20

1083 Words

“PAANO KUNG yayain ka niyang magpakasal?” Natigil si Bea sa pagdadala ng tasa ng tsa sa kanyang bibig. Inilapag niya iyong muli at tumingin sa kaibigang si Carlotta na siyang nagtanong. Kasama niya sa hapon na iyon ang mga kaibigan niyang single moms. Malaking kaginhawaan ang presensiya ng mga ito sa kanya. Pakiramdam niya ay mas nauunawaan siya ng mga ito. Hindi naman sa hindi siya nauunawaan ng ibang mga kaibigan niya. Alam niya na sinusubukan ng mga ito, ngunit iba pa rin ang pananaw ng mga babaeng naranasan din ang mga naranasan niya. Iba ang lebel ng pag-intindi at simpatya. Naikuwento niya kina Soledad, Carlotta at Monica ang naging pag-uusap nila ni Ryan. “He’s not gonna ask her to marry him,” ang sabi ni Monica. “Nagpahiwatig ba na gusto niyang magpakasal kayo?” Umiling si Bea.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD