Chapter 41

2466 Words

SAGLIT na nakatitig si Olivia sa text message na natanggap niya galing kay Gov. Alexis. Hindi nito iyon mensahe para kay Olivia, kundi mensahe nito iyon para kay Miss A. See you later, Miss A. Basa ni Olivia sa text message nito sa kanya. Pero sa halip naman na mag-reply siya sa text message nito ay napabuntong-hininga na lang siya at saka niya ibinaba ang hawak na cellphone sa ibabaw ng vanity mirror. Pagkatapos ng tatlong araw simula noong ibalita mula sa isang regional news ang tungkol kay Gov at kay Danica ay ngayon lang ito naalala na i-text siya. Tatlong araw din na hindi niya ito nakita sa kapitolyo dahil nga may three days seminar ito sa Maynila. Alam niya iyon dahil siya ang umayos ng schedule nito pero hindi niya alam na kasama pala nito sa three days seminar nito si Danica.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD