Chapter 12

1082 Words

"Ano ka ba, 'neng." Pinanlakihan niya ito ng mata, bago ako binalingan. "Pasensya na sa asal ng anak ko. Sa totoo lang ay ayos naman ako. Siguro ay tatawagin ka na lang namin kapag may mali sa nararamdaman ko, para rin hindi ka na ganoon maabala." "Ganoon ba?" alanganing sagot ko. Kapagkuwan ay tila nahiya rin sa sariling kabaliwan. Umimpis ang labi ko upang itago ang kahihiyan, hindi rin nagtagal nang magpaalam akong aalis na at dali-dali nang lumabas. Sakto naman ang pagdating ng presensya ni Kidd sa harapan ko, rason para magkabanggaan kami sa hallway. Naging maagap ang kamay nito at madali akong nahawakan sa baywang bilang alalay na huwag matumba. Sa nangyari ay para akong sinilaban ng apoy, para akong napaso kung kaya ay mabilis akong kumawala sa pagkakahawak niya. Natulala pa ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD