"Ganito ka ba roon sa lalaki mo?" alanganing tanong ni Kidd dahilan para mangunot ang noo ko. "Paanong ganito?" "Ito—" Huminga siya nang malalim, bago may kung anong pinahid sa pisngi ko. "Nginingitian mo siya, sabay kayong tumatawa. Hindi ko ma-imagine na mas masaya ka sa kaniya." Sa narinig ay halos mamilipit ang tiyan ko nang humagalpak ako ng tawa. Bahagyang lumayo si Kidd upang dungawin ako, kapagkuwan ay mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay sa biglaan kong emosyon. Sa totoo lang ay ayokong sabihin na siya naman talaga ang dahilan kung bakit naninibago pa ako sa sarili ko, kung bakit ako ganito ngayon. O mas madaling sabihin na nahihiya akong ipaalam sa kaniya, knowing na bawal akong ma-attached dito. Mas okay na siguro ito, itatago ko na lang muna kung ano ang totoong narar

