bc

the spirit of christmas

book_age4+
27
FOLLOW
1K
READ
second chance
arrogant
drama
others
like
intro-logo
Blurb

Pagiging positive sa sakit na corona

virus. Pag kawala ng kapatid niya na hindi niya alam. Gumuho ang

mundo ni my, Pero may isang taong

nakahawak sa kaliwa niyang kamay

at naka suporta sa kanya.

chap-preview
Free preview
One shot story
The spirit of christmas "Congratulations miss my, For the second swab test we made and still negative. Now you are survivor and congratulations." Maluha luhang nag angat ako ng tingin kay doktor kim. Malapad na tumango ito at hinawakan ang kamay ko. "See, I told you kakayanin mo, Wag ka lang mawalan ng pag asa at manalangin." Kagat labing tumango siya, Hindi niya kayang mag salita dahil sobrang sobra ang saya na nararamdaman niya. Walang nakaka alam na may sakit siya, Kahit ni isang kaibigan niya at pamilya niya. Ayaw niyang ipaaalam. Dalawang linggo siyang naka confine sa hospital dahil nga tinamaan siya ng sakit na covid 19, Akala niya kataposan niya na ang araw na yon. Akala niya mamamatay na siya. Binagsakan siya ng langit at lupa nang malaman niyang nagpositive siya, Ang unang pumasok sa iniisip niya ay kong pano ang pamilya niya. Sino na ang mag aalaga sa ina at mga kapatid niya. Muntik ng mawalan siya ng pag asa mabuti nalang at may isang taong nag papalakas sa kanya at si mr u na nakilala niya sa internet. May isang taong nag papaalala sa kanya na kailangan niyang lumaban para sa pamilya niya at yon si MR U. Pero ang saya na nararamdaman niya biglang na palitan nang pagkabahala. Ang babayarin niya sa hospital, Alam niyang malaki iyon dahil dalawang linggo siya sa hospital. "By the way, About your bill don't think to much about it. It's already paid." "Po? Sino po ang nagbayad?" Agad na tanong niya. Napa ayos siya ng upo at kinabahan. Ngumiti ito. "Wag monang alalahanin yon, Ang alalahanin mo ang katawan mo, Hindi dahil negative kana ngayon ay mag walang bahala kana. Kailangan mong mag ingat at siguraduhing hindi kana babalik dito, Wag monang isipin ang bell, Ang sabi niya wag nang sabihin sayo kong ano ang pangalan niya. Wag ka daw mag alala dahil kilala mo siya." Tumango siya pero nalilito parin. Malaki ang utang na loob niya kong sino man ito, Sana ay makapag pasalamat siya dito nang personal. Sakay nang isang wheelchair tulak tulak siya isang nurse at sinasabayan nang palakpakan ng mga ito. Maiyak iyak siyang nag pasalamat sa mga nurse at doktor na nag aalaga sa kanya. Malaki ang pasasalamat niya sa mga frontlines, Dahil kita niya ang pawis at pagod ng mga ito gamit ang PPE para lang magamot ang mga taong may sakit na kagaya niya. "T-Thank you po dok kim." "No, Thank you for trusting us." Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa mga front-liners bilang pasasalamat. Sa isang hotel namamalagi si my ngayon dahil yon ang gusto nang boss niya na si HADES MONTEMAYOR, Nagtatrabaho siya bilang isang secretary nito at ito ang may ari ng telecom company. Gusto niya na sanang umuwi sa bahay niya dahil ilang buwan na siyang walang contract sa mga kapatid at sa nanay niya pero hindi siya pinayagan nito. Kailangan niya pa daw mag stay sa isang hotel para maka siguro. Nangako naman ito sa kanya na ito na ang bahala sa pamilya niya. Nahihiya man si my pero wala siyang magagawa dahil ayaw niya din namang ilagay sa alanganin ang pamilya niya. Bagot na bagot na siya dahil