ARAW NG Lunes. Umaga pa lang ay abala na si Bea ngunit kagaya ng bawat Lunes niya, inilaan niya ang hapon para sa mga kaibigang single moms katulad niya. Hindi na kailangang pag-isipan ni Bea kung isasama niya si Ryan at ipakikilala sa mga kaibigan. Hindi rin naman siya lulubayan ni Ryan kahit na sinubukan niyang iwan ito kanina sa sports bar and restaurant na binisita nila kaninang umaga. Iyon ang unang restaurant na binuksan ni Bea na para talaga sa mga lalaki. Kailangan pa ng improvement ang menu at malugod niyang pinakinggan ang mga suhestiyon at komento ni Ryan. “Charming,” ang komento ni Ryan nang makapasok sila sa loob coffee shop na regular nilang meeting place ng mga kaibigan. Nasa regular na table na nila sina Soledad, Carlotta at Monica. Nakangiting lumapit si Bea sa mga kaibi

