"HERE." Nag-angat mg tingin si Miss A nang may i-abot si Gov. Alexis sa kanya na isang baso na may lamang alak. Nakangiting tinanggap naman niya iyon. "Thank you," sabi niya. Nasa VIP room na naman silang dalawa. As usual binook na naman siya nito. May solo performance sana siya kaso binook siya nito hindi para mag-perform para mag-usap lang silang dalawa. "You're welcome," wika naman nito sa buong-buong boses. Pagkatapos niyon ay umupo ito sa tabi niya. Sa pag-upo nito ay hindi sinasadyang magdikit ang mga balikat nila. Napatingin naman siya doon ng makaramdam siya ng parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan niya sa simpleng pagdidikit ng balat nila. Saglit nga siyang nakatitig doon hanggang sa i-alis niya ang tingin doon at inilipat niyan iyon kay Gov. At hindi n