wala siyang nagagawa, Paminsan minsan naman tumatawag sa kanya ang boss niya at doon lang nawawala ang bagot niya. Pasimpleng sinilip niya ang cellphone na nakalapag sa mesa habang nanonood siya, Baka tumawag na ang boss niya. "Oh my god." Dali daling inabot niya ito cellphone ng maya maya lang ay tumatawag na ang hinihintay. "Hey." Isang matigas na boses ang bumungad sa kanya. Nagpipigil na mapangiti siya. "Hello, Kumusta po ang pamilya ko sir?" Alanganing pagka sabi niya. "W-Wait? Sir? Po?" Hindi makapa niwalang bulalas nito. "Why your calling me that? Are you angry?" Napakagat labi siya. Hindi niya din alam kong bakit, Naiilang lang talaga siya pag hindi niya natatawag na sir at napo po ang boss niya, Kaso tuwing tinatawag niya itong ganoon umaayaw naman ito. "Kasi po." "Damn my, Cut the formalities, Dalawang taon lang ang tanda ko sayo. Kaya ayaw kong tawagin mo akong sir at magpo po ka sakin dahil mukha na akong matanda sa ginagawa mo." "I'm sorry, S-Sorry hades." Napakagat siya sa kuko at mariing pumikit. Matagal na hindi ito sumagot. "It's okey, Just dont call me like that again." Tumango siya na parang nakikita nito. "How are you?" Hindi niya alam kong bakit sa tuwing tumatawag ang boss niya kinakabahan siya. "Okey lang ako, I-Ikaw?" "I'm good, I miss you... I mean i miss you dahil hindi ka namin nakakasama sa trabaho, By the way namimiss kana nilang lahat dito. We can't wait to see you again." "Ahh okey." Maikling sagot niya. Parang may dumaang anghel sa pagitan nilang dalawa ng natahimik ang kabilang linya. "Kumusta pala ang pamilya ko?" Alanganing tanong niya. Nahihiya man pero wala siyang magagawa kaysa naman sa wala siyang balita sa pamilya. "Don't worry about them, I already check them and they are good. Binigyan ko din nang maliit na halaga ang nanay mo para panggastos nila kong may kailangan silang bibilhin." Namimiss niya na ang mga ito, Hindi niya mapigilang maiyak. "T-Thank you. Babayaran ko kayo pag nagbalik trabaho na ako pangako." Marahang natawa ito. "Don't cry, And it's up to you kong babayaran mo ako sisingilin kita ng mas mahal." Natawa na lamang siya. "By the i'm on my way?" Nag salubong ang kilay niya. "Huh?" "Pupuntahan kita." Agad na napatayo siya at nilibot ang tingin sa paligid. Ang kalat! "S-Sige. Mag liligpit lang ako." Bastos na kong bastos basta pinatayan niya agad ito at patakbong niligpit ang mga gamit na naka kalat. Pati panty niya naka sabit pa sa electric-fan dahil pinapatuyo niya. Nagaktak ang pawis niya ng matapos ang pag ligpit, Hindi niya pa nagawang punasan ang pawis nang may kumakatok na naman. Gamit lang ang likod ng palad pinunasan niya ang noo bago binuksan ang pinto. "Hi?" Alanganing bati niya at nahihiyang ngumiti. "Hello, Naka istorbo pa ata ako sa exercise mo." "Ay nako hindi po ayos lang.Pasok po kayo." Napabuga siya ng hininga nang nakapasok na ang lalaki sa loob. Bakit ganon? Bakit parang namimiss ko siya? Gusto ko siyang yakapin pero bakit? "Ano pong gusto niyong iinomin?" "Pong?" Ulit nito habang nakataas ang kilay, Natawa na lamang siya at nailang. "Ano ang gusto mong inomin hades?" Napanguso siya. "Ikaw ang boss ko pero gusto mong tawagin lang kita sa pangalan mo nakaka-" "At isang taon na din nating pinag usapan to at hanggang ngayon hindi mo parin ako sinusunod." Napa kamot nalang siya sa ulo. Mas matigas pa pala ang ulo nito sa inaasahan niya. "N-Nako hades, Hindi mo