaric, diretso ang tono. “Where’s Laxriel?” Napasinghap si Khyro, pero mabilis na nag-ayos ng ekspresyon. “She was here a moment a

