UMAGANG-umaga ay nakatanggap si Olivia ng text message galing kay Madam Miranda. Reply nito iyon sa text message niya kaninang madaling araw. Punta ka sa The Gentleman's Club, Olivia. Usap tayo. Basa ni Olivia sa text message nito. Saglit naman siyang nakatitig doon hanggang sa nag-type siya ng reply. Sige po, Madam Miranda. Nang ma-isend niya iyon dito ay muli niyang inilapag ang hawak na cellphone sa bedside table, hindi na din niya hinintay ang reply nito sa kanya. Olivia already decided. Gusto kasi niyang maging magaan ang buhay ni Oliver at hindi niya iyon mabibigay kung nagta-trabaho lang siya bilang cashier. Kahit na mag-overtime siya sa trabaho ay hindi pa din niya maibibigay ang pangangailangan nito. Kaya kailangan niya ng ibang trabaho para magawa iyon. At ang nasa isip n