naman kailangan pang pumunta dito, Isang bag lang ang mga gamit ko. Nakakahiya naman sayo." Napa ilang siya ng nilingon ang lalaki na naka upo at mukhang bagot na bagot itong nakamasid sa bawat galaw niya. Ngayong araw kasi ay uuwi na siya. Pwede na niyang makita ang pamilya niya. "Tingnan mo wala ka namang ginagawa kundi ang tumingin lang sa akin, Bagot na bagot ka tuloy." At pinag patuloy niya ang pag liligpit ng mga damit niya. "Hoy!" Reklamo niya ng bigla nalang nitong hinila ang tinutupi niya. Hindi man lang niya namalayang naka lapit na pala ito sa kanya. "Panty ko yang inagaw mo!" "Yeah." Sagot lamang nito na kina salubong ng kilay niya. Ano bang ginagawa nito? "Para mabilis kang matapos kaya tutulungan na kita." Hindi na siya nag reklamo dahil alam niyang hindi naman siya mananalo sa lalaki. "Salamat h-hades, Ang dami mo ng tinulong sakin." Tumingin siya dito pero sana nga lang ay hindi na dahil nakatingin pala ito sa kanya. Naramdaman niya na naman ang bilis na pagtibok ng puso niya. Pagkatapos magligpit lumabas na sila. Pero hindi mapakali si my lalo na ang bag niya dala dala ng lalaki. Naka sunod lang siya sa lalaki. "Get in." "H-Huh?" "Sakay na." "Nako wag na, Magba bus nalang ako." Akmang kukunin niya na ang bag na bitbit nito ng inilayo nito sa kanya at hinagis sa loob ng sasakyan. "Anong ginagawa mo?" "Ang sabi ko sumakay kana. Ihahatid na kita." "Pero hades-" Hindi niya na tinuloy ang sinasabi niya, Alam niya nang wala ng magagawa ang pakikipag talo niya. Tumango na lamang siya at sumakay na sa passenger set. "Are you angry?" Tanong nito habang nagmamaneho. "Nako hindi po, Nahihiya lang ako dahil sobrang dami na ng naitulong niyo sa pamilya ko." "Don't mind it, I'm also happy for helping you and to your family." Tumango at ngumiti na lamang siya tsaka nanahimik ulit. Hindi niya na ito tinanong nang tinanong hanggang sa nasa tapat na sila ng bahay. "Salamat sa pag hatid hades, Thank you talaga." Tumango lang ito, lalabas na sana siya ng pinigilan siya ng lalaki. "W-Wait, My i'm sorry." Sorry? Para saan? "Para saan? Dapat nga ako yong mag sorry dahil ang dami kong ginawang abala sayo." Sinundan niya iyon ng tawa. Pero mukhang hindi naman ng bibiro ang lalaki kaya ngumuso siya. "I'm really sorry." "Gusto mo ba ng kape?" Pag iiba niya ng usapan. Ayaw niyang mang hingi ito ng sorry sa kanya dahil wala naman itong ginagawang mali. "Pumasok ka mona sa bahay." Tumingin ito sa bahay niya at binalik ang tingin sa kanya. " I'm okey, I have meeting after this so i need to go now, Maybe in other time." Napa tango siya. "Sige, Sunod nalang. Mag iingat ka." Ngumiti ito sa kanya. "And you too." Bago siya lumabas ng kotse ngumiti siya dito at kumaway. Hinintay niya talagang makaalis ito bago pumasok. Mag iingat ka palagi. "N-Nanay." Maluha luhang pinatitigan niya ang ina. Na miss niya ito, Mag isang buwan niyang hindi ito nakita, Agad siyang lumapit at yumakap sa ina. "Na miss ko po kayo, Nanay sorry po kong hindi ako nakatawag, Wala po kasing signal sa trabaho ko." Natawa siya ng mahina nitong kinurot ang balikat niya bago humiwalay tsaka siya pinatitigan. "Napaka pasaway mo talagang bata ka, At kailan kapa nag sinungaling sakin? Sapalagay mo hindi ko malalaman? Sabihin mona ngayon na kaysa sa magalit pa ako sayo." "Nanay." Pano nito? May kunting kirot sa puso niya dahil alam niyang ang lalaki ang nag sabi dito kahit naki usap