Tahimik akong pumasok ng kotse, sa halu-halong emosyong nararamdaman ay parang binibiyak ang ulo ko. Kaya hindi ko na nagawang pansinin ang presensya ni Kidd sa buong biyahe namin. Sa oras din kasi na ginawa ko iyon ay baka lalo lang akong mabaliw sa kaniya. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung bakit kailangan niya akong hintayin nang ganoon katagal. Kaunti na lang ay masasabi ko nang nagseselos ito, kaunti na lang talaga. Huwag niya lang akong bigyan ng pagkakataon at pag-asa, baka hindi ko rin masabi kung ano ang magagawa ko. I am more than willing to take a risk— iyan ang sinasambit ng puso ko, pero sa ngayon na magkalaban pa sila ng utak ko ay bahala na muna. Pasimple akong humugot ng hininga. Sa kinatagalan ng biyahe namin ay natanaw ko rin ang matayog na building ng A&D Tower,

