HALOS WALA sa loob na nahagod ni Bea ang buhok nang marinig ang doorbell. Kaagad bumilis ang t***k ng kanyang puso. Waring sasabog siya sa labis na pananabik. Tinakbo ni Tilly ang frontdoor habang ipinapaalam sa kanya na ito na ang magbubukas ng pintuan. Siniguro muna niya na nasa ayos ang lahat sa hapag bago niya sinundan ang anak. Kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Bea nang makitang papasok sa loob ng kanilang tahanan si Ryan. Kagaya ng nagdaang pagkakataon na naghapunan ang binata sa kanila, may bitbit itong malaking pumpon ng bulaklak at isang bote ng mamahaling wine. Kagaya rin noon, inialay nito ang bulaklak kay Tilly na tuwang-tuwa. Hinagkan nito ang pisngi ni Ryan bago siya nito nilingon. Anumang inggit na umusbong sa dibdib ni Bea ay kaagad namatay sa nakita ang katuwaan sa