na siyang wag na ipaalam sa ina niya. "Sorry po nanay," Agad na yumakap siya dito at umiyak. "A-Anak, Sana sinabi mo samin para andon kami sa tabi mo tuwing kailangan mo ng tulong, Andoon kami ang mag papalakas ng loob mo, Alam mo ba nang nalaman ko kong saan ka, Napa isip ako kong pano nalang kong hindi mo kinaya, Sisisihin ko ang sarili ko dahil wala ako sa tabi mo sa mga oras na yon. Napa-isip tuloy ako na wala akong kwentang ina dahil hindi man lang ako masasabihan nang problema ng anak ko." "Hindi po totoo yan nay, Hindi ko lang pina alam sayo dahil alam kong kakayanin ko at ayaw kona ding mag alala kayo sakin, Kilala niyo po ako nay, kakayanin ko ang lahat para sa inyo na pamilya ko." "Ang tigas talaga ng ulo mo, Mana ka sa tatay mong arabo." Nakataas ang kilay nito na kina tawa niya. Yumakap siya ulit dito. "Nag papasalamat ako sa panginoon dahil hindi ka niya kinuha sa amin anak." Ngumiti lang siya at hinigpitan ang pagkakayakap dito. "Mga kapatid ko pala nay? Si julie at anna?" Naguguluhang humiwalay siya ng yakap dito ng hindi ito sumagot. "Nay?" "Auh, Naglalaro lang sila doon sa kabilang k-kalye." Ani nito na kinalito niya. "Nanay wag ako, Bawal lumabas ang mga bata kaya wag ako nanay." "A-Ate." Boses mula sa kwarto. "Ayon, Sa kwarto lang po." Ngumuso siya. "Namiss kona ang dalawang bulilit na yon. Dumating na si ate bunso!" Sigaw niya. Ang ngiting abot tainga niya nawala kasabay ang pagbukas niya ng pinto at nakita ang batang nakahiga sa kama. Hindi makapaniwalang umiling iling siya habang sunod sunod na tumulo ang luha. "A-Ate, Kumusta po kayo? Namiss kita." Si julie nakahiga sa kama habang may benda ang ulo nito at puro gas-gas ang katawan. "A-Anong nangyari nanay?" Mahinang tanong niya, Dahan dahang pumasok siya sa loob at dali daling ni yakap ang kapatid. "Aray kopo ate, Yong braso ko." Reklamo ng kapatid niya. Nanginginig ang kamay na sinapo niya ang mukha ng kapatid. "B-Bunso? Ayos kalang ba? Bakit? Anong nangyari sayo huh bakit puro sugat ang katawan mo bunso?" Hindi niya kayang makita ang kapatid niya na nasa ganitong kalagayan. "Si anna asan siya?" "W-Wala na siya my, Sorry." Tuluyan na siyang napahagulhol sa sinabi ng nanay niya. "Hey, What are you doing he-" Hindi na pinatapos ni my ang pag sasalita ni hades. Isang malakas na sampal ang isinalubong niya sa binata. "Sapalagay mo ano ang ginagawa mo? Pinalampas ko na sinabi mo sa nanay ko na nagkasakit ako, Pero yong itinago mo sakin na namatay ang kapatid ko hindi ko yon matanggap hades! W-Wala akong alam na nawalan ako ng kapatid, At ang masakit pa doon, Hindi mo sinabi sakin, Pinagkatiwalan kita. S-Sana man lang sina-bi mo sakin." Marahan nagpunas siya ng luha. "Simula sa araw na to, Wag na wag monang makikialaman ang pamilya ko. Babayaran ko lahat ng iginastos mo sa hospital. Wag na wag ka lang magpapakita sakin." Masakit ang mga sinabi niya para sa lalaki at kita niya yon sa mga mata ng lalaki. Pero wala siyang pakialam, Mas masakit ang ginawang paglihim nito sa kanya. Masakit sa loob niya ang sinabi sa lalaki pero galit na galit siya dito. Baka kong ano pa ang masabi niya tumalikod na siya ay akmang aalis. "I'm sorry, Hindi ko sinabi sayo dahil alam kong hindi yon makakatulong sayo lalo na at nagpapagaling ka, Sorry kong nakikialam ako sa buhay mo, Pero ginawa ko yon para mabawasan ang pag alala mo sa pamilya mo, Ginawa ko lahat lahat para lang maligtas