RYAN STAYED near Bea but he didn’t hover. Hinayaan siya ng binata na gawin ang mga kailangan niyang gawin. Tahimik na mauupo sa sulok at hihintayin siyang matapos. Ilang beses siyang nag-alala na baka naiinip na ang binata ngunit sinisiguro nitong maayos lang ito saan man niya iwanan. “How many restaurants do you have?” ang kaswal na tanong ni Ryan habang naiipit sila sa traffic patungo sa huling restaurant na kailangan nilang puntahan. Doon na rin sila maghahapunan. “A few,” ang tugon ni Bea, may bahid ng pagmamalaki sa tinig. “They’re all over the place and I have a lot of partners.” “But you mainly made them happen.” Nakangiting tumango si Bea. “Looking back, I’m amazed myself. I never thought I’d end up being like this. My dad wanted me to be a lawyer like him. I thought I’d be a l

