“I’M GONNA go up and fix myself.” Pinigilan ni Bea ang kamay ni Ryan bago pa man ganap na makalayo sa kanya pagkatapos nitong hagkan ang ibabaw ng kanyang ulo. Katatapos lamang nilang maghapunan. Nailigpit na ni Nanay Marie ang mga pinagkainan at ihahanda nito ang isang bote ng red wine sa may pool area. Nagtatanong ang mga mata ni Ryan na tumingin sa kanya. Halos wala sa loob na hinaplos ni Bea ang pisngi at panga nito. Bahagya siyang nakaramdam ng kaunting kiliti sa kanyang palad dahil sa mga buhok nito sa mukha. “You’re going to shave?” ang kanyang tanong habang patuloy na hinahaplos ang mukha nito. Hinagkan ni Ryan ang kanyang palad. “And shower. `Wanna join me?” Mabilis na namula ang buong mukha ni Bea. Gusto niyang tumango ngunit nahihiya naman siya. Ano na lang ang iisipin nito