ang kapatid mo, Pero hindi ako ang dios, I wish that i am him so i can stop your sister from dying and to make you happy." "Ano iiyak iyak ka diyan! Hindi mo man lang pinakinggan ang paliwanag ko at sinugod mo agad ng away ang boyfriend mo. Ginawa namin yon dahil sayo, Kilala kita anak. Kahit mamamatay kana iba parin ang iisipin mo, Kaya sinabi ko sa boyfriend mong wag ng ipa alam sayo para tuloy tuloy na ang pag papagaling mo. Kahit magalit ka diyan hindi mona maibabalik na nawala si anna. Alam mo napaka bait ng jowa mo, Ginawa niya ang lahat para mailigtas si anna pero wala siyang nagawa dahil oras na talaga ni anna. Patawarin mona siya, Ay mali. Patawarin mona ako, Dahil ako ang naki usap sa kanya na wag ng ipaalam sayo." Isang tango ang ginawa habang nag pupunas ng luha. Tumingala siya at pinatitigan ang ina. "A-Ang sama kona? Ang dami kong masasakit na salitang sinabi pero ako pala yong may mas malaking utang na loob sa kanya. Ang sama ko nanay ano? Hindi ko man lang nagawang pasalamat siya sa pag lahat ng naitulong niya sa akin, Sinabihan kopa siyang wag niya na akong makialaman. Sinampal kopa siya." "Nag mana ka talaga sa tatay mong arabo. Sigaw ng sigaw kong saan saan kaya iniiwan. Nako pag ikaw talaga hiniwalayan ng boyfriend mo iiyak iyak ka talaga diyan?" Umusli ang labi niya, Kanina pa ito boyfriend nang boyfriend. "Hindi kopo siya boyfriend nanay." "Ay nako ang landi mo anak, Ang sabi niya sakin liligawan ka raw niya pag sinagot kona siya kaso sinagot kona siya nong nakaraang araw kaya kayo na." Marahang natawa na lamang siya sa ina. "Pero seryoso anak, Kailangan mong humingin ng tawad sa kanya. Tawad anak at hindi tuwad, Kailangan mo yong ganon dahil nakakahiya sa kanya anak, Sinisi mo siya kahit hindi niya naman kasalanan. Nakakahiya anak." "N-Nanay naman, Nag sisisi na nga ako eh." "Edi tumuwad ka." Ang hikbi niya na uwi sa pag irap. "Ay maghingi ka pala ng tawad anak. Hala sige na matulog kana doon at bukas puntahan mona siya." Isang tango ang ginawa niya, Bago pumasok sa loob ng kwarto, Pinuntahan niya pa ang kapatid na nasa kabilang kwarto. "Ate my." Ngumiti siya at nag pipigil na ngumiti sa kapatid. Dahan dahang lumapit siya sa higaan nito. "Kumust kana? Masakit paba ang mga sugat mo? Sorry wala si ate para tulungan kayong dalawa ni anna. Sana kong andito lang ako hindi mangyayari to sa inyo." "Wag napo kayong umiyak ate, Sabi ni anna pagagalitan daw kita pag umiyak ka yan ang sabi niya yong nasa hospital pa po kami. Sabi niya iiyak daw po siya pag nakita kapa daw niyang iiyak. Sabi pa niya ang ganda daw po ng jowa mo." Nag punas siya ng luha at tumango sa kapatid. "Pero naiiyak parin si ate dahil wala na si anna. Pero pangako para sayo hindi na ako iiyak. Ano ba ang nangyari bunso bakit kayo nasagasaan?" "Kasi po si kuya driver hindi huminto kahit nasa gilid na kami ni anna, Kaso ako tinulak ni anna kaya s-siya talaga yong nasagasaan natumbahan l-lang ako." Nanginginig ang labi at umiiyak siya habang nakikinig sa kapatid, Sa ganon kadali nawala ang kapatid ko? "Pero wag po kayong mag alala, Kinulong napo siya ni kuya hades, Galit na galit nga po si kuya hades doon eh." Hindi makatulog si my dahil sa sinabi ng kapatid niya, Ngayon na pumasok sa isip niya lahat lahat at ngayon alam niya ng mali talaga ang mga sinabi niya sa binata at ang paninisi niya dito. Kagat labing tiningnan niya ang cellphone na katabi