KAKATWA NA hindi masuka-suka si Bea habang nagluluto para sa kanilang tanghalian. Hindi niya alintana ang amoy ng ilang sangkap na nagpapasama ng pakiramdam niya bago dumating si Ryan. Sinubukan niyang huwag gaanong ngumiti ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Umaapaw ang kanyang kaligayahan kahit na wala pang sigurado sa kanilang sitwasyon. Masaya rin si Tilly nang makita si Ryan na naroon na. Niyakap nito ang binata at hindi na matigil sa pagsasalita. Nasabi na ng bata sa binata ang halos lahat ng nangyari sa buong araw nito. Paulit-ulit pa nitong nabanggit kung gaano ito kasaya dahil naroon si Ryan at dahil magiging ate na ito. Mataman naman na nakinig sa bawat salita ni Tilly si Ryan. Hindi pagkukunwari ang interes at kaligayahan sa mga mata nito. Isang napakalaking bonus para kay

