IT WAS Bea’s last day in Los Angeles. Maaga ang kanyang flight kinabukasan. Ang assistant ni Ryan ang maghahatid sa kanyang sa airport dahil balik-studio na rin ang binata. Paggising pa lang niya sa umagang iyon ay labis na siyang nalulungkot. Mas nauna siyang nagising kay Ryan. Maingat siyang kumawala sa yakap nito, walang ingay na nag-ayos sa banyo at lumabas ng silid. Dumeretso siya sa kusina. Nang makita siya ni Nanay Marie ay kaagad na nagbigay-daan ang matanda sa kanya. Alam nitong gugustuhin niyang siya ang personal na maghanda ng kanilang mga pagkain sa araw na iyon. Panay ang buntong-hininga ni Bea habang nagluluto ng agahan. Iniisip niya kung kailan uli sila magkakaroon ng pagkakataon na magkita at magkasamang muli ni Ryan hindi pa man siya nakakaalis. Hindi pa man siya natatap

