BAHAGYANG kinabahan si Bea nang mabasa ang pangalan na nakasulat sa screen ng kanyang smartphone. Sunday Blue was calling her. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil regular naman nilang tinatawagan ang isa’t isa. Hindi lang siguro siya mapakali dahil magkasama sila ni Ryan sa kasalukuyan. Kahit na ano ang gawin niya, kahit na paano siya mag-rationalize ay hindi pa rin siya gaanong komportable. “Maybe you should just come clean with your best friend,” ang walang anumang wika ni Ryan na sinilip ang smartphone niya dahil marahil ipinagtaka nito ang pag-aalinlangan niya sa pagsagot ng tawag. She was usually quick in answering her phone. Napapabuntong-hininga na tumingin si Bea kay Ryan na nakangiting nakatingin sa kanya. Nasa pool area sila ng bahay nito nang umagang iyon. Kasalukuyan silang

