Ang buong paligid ay nag-aalab pa rin sa natitirang enerhiya ng digmaan. Ang hangin ay mabigat, puno ng abo, dugo, at amoy ng nasusunog na anino. Sa gitna ng kaguluhan, nakaluhod si Laxriel, yakap-yakap si Khyro, na ngayo’y unti-unting nauupos — ang bughaw na liwanag mula sa katawan niya ay nagiging mga alitaptap na unti-unting naglalaho sa hangin. “K-Khyro…” nanginginig ang boses ni Laxriel, pilit niyang hinahawakan ang mukha ng binata. Ang kanyang mga luha ay pumapatak sa balat ni Khyro, tila sinusubukang buhayin ang init na unti-unti nang nawawala. “You’re going to be fine, right? You promised me… you said you’d protect me, remember?” Ngumiti si Khyro, mahina at puno ng sakit. “Laxriel… you don’t have to cry,” bulong niya, halos hindi na marinig sa hina ng tinig. “Tingin mo… kaya

