NAPATIGIL si Olivia mula sa pagtutupi ng mga damit na nilabhan niya ng makarinig siya ng katok na nanggaling sa labas ng pinto ng kwarto. Nag-angat din siya ng tingin patungo doon. Mayamaya ay bumukas iyon at sumilip ang kapatid na si Oliver. "Ate," wika nito ng magtama ang mga mata nilang dalawa. "Bakit?" tanong niya sa kapatid. "Kain na tayo. Ready na ang dinner natin," imporma nito sa kanya. "Sige, sunod na ako," wika naman niya. "Okay," sagot naman ng kapatid niya bago ito umalis mula sa kinatatayuan nito. Nang tuluyang makaalis ang kapatid ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa kama. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang mga tinupi niyang damit na nakalapag sa ibabaw ng kama. Tapos na kasi siya sa pagtutupi nang katukin siya ni Oliver sa kwarto. Inilagay naman niya ang m

