Hindi pa man ako nagtatagal sa trabahong ginagawa ko kay Kidd ay mabilis lang ako nitong nahila upang itayo mula sa pagkakaluhod ko. Kaagad nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Mula rito ay kitang-kita kong napupuno ng pagnanasa ang parehong mata niya, madilim ang mukha nito na para bang may kung anong itim ang nakapalibot sa kaniya dahilan para magtayuan ang mga balahibo sa batok ko. Napalunok ako, kasabay nang pagkurap ko ay ang pagtulak nito sa akin. Rason iyon upang mapasinghap ako, malakas na umalog ang kama nang sumunod ito sa paanan ko. Halos gumapang ako paatras nang magsimulang lumapit si Kidd sa akin, gaano man ako natatakot sa mukha nitong animo'y mangangain ng buhay ay para pa akong nahihibang. Ang dalawang kamay nito ay nakatukod sa kama habang unti-unti siyang gumagapa