niya. Namalayanniya na lamang na nagtitipa na siya ng text para sa lalaki. To: B Hades. I'm sorry. Ilang minuto nang hindi ito sumagot sa reply niya kaya alam niyang tulog na ito. Napanguso na lamang siya. Nang makita niya ang number ni mr u agad na napangiti siya. To: Mr u. Salamat sa lahat ng ginawa mo, Alam mo kahit hindi kita kilala malaki ang utang na loob ko sayo dahil ikaw ang nakakausap ko araw araw. Gusto kitang makita bago ang christmas para personal kang pasasalamatan." "Sino ang nagte text sayo?" Sa gulat muntik na niyang maihagis ang cellphone na hawak. Boses ni hades? Nang tumingin siya sa gilid may isang aninong nakatayo doon na kahit hindi niya kita ng mukha nito alam niyang si hades ang lalaki. Hindi niya na mapigilang mapahikbi. Dali daling tumayo siya at mahigpit na yumakap dito. "H-Hey, Why your crying?" Marahang hinagod nito ang likod niya. "K-Kasi nakita na kita? Namiss na kita." Wala nang hiya hiya. Wala siyang paki alam kong itutulak siya ng lalaki. Ang gusto niya lang ang mayakap ito. "Sorry sa si-nabi ko, Sorry sa masasakit kong sinabi sayo." Hindi niya natapos ang sasabihin ng sinapo nito ang pisngi niya. "Wag monang isipin yon. Alam kong galit ka lang. At pinapatawad na kita." "N-Nang ganon kadali?" Hindi makapaniwalang bulalas niya habang mahigpit na nakayakap dito. "Kasi ma-" "Manugang ang ingay mo diyan! At anak tawad auh? Hindi tuwad." Ani ng nanay niya na kina hinto nila sa ginagawa. "Pano niya malamang andito ka?" Mahinang tanong niya dito. "Nag text siya, Umiiyak ka daw." Napa nguso siya at pinatitigan ang mukha ng lalaki. "Thank you." "Marry christmass bunso." Nakangiti siyang hinaplos ang pangalan ng kapatid. "Ako lang ang dadalaw mona sayo dahil bawal pa si julie at si inay, Pero pangako sasusunod dadalhin ka namin ng paboreto mong fried chicken. Thank you sa pagliligtas mo kay julie, Proud na proud si ate sayo. Alam kong masaya kana kong asan kaman kaya hindi na malulungkot si ate para sayo." Tumingala siya. "Ang ganda ng langit, Ang ganda ng tirahan mo bunso kaya masaya ako para sayo. Alam mo, Happy si ate ngayon dahil may love life na siya. Yon lang mona ang sasabihin ko sayo sa susunod na naman ang iba." Wala sa sariling natawa siya sa sariling kalandian. "Ramdam kona na malapit na ang pasko sa dami ng dumating na blessing sa atin, Sayang ngalang at hindi mona naabotan ang christmas ngayong taon." Pumunta na siya sa plaza kong saan niya makikita si mr u, Ito ang sinabi niyang lugar kong saan sila mag kikita. Pero lalong gulat niya na makita ang lalaki. "Hades? Ginagawa mo dito?" Nagkibit balikat ito habang nakapamulsa. "May gusto kasing kumausap sakin at magpasalamat." Mahinang tinampal niya ang braso nito at napahikbi. "At ang sabi din ng girlfriend ko gusto niya akong madate, Nalilito na ako." Humihikbi lang na nakatingin siya dito. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa pamilya ko, Ikaw ang nag paramdam sakin na malapit na ang pasko at may dapat ding ipapasalamat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Rumours (Paddock Passion Series Book 4)

read
13.8K
bc

The Rogue's Daughter

read
1.1M
bc

Her Rejected Mate

read
54.4K
bc

Outcast: Daughter of The Moon

read
2.6M
bc

The Fairy's Forbidden Mate

read
352.5K
bc

Grown (Book 2 of the Athens Wolves Series)

read
193.5K
bc

Senator's Dirty Queen

read
184.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook